"Hi, Good morning ma'am Isabelle!" Binungad ako ng sekretarya ni Conrad.
"Good morning, nasaan si Conrad?" Mabilis itong gumalaw at kinuha ang black folder na nakalagay sa lamesa.
"Sir Conrad is not here yet, Ma'am Isabelle. May meeting po s'ya sa Batangas." She gulped. "With Ms. Danica." Kumunot ang nuo ko.
Umupo ako sa swivel chair at inikot 'yon. "Who's Danica?" Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon. Hindi ko alam kung kailan ko ito unang naramdaman pero sa tingin ko, ito ang una.
"Sir Conrad's Friend po." Ngumiti ako nang malapad sa kan'ya. "May ipapasabi po ba ka'yo kay Sir Conrad para padalhan ko po s'ya ng mensahe."
Tell him, I miss Him.
Napalunok ako ng laway sa naisip. Gosh Isabelle, ano ba ang na sa isip mo. "Wala naman, una na ako. Babalik nalang ako dito kapag may kailangan." Natigilan ako nang may maisip. "Bakit hindi ka pala kasama sa meeting n'ya at narito ka sa office?"
"Kasama naman po n'ya si Ma'am Danica, I'm sure hindi na po ako kailangan doon. Si sir Conrad na rin po ang nagsabi na hindi ako pwede sumama." Tumigil ito ang kinurap-kurap ang mata. "Baka nga po date ang pinuntahan nila." She giggled.
Hindi na ako nag salita at lumabas na pinto. Ano naman ang pakialam ko kung mag date nga sila? Nasambunutan ko ang aking bangs.
Hapon na nang matapos ako kakatitig sa mga folder sa harap ko, wala akong gana mag painting ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Sinulyapan ko ang orasan, Alas-singko na pala ng hapon. Tumayo ako at inunat-unat ang aking likod.
Bakit kaya sobrang tagal naman nila sa Batangas, Grabe naman ang meeting na 'yan, mag-hapon.
Hinila ko ang aking bangs sa naisip. T*nginang Conrad 'yan, Hindi na mawala sa isip ko simula nang halikan n'ya ako. Baka naman ginayuma n'ya na ako. Natawa ako sa naisip, hindi naman siguro tatalab ang gayuma n'ya sa akin. Napakaganda ko kaya.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may mag-salita sa likod ko. Napalingon ako dito na may gulat sa mga mata. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dyaan?" Tumango ito.
"Ang lalim ng Iniisip mo ha? Ako ba 'yan?" Napasinghap ako sa hangin. Napaka-hangin talaga ng lalaking ito.
"Excuse me, hindi naman mababa ang standard ko pag-dating sa lalaki." Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Bakit naman ikaw ang iisipin ko? Mas marami ang gwapo dyaan kaysa sa'yo." Matapang akong tumitig sa kan'ya.
"Hindi mo sure, Isabelle." His Cold and baritone voice, always giving me chills. Tumikhim ito at muling nagsalita. "Silas told me na nag-kasagutan ka'yo. Don't worry hindi kita tatanggalin sa trabaho, pero si Gabriel ay oo." Kumindat ito sa akin at iniwan akong tulala sa loob ng office ko.
Silas requested to Conrad this kind of room, ayaw pa nga ni Conrad tanggapin. Halatang napilitan lang, malaki kasi ang kwarto para sa isang painter na katulad ko. I'm just painting here, checking mails and folders all day. Ang sabi ko nga ay sa bahay nalang ako gagawa at ipapadala ko nalang ang paintings dito sa office pero ayaw pumayag ni Silas.
Lumbas ako ng office dala-dala ang gamit ko, uuwi na sana ako nang saktong makasalubong ko si Raine. "Tara Isabelle, may ipapakita ako sa'yo." Hinatak n'ya ako sa pulsuhan. Nagtataka naman akong sumunod sa kan'ya.
Dinala n'ya ako sa isang kwarto na madilim, halos parang nakapikit na ako dahil sa napakadilim sa loob. Nagulat lang ako nang bumukas ang ilaw at sumigaw silang lahat. Silang anim.
Tinanaw ko naman si Silas sa gitna ng malaking espasyo ng kwarto. Kinuha nito ang microphone sa gilid at itinapat sa bibig n'ya. "Sorry na, Isabelle. 'Wag ka na magalit." Ibinaba nito ang microphone at ipinagdikit n'ya ang kan'yang dalawang hintuturo at sabay ang sigaw. "Uwu." Tumawa nang malakas silang Anim.
"F*ck, Silas. Mukha kang t*nga!" Sigaw ni Conrad at halos lahat ay nag tawanan. Napatingin ako sa isang lalaki na may hawak na beer sa gilid nila at masaya itong nakatingin kay Raine. Hindi ko s'ya kilala at never ko po s'yang nakita.
"Tara, Isabelle. Shot tayo andito yung boyfriend mo, si Conrad." Kumunot ang nuo ko, nararamdaman ko na nag-init ang pisngi ko.
Sabay-sabay naman sila nag sigawan ng ayie, maliban lang sa amin ni Conrad. Seryoso lang kasi s'yang nakatingin sa aming lahat habang magkadikit ang kilay.
"Hey love birds, may LQ ba ka'yo?" Asar naman ng isang lalaki, si Ino. Sinapok s'ya ni Conrad sa Kaliwang braso. "Joke lang e. Alam ko naman na may Danica ka na." Sumigaw ito habang nag-tatatalon.
Nawala ang ngiti ko sa labi at sinulyapan si Conrad. Nagtama ang mga mata namin, mabilis akong umiwas ng tingin at bumaling kay Sheena. "Tara shot?!" Alam kong binabasa n'ya ang aking emosyon pero hindi ako nag-pahalata.
"Broken agad ang Isabelle namin." Bumaling ito kay Ino. "T*ngina mo Ino. Galit ako sa'yo." Saad ni Sheena habang si Ino ay hindi na makahinga sa kakatawa, ganon lang din si Silas.
Kinuha ni Raine ang baso ng alak at ibinigay sa akin. "Ang mga lalaking paasa, dapat sina-shot 'yan." Napatakip naman agad ito sa bunganga n'ya.
"Kaya kitang tanggalin sa trabaho mo ngayon, Raine." Pinaningkitan s'ya ng mata ni Conrad. Nagtaas naman ng peace sign si Raine at ginawa ang ginawa ni Silas.
"Sorry na, 'wag ka na magalit." Ipinagdikit n'ya ang kan'yang hintuturo gaya ng may Silas. "Uwu." Napahalakhak kasabay ng paghampas n'ya kay Silas na katabi n'ya lang.
"Guys ito nga pala si Simon Elias Chauvet. Hindi n'yo ata s'ya kilala dahil minsan lang s'ya rito sa Office at palaging na sa Bar kasama ang bebe n'ya." Huminto ito at sumulyap kay Simon. "Alam n'yo ba ang Crush n'ya dito?!" Sumigaw ito habang tawang-tawa.
Mabilis na tinakpan ng lalaki, si Simon ang bibig ni Silas. "I'll kill you, Silas. Stop making fun of me."
Inambahan ito ng kamao ni Simon pero agad na tumayo sa gitna nila si Ino."Para kayong mga bata, hindi ba kayo nahihiya? May mga babae dito." Natigilan ito nang marinig na tumawa si Sheena.
"Babae kami, pero nanununtok kami." Napahawak nalang ako sa aking bibig, hindi ko alam na ganito pala ka-walang hiya si Sheena.
- Binibining Lara
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomanceConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...