CHAPTER 22

51 5 0
                                    

"Alam mo ba Isabelle, noong high school kami itong si Danica may t*e sa palda n'ya." Hindi pa ito nangangalahati sa kwento n'ya ay tawa na nang tawa.




"Shut up, Silas. Hindi naman ako 'yun e, sa ibang section 'yon. Malay ko ba na mangiiwan sila doon ng t*e ng pusa." Tawa nang tawa parin si Silas.




"Kahit ano pa ang sabihin mo, nakatatak na 'yon sa utak ko, Danica. Na ikaw ang tumae sa palda mo." Tumakbo si Silas paakyat ng hagdan.




Napansin ko namang dumikit nang bahagya sa akin si Conrad. "Don't mind them, wala lang 'yan magawa." Inunahan ko na s'yang maglakad.




Tinapos ko ang isang painting sa buong hapon, wala akong kasama dito sa office kaya peaceful ang paligid ko pero nawala 'yon nang dumating si Sheena.




"Malapit na ang birthday mo, Isabelle. Gusto mo samahan kita maghanda?" There she is again.




"Hindi ka pa ba sanay?"




"Sanay na ano? Ano ka ba naman, noong nakaraang birthday mo mag-isa ka lang tapos ngayon ganon pa rin?" Napabuntong hininga s'ya. "Girl galaw-galaw, Malay mo 'yan na pala 'yung last na birthday mo. Joke lang!" Inirapan ko s'ya.




"Basta wala akong alam na gagawin sa birthday ko, you know, Sheena. It's just a normal day for me, nasanay na akong ganon kahit nga debut ko ay parang wala lang."




Umirap ang mata n'ya at humalukipkip at isinandak ang likod sa sofa. "Bahala ka, If you do not want to, then don't." Nagmamartsa itong naglakad palabas ng pinto.




Kasabay naman ng pag-alis ni Sheena ay ang pag-dating ni Raine.



"Girl, anyare doon kay Sheena. Bakit ang init ng ulo?" Pinakatitigan ko ang mukha n'ya, nakasuot s'ya ng Reading glasses at may hawak na ipad. "Naka-busangot pa, Did something happen between you and Sheena?" Umiling ako.




"Hindi ko alam, naka-shabu siguro ang gaga." Umirap ito sa akin. Hindi namang mahirap pakisamahan si Raine dahil sobrang bait n'ya at mahinhin and I like her positive mindset, hindi rin s'ya yung tipo ng tao na nakikipag away kahit kanino.




Infairness, puro positive rates ang sa kan'ya nang tingnan ko ang profile background n'ya sa Emoleyee's Board. Magaling talaga s'ya sa pakikipag-trabaho at sobrang nakikisama s'ya.




"You should not say that kind of word to her, kahit pa hindi n'ya alam. That's a bad habit, Isabelle. Kahit na sobrang close pa ka'yo, may chance ba seryosohin n'ya ang sinasabi mo at masaktan mo s'ya." I looked at her.




"I'm sorry, Raine." Nginitian ko s'ya at bumalik sa pagpipinta.




"We should go shopping later, paghandaan natin ang birthday mo kahit tayong magkaibigan lang, simple but memorable." Kinagat nito ang pangibabang labi at yumuko. "Yun kasi ang unang beses na may makakasama akong kaibigan sa mall, kung mangyayari." I'll feel so guilty if I'll decline her request.




"Hmm, okay later nalang siguro after work. Marami pa akong tatapusin." She smiled at me widely.




Nagtatalon pa ito nang makatayo. "Thank you, I'll wait for you nalang mamaya sa lobby. We should check new dresses and outfits sa famous clothing store." I sighed and waved at her. Pala-desisyon talaga si Raine.




Thirty minutes ago nang makaalis si Raine, I turned off the Aircon dahil sobrang lamig pati yata ang bituka ko ay nilalamig na. My phone suddenly beeped kaya kinuha ko 'yon at binuksan. It's message from Kale's Empresa google account.




Akala ko ay importante pero si Conrad lang pala yun, kailan n'ya ba titigilan ang pagsesend ng message gamit ang Gmail account ng company nila.




From: kalesempresa@gmail.com

Gutom ka na ba, baby? Or Gusto mo dalhan kita ng coffee dyaan?❤️




Natawa ako sa isip, with matching heart icon pa talaga ang message n'ya. Pagkatapos n'yon ay nasundan na naman ng message galing sa kan'ya.




From: kalesempresa@gmail.com

F*ck, it's Silas, nanggugulo s'ya dito, sorry, Isabelle.




Nawala ang ngiti ko sa mga labi, naudlot na naman ang magiging kilig na sana. Umirap ako sa kawalan at tinapos na ang isa pa na painting.




Exact six o'clock nang makababa na ako ng office, si Sheena at Raine ang sumalubong sa akin sa lobby.




"Thank God at sumama ka na sa amin, kung hindi ka ayain ni Raine, hindi ka rin sasama." Umirap ito at isinukbit ang braso kay Raine.




Tumingin-tingin ako sa paligid bago sumunod sa kanila. Napansin naman 'yun ni Raine kaya sinita n'ya ako.




"Looking for someone?" Saad n'ya na may pangungutya sa boses at ngumisi ito, hindi rin nakaligtas ang ngisi ni Sheena mula sa harap ko.




"Hell no! Bakit ko naman hahanapin si Conrad?" They both laughed. Napahawak naman ako sa aking bibig. "No, hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
I tried to lie pero hindi pa rin 'yon gumana.




"You suck at lying, Isabelle. Napakatagal na kitang kaibigan, ngayon mo pa talagang nakuhang mag sinungaling."




"True, girl. Isa pa, wala naman kaming sinasabing si Conrad ang hinahanap mo. Nahuhuli ka mismo, gamit ang sarili mo." Tumigil ito at tumingin sa gilid n'ya. "Ayan na pala si Conrad."




Mabilis akong tumingin sa gilid at sabay naman silang nagtawanan. "Kainis ka'yo, hindi na talaga ako sasama." Nauna na akong naglakad at iniwan silang dalawa sa loob.




Sumakay kami sa jeep papuntang Robinson, hindi na kami gumamit ng sasakyan dahil ayaw ni Sheena. Palagi na raw s'yang naka-aircon.




"You should pay the fare, Isabelle. Mas mayaman ka pa sa akin." Pinaningkitan ko s'ya ng mata.




"Wala akong pera, pangbayad ko 'yon ng gas sa sasakyan ko bukas. Ang mahal kaya ng gas."




"Ako na ang magbabayad, guys! Nakakahiya sa mga may luxary hotels na kaibigan ko." Kumapit si Sheena sa braso ni Raine.




"Luh, wala kaya. Mahirap lang kami, si Isabelle talaga 'yung mayaman sa ating tatlo." Sheena laughed while playing with her hair.




Nang makababa kami ay may humintong Van sa harapan namin. "Papansin t*angina kanino ba na Van 'to!" Sigaw ni Sheena at sinipa ang gulong.




The window suddenly opened at bumungad sa amin si Silas na nakangiti nang maluwag.



- Binibining Lara

His Ruthless Justice | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon