Nakakatawa po ang part na 'to.
From: kalesempresa@gmail.com
Isabelle are you okay?
Silas told me your dad hit you please tell me if you're okay.
Please reply, Isabelle. Pupuntahan kita dyaan kapag hindi ko pa nalaman na okay ka.
Napailing nalang ako nang mabasa ang mga message nya sa akin. Kinuha ko ang yelo na binalot ng tela idinampi 'yon sa pisngi ko habang ang kaliwang kamay ko ay nag titipa.
To: kalesempresa@gmail.com
Don't worry, ganon lang talaga si dad. Wag ka na mag-alala, okay lang ako.
Hindi na ako nakatanggap ng mensahe sa kan'ya pero nakatanggap ako ng message galing kay sheena mula sa messenger.
Isabelle labas tayo bukas, mall lang. Samahan mo ako mag shopping, ayaw kasi akong samahan ni Axel.
Hindi ko na 'yon nireplayan dahil alam naman talaga ni Sheena na sasama ako.
Maaga akong natulog dahil pupunta ako sa Kale's Empresa Company bukas. Hindi ko na rin pinaalamam sa parents ko na ako na ang bagong supplier ng Kale's Empresa Company.
Payapa ang paggising ko, nag tataka ako kung bakit wala pa rin si mama ng ganitong oras. Bumaba ako at nakitang kumakain ng umagahan si mommy at daddy. Sa paligid nila ay mga kasambahay na binabantayan ang mga galaw nila. Wala doon si mama.
Lumapit ako sa isang katulong na malapit sa kusina. "Nasaan po si Yaya?" Nagtataka naman itong bumaling ng tingin sa akin.
"Na sa kwarto n'ya po ma'am." Ngumiti ako sa kan'ya, ganon lang din ang iginanti n'ya.
Pumunta ako sa garage at nakita ang mga kwarto doon ng kasambahay. Nakita ko ang nakasaradong pintuan ng kwarto ni mama kaya kumatok muna ako. Nang walang sumagot ay binuksan ko ito at nakitang nag-aayos ng gamit n'ya.
"Ma?" Pagtawag ko dito. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito, Isabelle? Dapat nag aagahan ka doon." Inabot n'ya ang upuan na brown at tinapik ang kamay sa upuan bilang senyas na umupo ako doon, sinunod ko naman s'ya.
Nag tataka ko s'yang sinundan ng tingin. "Bakit po kayo nag-aayos ng gamit n'yo? Mag babakasyon po ba ka'yo?"
Umiling ito.
"Aalis na si mama." Nawala ang ngiti sa labi ko. "Aalis na si mama sa trabaho, Isabelle." Nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"Bakit po mama? Nag sasawa na po ba kayo dito sa akin? Pasaway po ba ako?" Bumagsak na ang mga luha ko.
"Hindi anak syempre mabait ka nga diba? Kailangan talaga umalis ni mama, syempre may pamilya na rin ako at mga anak. Matagal ko na silang hindi naalagaan at lumaki silang wala ako sa tabi nila, ito na rin ang time na ako naman ang mag-alaga sa kanila. Malaki ka na Isabelle, kaya mo na nang wala si mama sa tabi mo." Tumayo ako at niyakap ko sya nang mahigpit at humagulgol sa balikat n'ya.
"Ma kapag wala po kayo hindi ko alam ang gagawin ko." Hinmashimas n'ya ang likod ko.
"Tama na, wag na umiyak. Mag-kikita pa naman tayo ano ka ba!" Tumawa ito nang peke, alam ko 'yon dahil ramdam ko sa boses n'ya. "Ililibre ka nalang ni mama ng ice cream sa seven eleven. Halika!" Pumunta s'ya sa pinto, sumunod ako sa kan'ya at dumaan kami sa likod ng bahay.
Habang namimili s'ya ng ice cream, ako naman ay nag-hanap ng pwedeng mauupuan sa loob ng seven eleven.
"Ito, kainin mo." Umupo s'ya sa harap ko habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan. "Wag mo nalang intindihin ang papa mo, okay? Kapag sinaktan ka pa n'ya, sabihin mo sa akin at ako mismo ang mag susumbong sa mga pulis!" Natawa ako nang bahagya.
"Thank you mama for twenty four years, for taking care of me at sa lahat-lahat." Siya na ang tumayong nanay ko sa loob ng twenty four years. Kahit ang totoo ay meron pa akong magulang. Hindi ko ramdam ang pagmamahal nila sa akin.
Hinawakan nya ang isang kamay ko na nasa lamesa.
"Kung ang iniisip mo ay hindi ka tunay na anak ni Sir Henry, mali ka. Kahit gaano ka pa nila kinaaayawan, Ikaw pa rin ay isang Lamogre." She sighed. "Mahal na mahal kita anak ko."Nang makabalik sa bahay at nakita ko si Sheena sa main gate at nakaupo sa tabi ng halaman.
"Gago anong ginagawa mo dyaan?"
"Kanina pa kita tinatawagan, saan ka ba kasi galing?" Tumayo ito. "Pinagkakamalan tuloy akong mag nanakaw ng body guards nyo. Excuse me sa ganda ko na ito, magnanakaw pa talaga ang naisip nila tse." Tawa naman ako nang tawa habang sumunod sa kanya sa loob ng sasakyan. "Hindi ka pa nag-bihis Isabelle! Anong ginagawa mo dito?"
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan ko, naka pangtulog lang ako at naka taas ang mahaba ko'ng buhok. "Okay naman ah? Hindi ba sabi mo ililibre mo ako?"
"Agh fine." Napangiti ako nang paandarin n'ya na Ang sasakyan n'ya. "Saan pala kayo galing ng mama mo kanina at bakit malungkot s'ya?"
Kinuha ko ang Teddy bear sa likod ng sasakyan nya at pinaglaruan 'yon. "Aalis na si mama, aalis na ng trabaho. Uuwi na daw s'ya sa kanila." Lumukot ang mukha ko.
"Paano na 'yan sinong kakampi sayo sa bahay nyo? Halos lahat ng kamag-anak mo sa side ng mommy mo ay galit sa'yo." Nakikipag chismisan pa rin si Sheena habang nag mamaneho. "Kung ako sa'yo Isabelle, mag hanap ka nalang ng bagong condo at tumira mag-isa. Ayan kasi nireretohan ka ni migs ayaw mo."
"Hindi pa ako handa sa magkaroo ng boyfriend at isa pa wala pa akong matinong trabaho."
"Ang mga paintings mo, pwede mo 'yon pagkakitaan. What if mag-tayo tayo ng Paintings shop?" Rekomenda n'ya.
"Actually dati naisip ko na rin 'yan pero hindi tayo one-hundred percent sure kung magiging successful 'yan." Napaisip ako. "Bakit kaya hindi ka nalang mag-trabaho doon sa Kale's Empresa Company? Malaki siguro ang sweldo doon lalo na kung na sa upper bracket ka."
Luminga s'ya sa akin. "Susubukan ko, maraming gwapo doon." Tumaas-taas pa ang kilay nya.
- Binibining Lara
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomansConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...