Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Wosh! Grabe hindi ko 'yon inaasahan. Mahinang bulong ko sa sarili.
Huminga ako nang malalim at idinilat ko ang aking mga mata nang magulat ako kung sino ang na sa harap ko. "Lola?" Mahina kong tawag habang ang mukha ko ay may pagtataka.
Nakatingin lamang ito sa akin at bahagyang nakangiti. "Who's that guy?" Ngumuso ito na parang bata. "Hindi mo 'man lang pinakilala sa akin, Isabelle."
"No lola, he's my boss." Saad ko sa mahinang tono. Kumunot naman ang nuo n'ya at pilyang ngumisi.
"Naghahalikan ka'yo ng boss mo?" Tinakpan ko ang kan'yang bibig at binigyan ng masamang titig.
"Lola naman e, hindi kaya natuloy. At isa pa, hindi ko naman po gusto 'yon at never-never ko s'yang magugustuhan. Mamatay man." Itinaas ko ang aking kanang kamay sa aking gilid at proud na tumingin kay lola.
"Okay, sabi mo 'yan ha!" Hinawakan n'ya ako sa aking pulsuhan at hinatak papasok ng bahay.
Nag-tataka akong tumingin kay lola nang mapadpad kami sa kusina. "Umalis na ang nanay mo, kaya ako muna ang mag-aalaga sa'yo ngayon, Isabelle." Ngumiti ito at may kinuha sa refrigerator. "Ako muna ang kakampi mo ngayon, naaawa na ako sa'yo Isabelle. Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo na dito at dadalhin kita sa America, Okay Apo?"
Mabilis akong tumango, naramdaman ko naman na uminit ang sulok ng mata ko. "Pinaiiyak mo naman ako, lola." Inabot ko ang tissue sa gitna ng lamesa at pinunas sa mata ko.
Inilapag ni lola ang isang tupperware sa harap ko. "Hindi ba't ito ang gusto mo?" Pinakita n'ya sa akin ang isang Pizza. "Ito ako ang gumawa n'yan para sa'yo. Gusto mo yung walang pineapple at ham hindi ba? Nag order kasi ang mom mo pero inubos nila." Kumamot ito sa ulo.
"Thank you, lola." Napangiti ako nang maalala na tanda n'ya pa ang mga hilig at hindi hilig ko sa pagkain.
Kumagat ako nang kaunti. Busog pa naman ako dahil marami rin ang nakain ko kanina. Pinapanood lang ako ni lola habang ang kan'yang mga palad ay nasa kan'yang baba na parang bata. "Masarap ba apo?" Nakangiti ito.
"Yes lola, ang sarap." Kuminang ang mga mata nito. Hindi ko alam bakit sobrang sarap nito sa pakiramdam na may kadugo ako na sobrang malapit sa akin at hindi ako itinatakwil na parang aso.
Kumuha s'ya ng isang pizza at kumagat. "Hmm, ang sarap nga." Bumaling ito sa akin at pinakatitigan akong mabuti. "Pero apo, kapag may boyfriend ka na, sa akin mo unang sabihin ha? Magtatampo ako kapag hindi." Ngumuso ito.
"Oo naman la, matagal pa siguro 'yon. Mas maigi kung hindi na." Sabay kaming humalakhak.
While staring at the seeling, my phone suddenly beeped out of nowhere. What the hell, hating-gabi na may nagmemessage parin sa akin? Mahinang tanong ko sa aking utak.
Kinuha ko 'yon at binasa.
From: kalesempresa@gmail.com
are you sleeping yet?
Napabangon ako sa hinihigaan nang mabasa 'yon. Baka may kailangan ipaayos sa akin kaya binuksan ko ang aking laptop sa study table at binuksan kaagad ang Gmail account.
Habang nag-titipa ng mensahe ay tumunog muli ang laptop. Sinulyapan ko 'yon at binasa.
From: kalesempresa@gmail.com
Why do you take so long to reply, Isabelle!
Napakunot ang noo ko at bahagyang natawa.
To: kalesempresa@gmail.com
I'm sorry, binuksan ko kasi ang laptop.
Tumunog muli 'yon at muli kong binasa ko.
From: kalesempresa@gmail.com
Okay, goodnight.
Napasinghap ako sa hangin nang nabasa ko ang message n'ya. Nag open pa talaga ako ng laptop dahil ang akala ko ay importante dahil alas-dose na ng gabi.
Sinara ko ang laptop at bumalik sa higaan. Hindi na muli ako nakaramdam ng antok at nag scroll sa Instagram. Bumungad sa news feed ko ang post ni Sheena. May katabi itong lalaki habang ang bote ng alak ay hawak ng kabilang kamay n'ya. Halatang lasing narin ito dahil sobrang pula ng mga pisngi n'ya.
Hindi pa pala 'to dumiretso sa bahay nila kagabi? Pinakatitigan ko nang maayos ang lalaki at napahawak ako sa bibig ko nang mapagtanto kung sino 'yon.
"Gabriel?" Mahinang saad ko sa sarili. "I can't believe na ganito kalandi ang hinayupak na 'yon."
Tinawagan ko ang phone ni Sheena, pero walang sumasagot doon. Alas-dose na ng gabi, paniguradong tulog na 'yon pero mag-kasama silang dalawa. Madali pa naman mauto si Sheena.
Inulit ko ang pag-dial sa number n'ya, sa wakas ay sinagot na ito sa ikatlong ring. Pero nagulat ako dahil ibang boses ang sumalubong sa akin.
"Hello?! T*nginamo sino ka ba?!" Bulyaw nito sa akin mula sa kabilang linya.
"T*nginamo, sino ka rin ba?! Bakit hawak mo ang phone ni Sheena?!" Sinigawan ko s'ya na para bang wala nang bukas. "Where is Sheena?!" Halos mapunit na ang lalamunan ko kakasigaw.
Hindi ito nag salita at ibinaba ang tawag. Tumayo ako at nag-papapadyak na binuksan ang ilaw. Kinuha ko ang coat sa cabinet at isinabit sa balikat ko. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Tinanaw ko muna ang sala dahil baka naroon si Daddy, malintikan pa ako. Hindi mapaghahalataang walang tao sa bahay dahil bente-kwatro oras bukas ang mga palamuti at maliliwanag na ilaw sa labas ng bahay na nakatutok sa pader. Sakto namang makalabas ako ay naroon si kuya Alfred, driver namin.
"Saan ho ang punta n'yo ma'am?" Sumimsim ito sa kapeng hawak at tumingin sa orasan. "Nako alas-dose na po, malalagot ka'yo sa daddy n'yo kung lalabas pa ka'yo."
"Ah may pupuntahan lang po ako, si Sheena po kasi hindi pa daw nauwi sa kanila." Ngumiti ito sa akin.
"Ah yun bang kaibigan mo ma'am?" Tumango ako nang mabilis. "Hayun po s'ya oh!" Tinuro n'ya ang television na nakabukas. Napahawak ako sa aking bibig nang dahil sa nakita.
Nasa presinto ito, umiiyak habang ang kamay ay may hawak na bote ng alak. Mabilis akong lumabas ng gate at patakbong pumunta sa presinto.
What do you think you're doing, Sheena? Mahinang tanong ko sa aking isip.
- Binibining Lara
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomanceConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...