CHAPTER 27

50 5 0
                                    

Tahimik lang s'yang nagmamaneho habang ang kabilang kamay ay nakapatong sa hita n'ya. Inawakan ko 'yon na ikinagulat n'ya. Natawa ako nang mahina. "Magugulatin ka pala? Or malalim lang ang iniisip? Anong iniisip mo, Conrad?"




"Oo, Ikaw. Iniisip ko kung paano ka magiging sa akin, Isabelle." Huminto ito habang ang mga mata ay na sa daan parin nakatingin. "Bakit kailangan nating mahirapan kung talagang mahal natin ang isa't isa?" Pumiyok ang boses n'ya.




"Sa'yo naman ako, bakit kailangan mo mag-isip ng gan'yan? Wala namang nag papahirap sa atin, Conrad. Ang totoo n'yan, tayo ang nagpapahirap sa sarili natin. Kahit alam nating gusto natin ang isang tao, ipinipilit nating hindi. Mahal kita Conrad. Walang mali doon."




"Mas mahal kita Isabelle, mahal na mahal. Sorry mahal, Sorry." Tumulo ang luha n'ya, kaagad ko naman iyong pinahid.




"Wag kang iiyak, mas lalo lang akong malulungkot. Ayaw ko na malungkot ka Conrad. K-kahit wala na ako sa tabi mo, 'wag kang iiyak." Napansin kong iginilid n'ya ang sasakyan at tumingin sa akin, mata sa mata.




"Wag mong sasabihin ulit 'yan Isabelle, mas lalong hindi ko kaya kung wala ka. Bakit? Sasama ka ba sa Lola mo doon sa Australia?" Mariin akong tumitig sa kan'ya at umiling ako. "Kung gayon, saan? Huwag kang aalis Isabelle p-please?" Yumakap ito sa akin at humagulgol sa balikat ko. "Hindi ko kakayanin, Isabelle."




"Hindi naman ako aalis, Conrad. Pinapaiyak mo naman ako." Pinunasan ko ang luha na kanina pa dumadausdos pababa ng pisngi ko. "Lagi lang akong na sa tabi mo, tatandaan mo 'yan, okay? Bukas na ang birthday ko, pagtapos n'on pwede na tayong magsama, sa'yong sa'yo na ako Conrad at hindi na tayo magkakahiwalay pa."




"Pangako 'yan ha? Isabelle, tuparin mo." Kumalas ito nang pagkakayakap sa akin at umupo nang maayos habang pinupunasan ang luha sa pisngi. "Ako rin, kapag tapos na ang birthday mo, dadaan tayo sa magulang ko at hihingiin ko ang kamay mo Isabelle. Mangangako ako sa kanilang mamahalin kita at papakasalan kita." Napangiti ako nang maluwag habang ang mga mata ay kumikinang.




"Hindi na ako makapaghintay matapos ang birthday ko. Bubuo tayo ng sarili nating pamilya at ilalayo mo ako sa dad ko, Conrad. Hindi ko na kayang saktan n'ya pa ako." Inilapit n'ya ang kan'yang ulo sa akin at pinaulanan ng maliliit na halik ang noo ko.




"Mahal kita at mamahalin pa." Our lips meets each other. S'ya lang ang unang minahal ko, si Conrad. Hanggang sa huli s'ya pa rin, sa kan'ya pa rin ako magpapahinga at papalipasin ang masasamang araw.




Lumipat kami sa back seat nang makaramdam ako ng antok, inilagay ko ang aking ulo sa kan'yang hita at ipinilit ang aking mga mata. Naramdaman kong sinuklayan n'ya ang buhok ko gamit ang mga daliri n'ya.




"Matutulog lang ako, 'wag mo akong iwan." Narinig ko itong mahinang natawa.




"Bakit naman kita iiwan, andito ka sa sasakyan ko." Hinawakan ko ang kamay n'yang humahaplos sa buhok ko.




"Do you feel the love?" Saad ko sa mahinang tono. "My teacher said na kapag gusto ng tao ang isa't isa tapos nahawakan n'yo ang isa't isa, may kuryente sa pagitan n'yo." Natawa ako nang marinig itong tumawa. "Hindi 'yung sa meralco ha?" Napangiti ako habang nakapikit ang mga mata. "Sa totoo lang, nakaramdam ka ba Conrad?" Natahimik ito.




"Simula pa lang, noong una kitang makita, nakaramdam na ako ng saya. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na dala lang 'yon ng emotion ko pero hindi, totoo pala. Ikaw na pala talaga, Isabelle."




"Paano mo naman nasisiguro na tayo na talaga hanggang huli? You know, people change, ano pa kaya ang feelings natin para sa isa't isa?" Narinig ko s'yang napabuntong hininga.




"Kung mahal talaga natin ang isa't isa, Isabelle. Hindi tayo gagawa ng excuses at kung mahal talaga natin ang isa't isa. Hindi mawawala ang feelings natin sa isa't isa at ganon pa rin katulad noong una tayong magkita." Tumango ako.




Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi n'ya. Laging may laman at lahat ay may pinahihiwatig. "Sinasabi mo ba Conrad na noong una tayong magkita, nahulog ka na sa akin?" Naramdaman kong itong gumalaw.




"Oo, ganon na nga. Ikaw, ganon rin ba?" Umiling ako.




"Hindi, inis ang naramdaman ko sa'yo dahil ayaw mo sa paintings ko. Bakit pala nagbago ang isip mo na kuhain lahat ng 'yon?"




"Secret, sa akin lang 'yon Isabelle. Kung malaman mo edi hindi na secret." Tumawa ito nang mahina. "Ang mahalaga mas mahal kita, Isabelle." Ipinikit ko na ang aking mga mata at hindi na nakinig sa mga sinasabi n'ya.




Nang mag-unat ako, naramdaman kong malambot ang hinihigaan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kwarto ko. "Bakit andito na ako." Tumayo ako at sinilip ang orasan. seven na pala ng gabi. Bakit ang bilis naman ng oras.




Napangiti ako sa harap ng vanity mirror nang maalala ang mga sinabi at pangako ni Conrad sa akin. Ganon ba talaga mag-mahal ang isang Chauvet? Kakaiba. Iginala ko ang aking ulo at tinanaw ang dress na isusuot ko bukas. Napaka-gana talaga n'yon, well, thanks for Raine.




Laumabas ako ng kwarto at dumiretso sa mini office ni dad. Nakita kong bahagya itong nakabukas kaya pumasok ako sa loob bago kumatok, kakaiba.




"Why are you here, Isabelle? I'm busy." Saad ni habang nakatingin pa rin sa papeles n'ya.




"Dad, you're always busy. I just want to inform you about my birthday tomorrow. Sana makapunta ka dad. Gusto kong maranasang mag birthday na may tatay at nanay. I know Galit kayo sa akin ni mom, pero I want to feel your presence at my party. Please, dad?"




"Okay, but I don't know if I'll come. I have a lot of meetings tomorrow, maybe we will celebrate the next day." Nawala ang ngiti ko sa labi.




"Yan naman din ang sinabi n'yo noong seventh birthday ko, Akala ko may nagbago." Umalis na ako at iniwang nakasara ang pinto. Bakit hindi naman n'ya subukang mag-isip ng bagong excuses nang sa gayon ay maging kapani-paniwala.




- Binibining Lara

His Ruthless Justice | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon