Isabelle's POV
Nakasandal lang ako sa swivel chair habang nakatingin sa labas ng bintana. Kakatapos ko lang gawin ang pangalawang painting, hindi rin ako gutom. Ang sabi ko kay Sheena ay pupunta kami sa La Venice pero wala akong gana.
Iniisip ko kung paano maisasama si dad sa birthday ko, gusto ko s'yang makasama bukas kahit na ngayon lang at hindi na sa ibang birthday ko. Mabilis akong napatayo nang marahas na bumukas ang pinto.
"What?!" Sigaw ko dahil sa gulat. "Hindi ba uso ang katok sa'yo Silas?" Ngumisi ito na parang aso.
"Lunch tayo, andon si Conrad sa baba." Sabay na umangat ang dalawang kilay nito.
"Tigilan mo nga ako Silas, Isa pa, hindi pa ako gutom. Kung maaari lang pakisabi nalang kay Sheena na hindi ako sasabay." Lumapit ito sa akin at inilagay ang likod ng palad sa noo ko. "Anong ginagawa mo bakla?" Inalis ko ang kamay n'ya sa noo ko.
"Wala ka namang sakit, bakit wala kang gana kumain? Nag away kayo ni Conrad ano?" Tinusok-tusok nito ang tagiliran ko. "Tara na dali!" Hinatak n'ya ako sa pulsuhan at hinila palabas ng office. "Isa pa, hindi ako bakla Isabelle!" Sigaw n'ya sa hallway. "Papatunayan ko sa'yo 'yan."
Nang makarating sa lobby ng building ay hindi namin naabutan si Conrad. Napawi ang saya at excitement ko.
"Nauna na siguro 'yon sa La Venice, ang bagal mo kasi." Hinila n'ya ako palabas ng building. Hindi ba uso sa taong ito ang maglakad? Kanina pa ako hingal na hingal.
Naabutan naming mag-isa si Raine sa loob ng restaurant. "Nasaan si Conrad?" I asked her, nakatingin lamang ito sa akin at nagkibit balikat.
"May pinuntahan lang siguro." Saad ni Silas at hinila ang upuan para maka-upo ako. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.
"Ang sweet mo today, Silas ah? May kasalanan ka ba?" Bahagya akong natawa nang makita itong naiilang. "Isusumbong talaga kita kay Sheena o baka naman may kailangan ka?" Pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Uutang ka 'no?"
Dumating na ang mga pagkain katulad ng inorder namin noong nakaraan. Bumukas naman ang glass door at napatingin kaming tatlo doon. Pumasok doon si Conrad at dumiretso sa amin.
Humalik ito sa pisngi ko nang makarating. Gulat naman ang namayani sa aking katawan. Ang sweet naman nila ngayon, anong meron.
"Good afternoon, baby." Saad n'ya sa mahinang tono. Napatingin naman ako kay Silas at Raine na kinikilig habang nakatingin sa amin. Kinuha n'ya ang bakanteng upuan sa kabilang lamesa at dinala sa amin para doon maka-upo.
Sunod namang dumating ay si Sheena. "Hi guys!" Sigaw ni Sheena sa loob ng restaurant. Napatakip naman ito ng bibig nang sawayin ng guard. "Sorry po." Yumuko ito nang paulit-ulit sa guard.
"Ang aga mo ha?" Silas said in a sarcastic tone. "May plano ka pa palang pumunta." Bumaling si Silas sa katabing babae ni Sheena. "Sino 'yan? Anak mo?"
Sa tingin ko bata pa ito mga tatlong taon ang agwat n'ya sa mga edad namin. Ngumiti ito sa akin nang mapansin n'yang tumingin ako sa kan'ya. Ang ganda ng mga ngipin n'ya, perpekto ang pagkakaayos at ang mahabang itim n'yang buhok. Sana kapag nagkaanak ako, gan'yan din s'ya kaganda.
"Shunga, hindi. Pinsan ko 'yan, gustong sumama e sabi ko 'wag na. Ayan nag pumilit." Bumaling ito sa pinsan n'ya. Hindi ko alam na may pinsan pala si Sheena, ito siguro ang tinutukoy n'yang na sa ibang bansa. "Huy, Mag pakilala ka sa kanila."
"Hi po, I'm Eira Zin Wrait." Ang lambing ng boses n'ya. Kagigil.
"Wala kaming pake, 'diba guys?" Tanong ni Silas sa amin.
"Walang magkakainteres sa Wrait family, pamilya ni Sheena." Umirap si Silas na parang babae."Masama 'yan Silas, nag papakilala lang naman yung tao. Kung ayaw mo na makinig, the door is open for you. Feel free to leave." Napasinghap kami sa hangin dahil sa sinabi ni Raine.
"Sorry po mga ate at kuya." The girl said in a soft tone. I smiled at her and tapped the vacant chair beside me.
"Halika, upo." Pinakatitigan ko ang mata n'ya, ang ganda rin. "Ang ganda mo naman." Lumipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Sheena. "Bakit yung pinsan mo hnndi?" Nagtawanan kaming lahat maliban kay Sheena na masama ang tingin.
Kumain kami nang maayos at maya-maya at nagpaalam na sa isa't isa.
"Birthday ko bukas, Eira. Punta ka ha? Sumama ka kay Sheena, bring your friends if you want, okay?" Ngumiti ito nang malapad.
"Sure ate, kaso wala akong madadala na friends. Lahat sila na sa America. Pwede po ba kahit ako lang?" She giggled. I pinched her nose and her cheeks. "Bye ate!" Kumaway ito sa akin nang makalayo ang sasakyan nila.
"Tuwang-tuwa ka kay Eira ah?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Conrad sa likod ko. "Magkakaroon ka rin ng anak." Ngumisi ito. "Punta tayo Markina, libre ko. Ano g?" Tumango ako nang paulit-ulit.
"Doon ulit sa may donuts para hindi ka makakain." Pumunta kami sa parking lot at hinanap ang sasakyan n'ya.
Nang makapasok sa loob ay tumunog ang phone n'ya sa passenger seat. Inabot ko 'yon at binasa ang notification.
Hi, Conrad. We're reminding you about you girlfriend's birthday tomorrow. Binasa ko ang iba pa na nakalagay sa ibaba. Isabelle's Birthday. Don't forget about her, makakalimutan ka pa naman. S'ya siguro ang gumawa nito para sa sarili n'ya. Namumula ako habang binabasa ang notification. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-importante kay Conrad.
Nang inalis ko ang notification ay bumungad sa akin ang wallpaper n'ya, napakagat ako sa aking labi nang makita kung ano 'yon. Nag init muli ang pisngi ko at naramdaman ko ang butterfly sa aking t'yan. Picture ko 'yon sa Marikina habang ang mga ngiti ay sobrang lapad.
What if umamin ako? Magiging ganon pa rin ba ang turingan namin katulad nang dati o magbabago? Ayaw kong malayo kay Conrad, hindi ko kakayanin.
Sa tuwing nakikita s'ya ng mga mata ko, ayaw ko na s'yang paalisin. Ganito siguro ang feeling na inlove ka at first time mo 'yon maramdaman.
- Binibining Lara
![](https://img.wattpad.com/cover/315457736-288-k718581.jpg)
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomansaConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...