Ang buong linggo ko na pagkakakulong sa loob ng silid ay hindi malaking deal. Mas inayos ko ang aking pagpipinta at pag-gamit ng kulay nang maayos. I also watched a lot of videos on YouTube.
Habang tinataktak ang pink paint ay may kumatok sa pinto. "Isabelle anak, gising ka na ba?" Tanong ni mama mula sa labas ng pinto.
"Opo" Tumayo at binuksan ang pinto. Inabot sa akin ni mama ang isang plato na may laman na kanin at puro gulay.
"Pasensya na, hindi ako nakakuha ng karne sa refrigerator kagabi dahil na sa kusina ang mommy mo at nakatulog na rin ako." Kumamot pa ito sa ulo n'ya.
Umiling ako.
"Okay lang po, okay na po ito." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingang tunog ng heels, si mommy 'yon. Sinara ko na kaagad ang pinto, baka maabutan pa kami at matanggal si mama sa trabaho, sya nalang ang meron ako.
Binuksan ko ang laptop sa study table ko at nakitang online si Sheena kaya nag request ako ng video call. Walang pa'ng tatlumpung segundo ay sinagot nya na 'yon.
"Ngayon ka nalang ulit nag-open, may nangyari ba Isabelle?" Tumango ako. "Spill the tea."
"Ganito kasi 'yon, yung mga paintings ko sa warehouse, hindi natanggap." Yumuko ako. "Hindi raw maganda, pero okay lang naman marami naman siguro ibang mahilig sa ganong klaseng painting. Ikinulong kasi ako ni dad ng dalawang linggo dito sa room ko kaya hindi ako makalabas."
"Naaawa ako sa'yo Isabelle. Sino ba naman kasi 'yang hindi tumanggap ng paintings mo. Hindi nya siguro alam ang epekto ny'on sa'yo." Umirap ito. "Nasampal ka 'no? Namamaga kaliwang pisngi mo, mamaya nalang ulit. May tinatapos din ako na paintings, order sa'kin." Ngumiti pa ito at tinaas-taas ang kilay. Kumaway lang ako at s'ya na mismo ang nagbaba ng tawag.
Itinaas ko ang aking ulo paharap sa kisame. Kung hindi lang siguro n'ya tinanggihan ang gawa ko edi sana wala ako ngayon sa pesteng bahay na 'to. Ang usapan kasi namin ng parents ko na mag do-dorm ako kapag na benta ko ang lahat ng paintings ko. Pero wala, tangina.
Kinuha ko ang paintbrush ko at Acrylic paint pad at nilagay 'yon sa stand gumuhit ako ng isang lalaking nakatayo, may itim na itim na buhok at matangkad. Na sa ilalim ito ng puno habang nakatingin sa malayo. I can see the sadness in his eyes.
Guguhit sana ako ng babaeng naka-white dress habang nakaupo sa gilid nya pero hindi naging maganda ang naging kalabasan. Nang dahil sa inis ay binali ko ang paintbrush.
Napahawak ako sa aking ulo, mahigpit ang hawak ko sa aking buhok at umiyak. Ito na naman lagi ang nararamdaman ko kapag sa tuwing mag-isa ako.
Lumipas na naman ang isang buong linggo, ganon palagi ang routine ko. Kakain ng maraming gulay, maliligo, manonood sa YouTube at mag pipinta.
Lumabas ako ng kwarto habang naka-suot ng jeans at simpleng pink shirt at dala-dala ang aking pinag-kainan. Sinalubong ako ng katulong namin sa bahay at mga pinsan ko sa side ni mama. Marami silang mag-kakapatid kaya marami rin akong pinsan. Sa side naman ni Papa, tatlo lang silang mag-kakapatid pero hindi ko pa sila nakilala at never ko pa na-meet.
"O bumaba na pala ang ating prinsesa at walang ginawa kundi ang mag-pinta pero hindi parin natanggap." Tawang-tawa naman ang mga tiyahin ko. Nararamdaman ko na naman na uminit ang sulok ng mga mata ko kaya dumiretso ako sa kusina at nilagay doon ang pinag-kainan.
Hapon na nang magising ako. Nakatulog pala ako dahil sa kaiiyak sa mga walang kwentang tao.
Kinuha ko ang paintbrush ko at Canvas, ginuhit ko muli ang lalaki na nakatayo sa ilalim ng puno, ngayon ay wala na itong katabing babae. Ang katabi nga ngayon ay matandang lalaki at babae, mga magulang nya. Hindi na ngayon malungkot ang binata nakangiti na ito habang nakatingin sa malayo.
Inabot ko ang pen sa side table at pinirmahan ang painting, pagkatapos ay nilagyan ng pangalan.
Isabelle.
Nang matapos sa lahat-lahat ay nilagyan ko ito ng Acrylic Gloss. Kinuha ko ang phone at kinuhaan 'yon ng litrato.
Sinave mo 'yon sa laptop at binuksan ang Gmail account. Nag-tipa ako ng mensahe.
To: kalesempresa@gmail.com
Good afternoon, if you will buy this painting, how much will you offer?
Nang sulyapan ko ang aking mga bottle ng paints ay kaunti nalang ang laman kaya nag-bihis ako at lumabas ng bahay.
Narito ako ngayon sa National bookstore ay hinanap ang paintings Section. Kinuha ko ang Mont Marte Signature Acrylic Paint tatlong set ang kinuha ko para hindi na ako pabalik-balik, kumuha rin ako ng mga iba't ibang klaseng laki ng paint brush.
Nang makauwi ay hindi ako dumaan sa main gate dahil paniguradong naroon na naman ang mga tiyahin ko.
Binuksan ko ang laptop at nakitang may message doon na galing sa company na pinag-sendan ko ng picture.
Kalesempresa@gmail.com
Yes I'll buy that. Come at my office tomorrow at exactly ten in the morning. Don't be late, I won't let you in.
Napahawak ako sa aking dibdib habang binabasa ang mensahe. Finally! Finally Finally! May bibili na rin. Kapag naka-ipon na ako ng pera, mag sasarili ako at aalis ng bahay na ito. Malayo sa mga magulang ko, sa mga gulo.
From: Sheena
Girl what's up? Are you okay na ba or pupuntahan kita dyaan?
To: Sheena
I'm okay don't worry, may good news ako sa'yo bukas, mag-kita tayo sa La Venice.
Kukuha sana ako ng gatas sa baba nang may marinig akong naguusap sa tapat na pintuan ng kwarto ko.
"Ang mga teenagers talaga ngayong panahon ay sobrang mga dramatic, akala mo naman ay pinag-tatrabaho sa sakahan at sinasaktan." My mom's voice is irritating me so much, magkaparehas sila ng kapatid nya. "Kahit na pinagsasabihan lang ay grabe na kung makapag-react.
Hindi ko talaga alam kung nanay ko pa ba talaga ito o kung may nanay pa ako. Hindi ko lang matanggap na ang mga masasakit na salitang ibinabato sa'kin ay galing pa mismo sa mga magulang ko.
Bakit hindi nalang kayo maging proud sa'kin.
- Binibining Lara
![](https://img.wattpad.com/cover/315457736-288-k718581.jpg)
BINABASA MO ANG
His Ruthless Justice | COMPLETED
RomansaConrad Chauvet, from a family of businessmen and a man who wants to achieve justice for his parents who are also just victims of a tragedy, he thinks that there is someone behind this incident. He always hoped to retaliate and destroy those behind i...