CHAPTER 2

160 11 0
                                    

Isabelle's Pov






"Girl ano ka ba naman, maganda naman yung gawa mo bakit ayaw mo pa i-offer doon sa company? Baka malaki din i-offer nila sa'yo na pera." Sheena said while examining my works.






"Pupunta ako ngayon kay dad kasi ang sabi n'ya, ipakita ko raw sa kanya ang mga gawa ko." I said while typing on my laptop. May balak na rin akong isend ang mga pictures ng paintings ko. Hinanap ko ang picture ng mga paintings pero siniko ako ni Sheena.






"Si Thalia oh!" Sinulyapan ko ang tinutukoy n'ya. "Ang landi talaga ng babae na 'yan, sarap gripuhan." Sabay kaming natawa.






Sumulyap sa laptop ko si Sheena. "Ganda mo naman dyaan, Isabelle." Nangunot ang noo ko.






Nang maaibalik ko ang aking mga mata sa laptop, ganon na lang ang pag-kabigla ko nang makitang na i-send ko ang picture ko na may hawak na champagne sa company na pag-sesendan ko sana ng pictures ng paintings.






"Tangina!" Sigaw ko. Naalarma naman si Sheena kaya nag-salubong ang mga kilay nya.






"Ano 'yon? Gaga ka!" Sigaw nya sa akin, buti na lang kaunti lang ang tao dito sa lobby ng office ni dad.






"Yung picture ko, na-send ko sa office na bibili ng paintings ko." I sighed "Ang mas malala pa, ibang Gmail account ang gamit ko." Napahawak ako sa aking noo.






"Tangina mo kasi lutang. Okay lang yan, malay mo dyaan ka makahanap ng chinito at icing sa cupcake mo." Nakuha pa talaga n'ya mag-biro sa ganitong sitwasyon.






"Paano ba burahin 'to?" Inalog-alog ko sya sa balikat.






"Wag na, shunga ka kasi e." Ngumuso ako.






Baka hindi na nila tanggapin ang mga paintings ko. Ang mas kinababahala ko ay si dad, tiyak na magagalit na naman 'yon kapag walang nakabili ng paintings ko.






Tomorrow morning came, marami akong gagawin ngayon, ang mag paint. While packing all the paints, my mama entered the room to bring me some breakfast.






"Thank you mama." I said while watching her bring the foods to my table.






"Hindi mo dapat masyadong minamadali ang mga 'yan. Maraming oras para sa mga bagay, Isabelle." I smiled at her.






"Ano ba naman kayo ma, parang hindi pa kayo nasanay na lagi akong minamadali ni dad." Kinuha ko ang cupcake at kinagatan 'yon.






"Kaya nga dapat ginagawa mo 'yon para sa sarili mo, hindi para sa mga magulang mo." Hindi ko nagustuhan ang mga binabato nyang sa salita sa akin.






"Ma, ginagawa ko 'yon para ma suklian ang ginawa nila sa akin na pag-papakahirap simula nang maliit pa lamang ako."






She smiled at me. "Sige kung saan ka masaya, narito lang si mama sa tabi mo." We hugged each other before she left the room.






Si Mama ang personal yaya ko simula nang bata pa lamang ako. She always attends my school graduations, while my parents always judge me about my grades on cards and my performance at school. They don't check if I'm still okay pa but my mama always does.






Pupunta ako ngayon sa warehouse dahil doon naka-imbak lahat ng mga paintings ko, hindi sila kakasya dito sa bahay dahil mas malalaki pa sila sa akin.






Naligo na ako at nag bihis. Sinuot ko lang ang aking Black pleated skirt and pink crop top shirt. Hindi ako nag lalagay ng kahit anong make up foundation dahil mangangati lang ang mukha ko.






Nang makarating sa warehouse ay tumambad sa akin ang mga body guard na nag babantay doon.






"Ma'am ngayon na po ba ibababa ang mga paintings?" Tumango ako. "Saan po namin ilalagay?"






"Doon po, pwede po pakiingatan ang pag-kuha kasi po ibebenta ko po 'yan." Tumango ito sa akin at tinawag ang isa nyang kasama.






Nag message lang ako sa office na pag-bebentahan ko ng paintings at tanging seen lamang ang natanggap ko.






Conrad's Pov






Nakatingin lang ako sa orasan at hinahayaang lumipas 'yon. Alas kwarto ng hapon nang nakatanggap ako ng message mula sa secretary ko thru Gmail, ang sabi ay mamayang six pa makakarating ang paintings kasama na 'yon ng gumawa ng paintings.






Nandito na naman ngayon si Silas sa office ko at nanggugulo. "Hey sadboy Conrad, hindi ba may meet up kayo ngayon ni Ino ngayon?" Sinasabi ko na nga ba, sinabi na naman ni Simon kay Silas. "Anong pag-uusapan nyo? Manghihingi ka na naman ba ulit ng babae kay Ino?" Tumawa ito nang malakas. Ino is known as babaero, marami na syang naka relasyon pero walang tumagal.






I glared at him. "Hindi ako humingi ng babae kay Ino." Matigas kong sabi bago lumabas ng office.






Tawa lang sya nang tawa habang naka-sunod sa'kin.






"My boy Conrad, ang seryoso mo naman talaga ngayon hays ganyan ba kapag wala pa pinapatulan?" Inunahan ako nito kaya napatigil ako. "Or baka naman may binabakuran na?!" Sigaw nya sa hallway kaya tumingin sa amin ang dumadaan galing sa ground floor.






"Isa pa. Sisipain na kita." Akmang sisipain ko sya nang may marinig na nag uusap na babae sa gilid namin.






"Hala! Narinig mo ba 'yon? May binabakuran na raw si sir. Nako sayang naman."






Nilingon ko sila kaya nag aligaga silang umayos ng tayo. "Anong floor kayo at sinong may hawak sa Inyo?" Nataranta naman ang isang babae kaya ang isa ang nag salita.






"S-sorry sir. Hindi na p-" Pinutol ko ang sasabihihin sana niya.






"Sino ang may hawak sa inyo?!" Halos ang boses ko lang ang namayani sa buong hallway. "Dito pa talaga kayo ang chi-chismisan sa harap ko. Mga walang silbe!" I glared at them.






"S-sorry sir, 5th Floor po kami at si sir Gerald po ang may hawak sa'min."






"Sige na mga bebs alis na kayo baka kayo ang sipain ni bebe conrad palabas ng company." Mabilis naman hinatak ng babae ang kasama nya. "Grabe ka naman sa mga chiks ni Gerald, minsan na nga lang may pumatol doon e." Tawang-tawa na naman si Silas.






Habang pababa ng hagdan ay nakasalubong ko ang aking sekretarya. "Sir good afternoon, nakarating na po ang mga paintings, nasa labas po ng building." Tumingin ako sa relo ko.






"Akala ko ba six pa?" Nagulat naman ito at kaagad tumingin sa relo nya.






"P-po?" Humigpit ang pagkakahawak nya sa papel na hawak.






Tumaas ang kabilang kilay ko. "Hindi mo ako narinig?" I rolled my eyes at her at dumiretso palabas ng building.






Nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakatayo sa likod ng truck sa hindi kalayuan.






"S'ya siguro si Isabelle." Naririnig ko na sabi ni Silas.






- Binibining Lara

His Ruthless Justice | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon