"Teddy...nasan tayo?" Mula antipolo bumiyahe sila papuntang makati.umuwi lang siya sandali sa bahay ng tita niya para ipaalam na kunwari nalipat na siya ng shift at bukas na siya ng umaga uuwi.may duda ito sa trabaho niya at sinabihan na naman siyang katulad ng nanay niya pero pumayag din ito.
Akala ni Sum sa malapit lang ang sinasabi nitong trabaho pero nagulat siya dahil nakarating sila ng makati.
"Andito tayo sa bar kung san ako nagtatrabaho.dito kita ipapasok.halika na." Inakay na siya nito papasok.
'Heartbreaker Bar." Iyon ang basa niya sa karatula sa labas.
Sa loob sinalubong sila ng maingay na tugtog at amoy ng mamahaling alak.maraming tao sa loob at halatang puro mayayaman.
"Teddy..mamahaling bar ito diba?" Napahigpit ang kapit niya sa braso nito.
"Oo.lahat ng nakikita mong yan,mga mayayaman yan na walang mapaglagyan ng pera nila.pero kung mapapasok ka dito ngayun maging mautak ka.wag kang magpapaloko sa mga iyan dahil sa mundo nila ang mga babae ay laruan lang dahil ang mga anak mayaman na yan ay nakatakda ng ikasal sa mga napiling babae ng angkan nila.kaya lang sila nandito ay para mag aliw." Sumiksik sila sa karamihan ng tao para makarating sa kabilang bahagi ng bar.nakita ni Sum ang isang malaking stage sa gitna na maY mga babaeng sumasayaw na naka bra at panty lang.napalunok tuloy siya sa kaba.
Umakyat sila sa isang hagdan paakyat sa ikalawang palapag.mas kaunti ang tao dun at halos puro lalake lang.sa tingin ni Sum ay pang vip ang lugar na iyon.
Hinarang ni Teddy ang isang lalake. "Ed nasan si sir Dave?"
"Nasa office niya."
"Sige slamat." Nilampasan na nila ito.
Dumiretso sila sa bandang kanan kung saan may pintong nakasara.kumatok duon si Teddy.
"Pasok." Sagot ng boses sa loob.
Binuksan iyon ni Teddy at hinila siya papasok.
"Hi sir Dave." Bati nito sa isang matangkad na lalake na nakatayo malapit isang one way mirror na bintana.tanaw ang mga tao sa loob ng bar.
"Your late." Masungit na saad ng tinawag nitong Dave bago bumaling sa kanila.
Hinila siya ni Teddy palapit kay Dave. "Sorry sir,trafic kasi sa daan.ito ngw po pala si Summer.siya yung sinasabi ko sa inyo na ipapasok ko dito.
Tinitigan siya nung Dave mula ulo hanggang paa habang iniikutan siyaa.kinakabahan naman siya dahil baka hindi siya nito magustuhan.
"She look so young..tell me." Huminto ito sa harap niya. "Anong kaya mong gawin?"
"Ahm..dati po akong servidora sa isang restobar."
Tumango ito. "Marunong kabang sumayaw?"
"Ha??..ah ano.."
"Eh sir Dave." Sabat ni Teddy. "Ang totoo po disiotso lang siya.baka po pwede gawin nyo nalang siyang waitres dito.tapos po magtraining nalang siya hanggang pwede na siyang maging isa sa dancer nyo."
"Disiotso?..akala ko 15anyos ka lang.well anyway,sige papayag ako pero isang buwan lang ang ibibigay ko sa inyo.after that at hindi mo parin kayang sumayaw tatatanggalin kita.i need a dancer right now dahil lahat nalang ng mananayaw ko dito pinagkukukuha nila." Malahulugang saad nito.
Napaisip tuloy si Sum kung san napunta ang daTing mga dancer nito.
"Naku sir Dave maraming salamat po." Si Teddy.siniko siya nito.
"Sa-salamat po sir." Saad niya.
Tumango lang ito bago bumalik sa dati nitong pwesto.tila masungit din ang magiging amo niya dito.ang pinagkaiba lang lalake ito.
"Lalabas na po kame." Paalam ni Teddy bago siya inaya na palabas.
Paglabas nila sinalubong sila ng ingay ng bar.
"Halika,sasamahan kita kung san ka magpapalit ng damit." Inakay siya nito pababa ng hagdan.pero bago sila makababa may natanaw siyang tila pamilyar na pigura na nakaupo sa isang grupo ng mga lalake sa isang paBilog na couch.pilit niyang tinanaw kung sino ito kaso naharangan na ito ng karamihan ng tao.
'pero imposible na narito ito.' iwinaksi niya sa isip ang nakita.tama,imposibleng nandito ang taong yun.
Tuluyan na silang nakababa ng hagdan ni Teddy.sa isang kwarto malapit sa bar counter siya nito dinala.isa iyong employers locker kung saan naroon lahat ng gamit ng mga nagtatrabaho duon.
"Oh magpalit kana." Iniabot sa kanya ang mga nakatiklop na damit."Ito ang isusuot ko?!" Nakangiwing tanong ni Sum kay Teddy ng isa isahin ang damit na iniabot nito.
Paldang itim na sobrang iksi at poloshirt an manipis na tatlo lang ata ang butones kaya siguradong litaw ang cleavage niya pag isinuot iyon.
"Natural.bar ito Summer hindi simbahan.at saka akala ko ba usapan natin walang artehan."
"Oo na.cge na." Napipilitan niyang sagot.wala naman siyang magagawa diba?
Iniwan na siya nito para makapagbihis.at napangiwi cya pagkakita sa repleksyon sa naroong salamin.
Halos nakahubad na ang pakiramdam niya.
Alanganin siyang lumabas ng locker room.tila wala namang interesado sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.
Hinanap ng mata niya si Teddy.hindi kasi nito nasabi kung anong una niyang gagawin.sumingit siya sa mga taong halos magkakadikit na sa may bar counter ng biglang may humawak sa braso niya at hilahin siya kung saan.
Nanlalaki ang mata niya ng mapagsino ito.
"Rain ano ba?!san mo ba ako dadalhin?!"
YOU ARE READING
Game of Rain
Romance"I will not force you to like me.i wont even touch you.but believe me Sum,you will come to me willingly mark my word." He move an inch closer bago tumungo at bumulong malapit sa tenga niya. "And when it happens,lahat ng bagay na sinabi mo?..kakainin...