chapter 12: Lost-Honey-Damage

3 1 0
                                    


Ng makalabas ng building kung nasan ang condo ni Rain litong naglakad si Sum palayo duon.kung saan siya pupunta hinid niya sigurado.hindi narin naman niya gustong bumalik sa bahay ng tita niya.kay Teddy siguro kaso panigurado magtatanong yun at hindi titigil sa pag uusisa.ang kaso,no choice siya diba? Bakit ba lagi nalang siyang nasa sitwasyon na walang pagpipilian?
Malayo layo na ang nalalakad niya.magtatanghali na at mataas na ang sikat ng araw.sa sobrang pagmamadali niya halos hindi na niya naayos ang sarili bagamat nakapagsukaly namqn siya habang nasa elevator.pero ang damit niya pawisan parin at naDagdagan pa dahil sa init ng panahon.
May nakita siyang isang waiting shed kaya nagpasya munang magpahinga si Sum.umupo siya duon at tumanaw sa mga taong dumadaan.
Laman ng isip niya si Rain.bakit nga ba masakit para sa kanya na makita ito na kasama ang babaeng mahal nito?alam niya na kung anong meron sila ay hindi nito binibgyan ng importansya dahil dito narin mismo nanggaling na he will leave her eventualy.what they had is just a mere fact of lust.he never said she need to stay forever with him.
'So whats the big deal Sum?pumayag ka  sa ganitong set up kaya bat ka nag iinarte?!' piping sumbat ng isip niya.
Mapait siyang napangiti bago tumayo na sa kinauupuan at muling naglakad.
Realization? Rain really messed up her feelings big time.umpisa palang she knew that Rain will do no good for her peace of mind pero hindi niya iyong pinansin.and now here she is,after a month of being with him and playing his fucking game,walking away as a loser.

"Sum!!ikaw nga!" Mahigpit siyang niyakap ni Honey matapos siya nitong pagbuksan ng pinto. "San kaba nanggaling?ni hindi kana nagpakita sakin simula ng sisantehin ka ni mam Annie."
Kumalas siya sa yakap nito bago malungkot na ngumiti. "May napasukan kasi akong ibang trabaho kaso hindi na ako babalik dun."
"Ganun ba.buti pinuntahan mo ako,halika pasok ka." Iginiya siya nito papasok sa maliit nitong apartment.
Pinaupo siya nito sa maliit n sofa. "Anong gusto mo?juice?coffee?"
"Tubig nalang."
"Sige sandalin lang ha." Nagmamadali itong pumunta sa kusina.pagbalik nito may dala na itong isang pitsel ng tubig at baso.
"Salamat " saad niya maTapos abutin ang baso at pitsel.
"Ok ka lang ba Sum?kahit nakangiti ka alam ko na may problema.kung wala hindi ka basta basta pupunta ng walang pasabi." May pag aalala sa tinig nito.
"Ang totoo kailangan ko ng matutuluyan at trabaho kaya kita pinuntahan.ok lang ba kung dito muna ako?"
"Oo naman.alam mo namang wala akong kasama dito kaya ok lang.kaso magtitiis ka nga lang sa maliit na bahay na kikilusan."
Ngumiti siya. " Ok lang.salamat Honey ha."
"Wala yun..kaso yung sa trabaho,ok lang ba kung sa resto ka ulit?nung nakaraan kasi hinahanap ka ni mam.kung gusto mo daw bumalik walang problema sa kanya."
"Oo.kahit bukas na bukas pwede na akong magsimula."
Ngumiti ito bago ginagap ang palad niya. "Sum,kung ano man yang problema mo andito lang ako.handa akong makinig."
Tahimik siyang tumango at mahigpit na niyakap si Honey.alam niya na lahat ikukwento niya dito dahil mabait ito at mapagkakatiwalaan.

Matapos niyang makapagpahinga,ginising siya ni Honey ng alasais ng gabi at sinabihang maligo na at magbihis.nalaman niya na panggabi na ito sa resto at isasama na siya nito ngayun.Pinahiram siya ni Honey ng damit.
Sakto bago mag alasiete ng gabi nasa resto na sila.
"Pasalamat ka at kailangan namin ng taong panggabi kaya tatanggpin ulit kita.pero oras na maulit ang nangyri nuon Summer sisiguraduhin ko na wala ka ng babalikan na trabaho nagkakaintindihan ba tayo.?"
Marahan siyang tumango habang palihim naman na sumimangot si Honey sa tabi niya.
"Mabuti.panggabi karin katulad ni Honey kaya magbihis kana at mag umpisa ng ngayun.ayusin nyo ang trabaho ha." Yun lang at tumalikod na ito at iniwan sila.
"Ang sungit talaga nun sayo." Inis na saad ni Honey bago siya nito iginiya papunta sa locker room.
"Hayaan mo na siya.atleast may trabaho na ulit ako."
"Eh pano yan,kung hanapin ka ulit nung Rain at masundan ka dito,anong plano mo?" Ikinuwento kasi niya dito ang lahat ng nangyari sa kanya habang nakahiga sila at nagpapahinga sa maliit na kama nito.
"Malabong hanapin ako nun.andun na yung babaeng mahal niya." May pait niyang saad.
Huminto sa paghakbang si Honey. "Eh teka nga.sabi mo may mahal siyang iba at laro lang yung inalok niya sayo.at ayon din sayo eh pumayag ka sa ganung set up.so anong problema kung andun yung mahal niya?saka hindi ka naman niya pinaalis diba?"
"Hihintayin ko pa ba?saka ayaw ko ng maging parte ng buhay ng tulad niya.eventualy magsasawa rin siya sakin kaya bat hihintayin ko pang mangyari?hanggat buo pa ako mabuti ng lumayo na ako."
"Sabagay may point ka jan.eh kaso,yung totoo?.hindi ka man lang ba nainlove sa kanya?imagine friend,isa sa Savatier twins yun ha.privilage yun sa mga katulad ntin na average lang ang pamumuhay.at isa pa grabe sa gwapo yun."
"Tumigil ka nga dyan.sino pati ang magkakagusto sa isang tulad niya na hindi kayang magseryoso saka bipolar ang taong yun."
"Talaga?eh pano kung seryoso pala siya?kung hanapin at sundan ka?o kung..-"
"Honey! tama na."putol niya sa sasabihin nito.
"Malabong mangyari ang sinasabi mo.kung hahapin man niya ako, iyon ay dahil hindi pa niya nakukuha ang gusto niya.pero ang magseryoso?sabihin mo yan dun sa babaeng may napakahabang buhok."
Ngumuso ito. "ikaw talaga napaka nega mo."
"Hayy naku!ang mabuti pa magtrabaho na tayo bago pa bumalik yung masungit at pagalitan tayo." Nagpatiuna na siya dito.
Naiiling nalang na sumunod sa kanya si Honey.

Ibang iba ang resto kesa sa heartbreaker bar na pinasukan niya.pang mayaman ang bar at puro may kaya lang ang nagpupunta tuwing gabi.pero ang resto, sari saring tao ang pumapasok duon at mejo hindi nagustuhan ni Sum ang ibang mga costumer lalo na yung mga lasing na at mukhang mga manyakis.
Tila hindi naman iyon alintana ni Honey na nakikisakay nalang sa malalaswang biro ng mga ito.
Ganun nalang din ang ginawa ni Sum kahit naalibadbaran siya sa kilos at pananalita ng mga lalakeng panay ang pacute sa kanya.
"Hi miss." Nakakalokong bati ng isang lasing na kanina pa naroon at talaga namang pinapaiinit ang ulo niya.panay kasi ang tawag nito sa kanya.
"May order pa po ba kayo?" Pilit ang ngiti na tanong niya dito.
"Ikaw pwede kaba?" Diretsong sagot nito na may pagnanasa pa siyang tinitigan.
Gwapo sana ito,matangkad at maputi pero mukha talaga itong manyakis sa kanto.
"Eh sir yung order nyo nalang po." Nakangiti parin siya kahit gusto na niya itong talikuran.
"Eh ikaw nga ang gusto ko." Tumayo ito at hinawakan siya bigla sa braso.
"Sir bawal po yan.bitiwan nyo na po ako." Nawala ang ngiti sa labi niya.
"Anong bawal bawal!.magkano kaba?sabihin mo lang at baBayaran kita." Akma siya nitong hahapitin palapit dito ng biglang..
"She is not for sale!" Marahas na hinila ni Rain palayo sa kanya ang lalake at mabilis na sinuntok sa panga.
Gulat na gulat si Sum sa pagsulpot nito at napasigaw siya ng gumanti ng suntok ang lalakeng manyakis at nasuntok din si Rain.
"Rain!!"
Nagsigawan ang mga naroon ng madaig ni Rain ang kalaban at duguang bumagsak ang lalake sa sahig.halos hindi na ito makagalaw.
Hindi alam ni Sum ang gagawin.naktulala lang siya habang nakatingin dito at kay Rain na tila hindi parin nawawala ang galit sa mga mata nito,nakakatakot maningin.parang ano mang sandali ay handa parin itong manakit.
Ng magtama ang mata nila agad siya nitong nilapitan at mahigpit na hinawakan sa kamay. "Lets go." Madiin pero nakakakilabot nitong saad.
"Hi-hindi ako sasama sayo." Binawi niya ang kamay dito.
"Realy?for fuck sake Summer!stop being so stupid just because you want to get away from me!" Punong puno ng galit ang tinig nito.
"At anong gusto mo?sumama ako sayo,and then what?i will never go back to you." Puno ng pait na saad niya.
"And this is what you want huh?..in this place with all this fucking people?damned it Sum!" Inabot nito ang isang bangko at malakas na inihampas sa sahig.wasak agad ito.
"Oh my god!Summer anong nangyayari dito?" Galit na tanong ni Mam Annie na kalalabas lang sa office nito.
"Sorry mam..ano po kasi.."
"Stop apologising to her.and stop begging." Galit na saad ni Rain.galit nitong tiningnan si Mam Annie.
"And who are you?"
"You dont want to know me." Nakakakilabot ang tonong ginamit nito at habang tinitingnan ito ni Sum,ibang Rain na ang nakikita niya.ito ba ang sinasabi ni Cloud na ayaw nitong mangyari?ang mawala sa sarili si Rain?
Sisitahin ulit sana ito ni mam Annie pero gulat na napasigaw ito ng mag umpisang magwala si Rain.lahat ng mahawakan sinisira nito.
Ang daming nagtangkang umawat pero lahat walang nagawa.iba ang lakas nito at natatakot talaga si Sum.
Hindi niya naisip na magagawa nito ang ganung bagay.
Ng halos mawasak na ang buong resto ay saka ito tumigil.matiim siya nitong tinitigan bago walang salita na umalis.

-Game of Rain

Game of RainWhere stories live. Discover now