Warning 1: Kylie

206 9 0
                                    

"Ate, Im gonna buy 5 pieces of egg." Sabi ng cute na cute na bata na nasa harap ko.

Nginitian ko siya. Kumuha ako ng limang itlog mula sa tray doon sa may rack tsaka binigay sa bata.

"30 lahat bata." Sabi ko sa kanya sabay abot ng supot na may lamang itlog.

Tinanggap niya naman yun. I smiled. Ang cute niya kasi, sobra! Yung pisngi niya, sobrang kyot! Para siyang si Majinbu. Singkit tsaka parang wala ng leeg sa taba niya.

Mamayat mamaya, aalamin ko ang bahay nila tsaka kikidnapin ko siya. Gagawin ko siyang display sa kwarto hihi.

"Ikaw ang kakain ng lahat ng yan bata?" Tanong ko sa kanya.

He smiled. "Im not gonna eat those,"

"Eh anong gagawin mo jan?"

He turned his smile into an evil grin. "Im gonna throw this eggs on your face!" At sa isang iglap, bigla niyang kinuha ang itlog mula sa supot at binato niya ako.

Sa mukha. Sapul. Basag.

Eh ako naman, naka poker face lang na medyo naasar. Syempre di ko papatulan yan, bata eh.

Tawa siya ng tawa habang pinagbabato ako ng itlog at nung naubos na yung itlog kaka bato niya sakin, tumigil na siya pero tawang tawa parin siya sa ginawa niya.

"You look 10x more stupid and 100x more ugly! Hahaha!" Pang aasar niya.

Sinimangutan ko lang siya. Akmang hahabulin ko sana siya, kaso tumakbo na pero hinabol ko parin siya palabas, pero ang ending? Ayun planking ako sa labas.

Sino bang hayup ang maglalagay ng balat ng saging dito sa harap ng tindahan namin, aber?!

"Urggggh!" Sabunot ko sa sarili ko dahil sa inis at asar.

Napatingin ako sa damit ko. Sobrang lagkit ko na. Maaraw pa naman, baka maging fried egg pa ako nito tsk.

Pambihirang batang yun! Pasalamat siya cute siya! Naku! Naku!

**
Pumasok ako sa loob ng bahay at iniwan muna ang tindahan.

"Oh anak? Anong nangyari sayo? Bakit naging ganyan ang hitsura mo?" Tanong ni mama sa akin.

"Ewan ko ba! Pinagtripan ako ng baliw ata na bata kanina. Tsk!" Paliwanag ko tsaka dumeretso na sa banyo at naligo.

Ako nga pala si Kylie Dela Cruz. 17 years old. Hmm. Paano ko ba mailalarawan ang itsura ko? Isa akong dalagang manang. Oo. Manang. Mahiyain, hindi ako kagandahan. Hindi ako matangkad at hindi rin ako ganon ka sexy, pero matalino ako. Yung kind of fashion ko is yung mga napag iwanan na ng panahon. Sobrang taas ng mga sayang suot ko at gustong gusto ko yung mga sobrang luwag na tshirt and guess what? Nagsusuot ako ng makakapal na glasses.

Medyo nerdy ako. Masyado akong committed sa pag aaral ko kaya halos pakasalan ko na yung mga libro sa library.

Kaya siguro ako palaging napapagtripan dito sa maliit na sari sari store namin kasi panget ako. Kasi medyo lampa ako. Kahit nga sa school, hindi ako nakakaligtaang ma bully. Number 1 nila akong katuwaan sa school pero okay lang sa akin yun.

Hinahayaan ko lang sila. Magsasawa din sila.

**

"Anak, heto ang listahan ng bibilhin mo oh. Siguraduhin mong kumpleto yan ah?" Sabi ni mama sabah abot ng papel sa akin.

"Opo. Alis na po ako ma, bye." Sagot ko tsaka inilagay ko yung listahan sa panda shoulder bag ko.

Nagpaalam muna ako sa 5 year old kong kapatid kong si Prince at tsaka tuluyan ng umalis.

Nasa grocery ako ngayon. Kailangan kong mamili para sa tindahan namin.

Inisa isa ko na ang kailangan kong kunin tsaka pumila. Nung natapos na ang pag punch ng mga item na pinamili ko, kinuha ko na yung tatlong supot.

Paalis na sana ako pauwi ng may makita ako ng isang matandang babae na nakapa meywang sa harap ng tatlong push carts niya. Well hindi naman siya mahahalatang matanda kasi medyo bata siya tingnan eh.

Nakasuot siya ng isang magarang damit halatang mayaman yung matanda.

Nakita kong kinuha ng lola ang cellphone mula sa mini pouch niya at nagulat ako ng inilabas niya ang isang iphone 6s mula doon.

Mula dito, nakita ko ang isang lalakeng mabilis na tumatakbo papunta kay lola tsaka hinablot ang Iphone niya.

Nagulat ako pero agad din naman akong sumigaw, "Teka! Magnanakaw!" Sigaw ko tsaka nagtatakbo at hinabol ang magnanakaw tangay ang iphone.

"Hoy ibalik mo yan!" Sigaw ko habang binibilisan pa ang takbo para mahabol siya.

Hinubad ko yung makapal kong bakya tsaka binato yun sa kanya.

Ayun! Head shot! Sinamantala ko yun at lumapit sa kanya. Pinag hahampas ko siya ng payong na dala ko.

Siya naman ay umilag ilag.

"Magnanakaw ka! Ayan! Ayan! Bagay yan sayo!" Pinaghahampas ko pa siya ng malakas gamit ang payong ko at gamit ang pwersang meron ako, kinuha ko mula sa kamay niya ang phone.

"Guards! Ayun siya! Hulihin niyo siya!" Nakita kong may dalawang naka americana suits ang dumating kasama yung matandang may ari ng Iphone.

Agad din naman tumakas ang magnanakaw pero hinabol siya ng mga guards na ito.

"Habulin niyo ang magnanakaw na yun, mga kuya!" Sigaw ko.

Agad naman akong lumapit doon sa matanda at inabot ang phone niya.

"Heto po, lola" sabi ko.

She looked at me and examined my face. Medyo napaatras ako. Wagas makatitig si lola eh.

She then smiled. "Naku hija! Maraming salamat sa ginawa mo kanina. Isa kang hulog ng langit!" Sabi niya at yinakap ako.

"But you should'nt have to do that hija. Baka masaktan ka pa," she said full of concern.

"Pero ninakaw ho kasi yung phone niyo."

"Its okay for me but still, thankyou for doing that hija."

I smiled. Grabe ang yaman siguro nito. Iphone? Manakaw? Okay lang?

"Hehe. Okay lang po yun. Sige ho, alis na po ako." Sabi ko at aakmang aalis niya kaso pinigilan niya ako.

"Wait here, hijah. I should repay you for what youve done."

"Naku. Wag na p---"

"No buts." She smiled. Grabe ang cool niyang lola. I just nodded. May dinial siya sa phone niya at maya maya lang, may himinto nang isang black na Mercedes Benz sa harap namin.

"Sakay ka, hija." Sabi niya.

Napatitig ako sa kotseng nasa harap ko. Grabe! Ang ganda! Ang gara! Ang kintab ng kotse! Sino kaya may ari nito?

I heard someone chuckled. "Hija, hop in. Lets go to my house and have a cup of coffee there."

Sabi ni lola sa tabi ko. "P---po?"

"Sabi ko, sakay ka na. Dali!" She commanded and smiled.

Before I could react, lumabas na ang driver na sasakyang to at pinagbuksan kami ng pinto.

Stunned, No choice ako kundi ang sumama.

Omegee! Is this real?

**

Hello! 👋 New story. Na inspire kasi ako sa MV ng Love Warning kaya heto. Haha.

Watch out for the next chapter guys! 💓

The Love WarningWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu