Chapter 9: End

85 4 1
                                    

Chapter 9: End

Ang tahimik. Ang tahimik nilang tatlo. Wala ni isa ang nag salita. Ewan ko kung nabigla sila sa sinabi ko.

"Why?" Yun ang narinig ko galing kay Nathan. Naka yuko siya at kumuyom yung kamao niya. Galit ba siya?

"Kasi nahihirapan na ako," yun nalang ang nasabi ko. Nakatitig sa akin si Kurt at maging si Dylan.

"Nahihirapan saan, Queen?" Tanong ni Dylan. Huminga ako ng malalim. Expected ko na to. Na hindi ganito kadali i explain sa kanila na ayoko na.

"Kas--"

"Is it because of me?" Pinutol ni Nathan ang sinabi ko. Nakatingin na siya sa akin ng seryoso. Pero bahid parin sa mukha niya ang lungkot

"Is it because I said I like you?!" Nagulat ako sa sinabi ni Nathan. Naramdaman ko ring nagulat din sila Kurt at Nathan sa narinig nila.

"Is it because of that Phia?! Is it because of that?!" Medyo napalakas na ang boses ni Nathan kaya napatingin yung ibang customers.

"Chill, bro" hinawakan ni Dylan ang braso niya at unti unting naging mahinahon ang mukha niya.

"H-hindi.. Its just.. I dont think I deserve you guys, Im sorry"

Tumayo na ako at aalis na sana ako kaso nagsalita si Kurt.

"If its that so, fine. The contract has officially stop. Congrats Sophia. Happy now?" Sa tono ni Kurt eh parang galit din siya. Expected ko na to. Pati ako di ko mahanapan ng exact reason nitong naging desisyon ko. What All I know is, ayoko na.

Huminga ako ng malalim at taas noong tumingin kay Kurt. "Yes. Im happy now, thanks." At tuluyan na akong umalis. The same thing I did to them before.

Did I really made the right decision?

Well, I guess.

**
Bumuntong hininga ako at naglakad na pabalik sa campus. May 30minutes pa ako bago ang next subject ko. Kinuha ko nalang yung gamit ko sa locker at tinignan yung schedule ko.

"Yow, tutor!" boses pa lang niya, naaasar na ako! ugh! Lumingon ako at nakita ang hinayupak na lalakeng ito na nakangiti na mapang asar. Mapunit sana mukha niya sa kaka ngiti! hmp!

Muntik ko nang makalimutan na isa pala akong tutor ng isang to. Tsk

"Ano?" Bored ko siyang tinignan habang naka sandal siya sa locker ko.

"Woah, mukhang nakalimutan mo atang tutor kita? And as my tutor, kailangan mo ata akong turuan, diba?" Pang aasar niyang tanong sabay taas baba ng kilay niya.

"Ugh! Fine! What do you want?!" Iritadong sagot ko sa kanya.

"Tch. Sungit mo. Samahan mo ko sa canteen, bili tayo ng snacks." Tumango nalang ako at nagmadaling ayusin ang mga gamit ko sa locker. Binitbit ko na yung kailangan ko mamaya. "Nga pala, bitbitin mo to. Nakaka ngalay eh" napa nganga ako ng iniabot nitong bakulaw nato ang bag niya. Like hello?! Babae ako noh, wala ba siyang kahit isang bahid man lang ng pagka gentleman?!

"As far as I know, tutor ako, hindi yaya!"

"Ah talaga? Parang eh." Ngumti siya ng nakaka asar at tinapon sa akin ang bag niya. Buti nalang nasalo ko.

Nag una na siyang maglakad at eto naman ako, sumunod nalang. Habang nakatalikod siya, iniimagine ko na kung ano ang pwede kong ipalo sa kanya. Eh kung walis kaya? Ay di pwede, matigas ata bungo nito eh. Eh kung upuan nalang kaya? Pero di naman ako ganon ka lakas at kasama para gawin yun.

Habang naglalakad kami, lahat ng babaeng nadadaanan namin ay napapalingon sa kanya. Well kahit bago lang siya dito since exchange student siya, masyadong naging matunog ang pangalan niya sa mga babae. Sige, aaminin ko, gwapo siya, matangkad, maputi at matangos ang ilong. Wala naman atang hindi makakapansin nun. Sikat na din siya dito. Kaya masyadong malaki ang ulo eh! Tsk! Masyadong bully!

The Love WarningDonde viven las historias. Descúbrelo ahora