Chapter 4: The Kamikazees

126 8 1
                                    

Chapter 4:

"Ma! Andito na ako!" Sigaw ko ng maka pasok ako sa loob ng bahay.

Nakakapagod ang araw na to!

"Ma?" Tawag ko tsaka hinanap siya.

Nasan kaya si mama?

"Prince?" Tawag ko sa kapatid ko.

"SURPRIIIIIISE! Congratulations, anak!" Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sila mama at kapatid ko dito sa kusina. May hawak na confetti at masayang nakatingin sa akin.

"Ano to? Ma? Birthday ko ba? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Ano ka ba! Cino-congratulate lang kita dahil simula bukas, ay sa Hanford University ka na mag-aaral! Congratulations anak!" Masayang bati sa akin ni mama tsama yinakap ako.

Wow ha. Hindi naman halatang sobrang saya niya pero..

"Paano mo nalaman ma?"

"May pumunta kasing lalake dito na may magarang sasakyan. Binigay niya sakin yung bago kong school uniform at pinaalam na sa akin ang tungkol sa scholarship mo."

"Po?"

"Oo anak! Kaya magbihis ka na at matulog dahil bukas na bukas ay papasok ka na sa HU!"

**
Pilit kong binababa ang palda ko sa bago kong school uniform. Sobrang iksi kasi. Koting yuko lang, naku kita na ang kaluluwa ko!

"Ano ba! Bakit mo ba yan binababa?!" Sita sa akin ni mama.

"Eh ma nama eh! Hindi ako sanay! Ang iksi iksi! Hindi ako bagay nito!"

"Anong hindi?! Bagay naman sayo kasi maputi ka. Ang ganda nga ng legs mo anak eh."

"Iih! Ayoko neto!"

"Eh anong isusuot mo? Aber?! Palibhasa sanay ka sa mga sayang sobrang taas! Para kang magsisimba. Hay nako! Halika na nga! Bumaba na tayo!"

Hinigit ako ni mama pababa ng hagdan at ibinigay ang bag ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. So heto na. Suot ko na ang uniform ng ekskwelahang pinapangarap ng lahat.

Nakasuot parin ako ng makakapal na glasses kasi medyo malabo ang mata ko. Inilugay ko ang buhok ko kasi yun ang gusto ni mama.
Kailangan kong pagbutihin ang pag aaral ko at ang task ko rin bilang tutor ng kupal na yun!

"Ma, alis na ho ako. Salamat ma. Uuwi rin ako pagkatapos ng tutor,"

Oo. Ngayon na agad ang simula ng pag tu-tutor ko kay Myler.

"O sya, sige. Mag ingat ka anak ha? Paalam!"

Hinalikan ako ni mama sa pisnge at pati narin ng kapatid ko.

Lumabas na ako ng bahay. I take a deep breath.

This is it.

Dear Hanford University, Im ready.

**

Nasa harap na ako ng isang napakamalaking gate at may nakalagay na sign na Hanford University sa itaas.

Pinahmasdan ko ang paligid.

Sa unang tingin pa lang, alam mong sobrang prestigious na ng eskwelahang ito.

Kung titignan mo, ang mga estudyante ay desente.

Bawal ata ang pangit dito eh. Qualifications rin ata ang pogi at maganda.

Feel ko tuloy hindi ako belong. Well, hindi naman talaga.

I take my step closer to the entrance gate. Nakipag sabayan ako sa mga estudyanteng papasok doon.

Medyo yumuko ako kasi lahat ay nakatingin sa akin.

Others are even murmuring something.

Tss. What can I expect? Im a nerd and duh, kagaya ng mga movies at mga librong nababasa ko, alam kong hindi talaga maiiwasan to.

I just ignored them. Medyo binilisan ko ang lakad ko at naglakad na papuntang hallway.

Ramdam ko parin ang mga matang nakamasid sa akin.

Habang naglalakad ako patungo sa assigned locker ko babang dala ang mga bagi kong libro, ay nag biglang sumagi sa braso ko at nabitawan ko anga mga dala ko.

Aba't!!

Hindi ko na nakita kung sino yung bumangga sa akin kasi nagtatatakbo na.

Ugh! Ang mga libro ko! Ang dami pa naman nito! Pati pa naman mga ballpen ko ay nahulog.

Medyo nainis ako sa fact na walang tumutulong sa akin. Ang iba eh pinagtatawanan pa nga ako.

Tss. Rich kids.

Pinulot ko isa isa na yung mga libro ko.

Patuloy parin sila sa pagtawa pero nagtaka ako kung bakit sila tumigil.

Mula sa tawanan, napuno ng mga tili at hiyawan ang naririnig ko.

Anong meron?

"Ang Kamikazees" rinig kong bulong-bulongan ng mga estudyante pero hindi ko pinansin.

Patuloy ko paring pinupulot ang mga libro ko nang may biglang...

"Tabi." Rinig kong may pamilyar na boses ang nagsalita.

Napatingala ako kung sino.

I gasped when I saw him. Right infront of me, standing while looking at me coldly.

"M-my----" I was about to say his name pero he glared.

Ugh. 

Magkukunwari nga pala akong hindi ko kakilala ang walang modong lalakeng to!

"Tabi sabi!"

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong itinulak gamit ang paa niya at na out balance ako tsaka natumba.

Everybody laughed. He just skirked.

Ugh! WALANG MODO!

Pinigilan ko yung luha ko kasi hiyang hiya na ako sa sarili ko.

I was about to cry when someone helped me picking up my books.

Tinignan ko kung sino. I was taken back.

My heart skipped a beat.

Natahimik bigla ang lahat.

He didnt bothered to look at me. Patuloy lang niyang pinupulot ang mga libro ko. Naka poker face lang siya.

Nang matapos na niyang pulutin ang huling librong nakalatag sa sahig, inalalayan niya akong tumayo.

Nagulat ako ng bigla siyang yumuko at pinagpagan ang saya ko, nadumihan pala.

Tahimik lang siya habang ginagawa yun.

Nakatulala lang ako sa kanya.

"S-salamat" Yun lang ang nasabi ko, at pagkatapos nun, umalis din siya.

Tsaka ko lang napansin na magkasama pala sila ni Myler.

Sinamaan ako ng tingin ni Myler at tsaka umalis. Sumunod naman sa kanya yung lalakeng tumulong sa akin at yung iba pa nilang kasamahan.

Napahawak ako sa dibdib ko.

I just felt something unusual.

Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko.

That guy. He saved me.

***

Updated! 😘 Watch out for the next chapter guys!

The Love WarningDonde viven las historias. Descúbrelo ahora