Chapter 2
Medyo umabot siguro ng isang oras ang byahe bago ako napadpad sa mala fairytale na lugar dito.
Nasa Lessandra Estates ako ngayon. Isa sa mga exclusives subdivision dito sa bansa.
Binati ng mga guards na sumalubong sa amin dito sa entrance gate ng subdivision etong si lola sa tabi ko.
"Good afternoon, Madame Lyn."
Sa narinig ko, napatingin ako sa lolang nasa tabi ko.
She nodded and smiled a bit tsaka pinaandar ulit ang kotse.
Madame Lyn? Madame? As in? Naku! Idol ko na itong si lola este Madame!
Tumingin nalang ako sa bintana. Manghang-mangha ako. Grabe! Ang lalaki ng mga bahay! Yung tipong akala ko sa google ko lang makikita na mga bahay, ngayon nakikita ko na ng personal.
May contest ata sa palakihan ng bahay dito eh. Kulang nalang eh Castle dito.
"Were here," aniya ng driver na tisoy na naka americana suit.
"Come, hija." Madame Lyn held my wrist tsaka sabay kaming lumabas ng pintuan. Pinagbuksan pa nga kami eh.
Sinundan ko etong si Madame Lyn habang papasok kami sa isang bahay. No scratch that-- para akong nasa isang malaking castle! Nalula ako sa laki ng bahay! Grabe!
Napatingin ako sa paligid. May fountain sa pinaka gitna ng garden tsaka may mga bush din.
Binati kami ng mga maids na naka uniform din. Grabe ang cute nilang tignan. Para silang mga anime characters.
"Goodmorning, madame." Bati ng mga maids sa kanya.
Pinagbuksan kami ng isang maid sa isang malaking double door at tumambad sa akin ang napakalaking chandelier sa itaas.
Lalo naman akong nalula ng makapasok na kami. Para akong nasa isang white house. Back and white yung motif na meron ding mga gold furnitures.
"Guide her to the living room and give her something to eat." Utos ni madame Lyn sa isang maid. "Ill be back, okay?" Sabi niya sa akin. Tumango naman ako.
"This way po sa living area." Sinamahan ako ng maid dito papunta sa sala nila at hindi ito ordinaryong sala lang! Sobrang ganda ng mga upuan. Golden siya tsaka parang upuan siya ng mga prinsesa.
"She will be back for a while, just wait here muna po. Do you want something to drink, miss?" Magalang na tanong sa akin ng maid.
"Ay naku, ate. Wag mo na akong tawaging miss. He-he. Uhm ano, iced tea lang po." Sabi ko. Tumango naman siya. "Ay teka ate, saan ang CR niyo dito?" Tanong ko sa kanya. Ihing ihi na kasi ako eh.
Tinuro niya naman yung way sa CR at as expected, sobrang ganda ng cr nila. Sobrang linis. Hiyang hiya naman ang bakya ko para itapak sa malinis na malinis na tiles nila.
Pero no choice parin ako kayat ginawa ko na ang dapat na gawin. Pagkatapos nun, nag hugas ako ng kamay tsaka tinignan ang sarili ko sa salamin.
Juskoo! Anong klaseng itsura ba itong meron ako? Bakit ang haggard ko? Well haggard naman rin talaga ako palagi since tamad akong magsuklay.
Inayos ko ng kaunti ang buhok ko at inayos rin sa pwesto ang salamin ko. Nakakahiya naman ang itsura ko.
Nang matapos na ako, lalabas na sana ako kaso may biglang naunang bumukas ng pinto.
At pagtingin ko....
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!" Sigaw ko.
"AAAAAAAAAHHHH! OMAYGAAAAAAD! HUHUHU" Agad kong tinakpan ang mata ko sa nakita ko.
"What the fuck?" Sambit ng lalakeng naka topless sa harap ko.
Oo. Naka topless siya at tanging twalya lang ang nakabalot sa baba niya. Huhu
My virgin eyes! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng six pack abs! Huhu nagkasala na ako!
"Bastos ka! Bastos! Waaaah!" Pinagsisigawan ko siya habang unti unting umaatras kasi umaabante siya papunta sakin huhu.
"W-wag! J-jan ka lang! J-jan ka lang. Wag kang lalapit!"
Pero imbis na tumigil siya eh unti unti parin siyang umaabante papunta sa akin.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin and just then I realized na one wrong move lang eh, maglalapat na ang mga labi namin >___<
Napapikit nalang ako at hinintay ang sunod na mangyayari.
1.... 2..... 3 seconds..
Bakit hindi ko naramdaman ang lips niya?
Napadilat ako kaagad at nakita ko kung paano ngumisi ng malapad ang gwapong nilalang na to sa harap ko.
Then he started laughing.
"Hahahahaha! You look 10x stupid and 100x more ugly now!" Sabi niya habang tumatawa parin ng malakas sabay hawak sa tiyan niya.
Napangiwe ako. Anong nakakatawa?
Pero teka, parang narinig ko na somewhere yung sinabi niya ah?
"Ewan ko sayo! Manyak ka! Tabi nga!" Marahas ko siyang tinulak paalis para makaraan kaso hinarangan niya ako gamit ang braso niya.
Now Im leaning on the wall and again, he leaned his face closer to mine.
Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko.
He chuckled. Since when do chuckling sounds so hot now? And why the hell I am blushing?
Tila hindi ako makahinga. Ang inet naman dito! Parang kanina lang, malamig dito tapos.. tapos... tsaka ko lang naalala na naka topless parin siya and to think of it na sobrang lapit niya sa akin.
I dont wanna die yet.
I dont wanna die.
I dont wanna--
"You're cute. What's your name?" He asked while smiling.
"Kill me now." I said out of nowhere.
And the moment I realize kung ano yung sinabi ko, parang gusto ko nang maglaho bigla at i flush sa inidoro ang sarili ko.
I really want to die now because of humiliation.
---
HELLO! Chapter 2, updated! Haha. Vote, Comment and Share this to all your friends ☺
YOU ARE READING
The Love Warning
Teen FictionSa bagong nilipatan na eskwelahan ni Kylie, hindi niya alam na may nag eexist palang Group of Bullies doon. Ang "Kamikazees." At dahil mala nerd ang hitsura niya, malamang sa malamang eh isa na siya sa bagong target ng grupo na i-bully at makaka t...