Chapter 10: New Beginning
Huminto ang kotse ni Drake sa isang salon. Ano g gagawin namin dito?
Nauna siyang bumaba. Inaasahan kong pagbubuksan niya ako ng pinto. Pero ano pa ba ang inexpect ko? Drake is Drake. Hmp!
"Lumabas ka na nga jan!"
"Oo na!" Kahit kailan talaga, napaka demanding nito!
Pumasok siya sa salon at sumunod nalang ako. Agad siyang binati ng isang napaka gandang babae. Grabe! Ang ganda niya! Naka french braid ang buhok niya at blonde! Para akong nakakita ng dyosa!
"Drake! My little brother! Kamusta?" Nag beso beso yung babae sa kanya at yinakap siya.
"Ano ba ate!" Ahh, ate niya pala si ate ganda.
"Aww, nahihiya na ang baby bro ko! Bakit? baka may girlfriend ka na? Tama ba? Huhu! Binata na ang baby bro koooo!" Nag acting ng iyak yung ate niya sa harap ni Drake. Ang cute nilang tignan magkapatid!
"Tsk. By the way, ate Loraine, she's Sophia, my tutor" pakilala niya sakin. Lumingon sa akin yung ate niyang si Loraine at ngumiti. Grabe! Ang ganda niya talaga!
"Oh Hi Sophia, Nice meeting you" nag beso beso din siya sa akin. Ang bait niya rin! Akala ko magiging maldita siya sakin or lalaitin ako sa hitsura ko.
"Ano nga pala ang pakay mo dito Drake?" Tanong sa kanya ng ate niya. Lumingon sa akin si Drake at ngumiti.
Lumapit siya sa ate niya at may binulong. Nag giggle naman ang ate niya. Ano kayang binulong niya?
"Sure!" Ganado at masayang ngumiti ang ate niya at tumingin sa akin. She smiled at me. Pero may iba eh, its a meaningful smile.
"Hoy Sophy, alis muna ako. Iwanan muna kita jan kay ate. Babalik din ako. Okay?" Nagdalawang isip pa sana ako kasi gusto kong sumama kay Drake pero pumayag narin ako. Ano pa bang magagawa ko?!
Umalis na si Drake.
"This way, sis" Inaya ako ng ate niya sa isang salon chair. Umupo nalang din ako.
"Ill make you gorgeous, I promise" nakangiti siya habang tintignan ako sa salamin. Ngumiti nalang din ako.
Make over ba ang tawag dito?! Waah kinakabahan ako pero at the same time, excited ako!
Linugay niya ang buhok ko na laging pino-pony tail. Sinuklayan niya din ito at medyo nahiya ako kasi minsan lang ako sa isang araw mag suklay.
Hinot oil niya muna ang buhok ko at inayusan.
Ang sabi niya, pumikit lang daw ako. Linagyan niya pala ako ng make up. Medyo naging malikot ako kasi first time ko sa buong buhay mag make up. Makati yung brush at kahit nung linagyan na ako ng lipstick, eh naging malikot ako. Nakailang ulit tuloy siya. Nakaka hiya. Cinurl niya rin ata yung buhok ko.
"Open your eyes now" narinig kong sabi niya. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Di ako nakapaniwala sa nakikita ko ngayon. Isang babaeng maganda at ayos na ayos.
"Ako ba talaga ito?" Di makapaniwalang tanong ko. Hinawak hawakan ko yung curl at bouncy kong buhok.
Nakakatuwa! At dahil sa tuwa, parang naiiyak ako.
"Wag kang umiyak! Masisira ang make up" nakangiti niyang bilin sa akin. Hinawakan niya yung braso ko sa likod.
"See? As I promised, I made you gorgeous"
Tumango ako at ngumiti.
"Thankyou"
"No worries, sweetie" ngumiti siya pero nagpaalam na rin siya at may aasikasuhin daw siya.
Di parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha ko sa salamin. Maganda din naman pala ako kahit papano.
Nakita ko ang reflection sa salamin ang mukha ni Drake na nakatulala. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Ayos ba?" Masayang sabi ko at halos patalon talon akong umuupo dito. Hehe, masyadong masaya lang.
Di parin kumikibo si Drake at nakatulala paring nakatingin sa akin.
"Huy!" I snapped.
"H-ha?"
"Ang sabi ko, ayos ba yung itsura ko?" Tanong ko.
Mas tinitigan niya parin ako, "Hmm, pwede na. Nag mukha ka ng tao" nawala kaagad ang ngiti sa mukha ko. Grabe! Ang sama niya talaga! Di man lang marunong mag appreciate! Pero dahil siya ang nag dala sakin dito, at yung ate niya ang nag ayos sa akin, sige, hindi ko siya aawayin. Hehe ^-^
"Tara na nga, may lakad pa tayo" nauna na siyang nagkakad palabas at sumunod ako.
Sumakay na ako sa kotse niya."Saan tayo?"
"Sa mall."
"Anong gagawin natin sa mall?"
"Mag s-swimming siguro?" Sarkastikong sagot niya. Ha-ha, funny.
Tumahimik nalang ako habang nasa byahe. Minsan ko narin siyang nahulo na sinisilip ako at kapag tumingin din ako sa kanya, agad naman siyang titingin sa daan. Maya maya lang nandito na kami sa parking lot sa mall.
Nagulat ako ng pinagbuksan na niya ako ng pinto. Napangiti ako. May pagka gentleman naman pala siya eh, pero konti lang.
"Bibili tayo ng bago mong damit" yun ang sinabi niya ng makapasok kami sa mall. Tahimik nalang akong naglakad kasabay niya.
Habang naglalakad kami, may ilan na napapatingin sa akin. Nag bubulungan.
Sino yang kasama ni Drake?
Girlfriend niya siguro?
Grabe! Ang ganda! Pero teka lang, pamilyar siya eh
Oo nga! Parang si....
Nerdy Sophy!!
Oo nga! Parang siya nga! Sila na ba ni Drake?
Samut saring bulungan ang naririnig ko. Napaka dami nga palang taga Dewford High ang andito! Shit! Anong pinagsasabi nilang kami nitong kasama ko?
"Be used to it," narinig kong sabi ni Drake.
"Bakit?"
Nagulat ako ng kinuha ni Drake ang kamay ko at hinawakan iyon. Ang init ng mga kamay niya! Bakit di ako makahinga?!
"Because starting now, you are my girlfriend"
Pakshet. Did he just said that--- oh no! Ako?! Siya?! Kami?!
God! Anong nangyayari sa buhay ko ngayon?!
A/N: sorry, just a short update! Watch out for the next chappy!
BINABASA MO ANG
The Love Warning
Teen FictionSa bagong nilipatan na eskwelahan ni Kylie, hindi niya alam na may nag eexist palang Group of Bullies doon. Ang "Kamikazees." At dahil mala nerd ang hitsura niya, malamang sa malamang eh isa na siya sa bagong target ng grupo na i-bully at makaka t...