Chapter 14: Meet the Parents

96 5 4
                                    

Chapter 14: Meet the Parents

Natapos yung klase pero aligaga ako. Kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Drake. Diba gustong makausap ni Papa si Drake?!

Nag bell na, tapos na yung klase. Tumayo na si Drake. Sinundan ko lang siya.

"D-drake!"

"Ano?"

"K-kasi..." Linaro laro ko yung darili ko habang nakayuko "ano kasi eh.. Uhmmm.."

"Ano nga kasi?!"

Huminga ako ng malalim. "G-gusto kang makausap ng papa ko."

Tinignan ko siya. Tahimik lang at naka poker face.

"Okay."

"T-talaga?" Waaah! Pumayag siya! Akala ko hindi siya papayag eh! Sa tuwa ko, napayakap na pala ako sa kanya "waah! Thankyou Drake!"

Naramdaman kong medyo tinutulak niya ako. Agad akong napahiwalay sa kanya at yumuko. "He-he, sorry?"

"Tss." Pagkatapos nun, naglakad na siya paalis. Di ko na siya sinundan. Kailangan kong umuwi sa bahay. Tutulong ako kela Mama. Tsaka, kinakabahan ako eh.

•-•-•

Paguwi ko, di ko na pala kailangang tumulong. Naka handa na kasi lahat. Mula sa pagkaing handa ni mama at ang linis na ng bahay. Di naman masyadong halata sa excited sila eh.

"Magbihis ka na anak, darating na dito mamaya yung boyfriend mo!" Grabe, di man lang ba nila tatanungin kung darating ba talaga si Drake? Mukhang sure na sure sila eh.

Tumango nalang ako at naghanda sa taas. Sinuot ko yung paris t shirt na binili din ni Drake para sakin. Ang cute neto!

Narinig kong may nag doorbell sa labas. Dali dali akong bumaba ng hagdan.

Si Drake na ba yun? Shock! Kinakabahan ako! Di ko alam kung bakit! Si papa, inakbayan ako at seryoso ang mukha niyang nag aabang sa pinto. Si mama na yung nag bukas at tumambad si Drake na naka red polo shirt at ripped jeans.

Halos mapa nga nga ako. Ang gwapo niya.

"Hello po, Im Drake." Pakilala niya sa mama ko tsaka nag bow. Okay? Bakit ang galang niyang tignan? Eh sa skwelahan, nakaka asar siya!

"Nako anak! Ang gwapo ng boyfriend mo! Pasok ka hijo," pinatuloy siya ni mama at pinaupo sa sala.

Tinignan ako ni Drake tsaka ngumiti "Hi babe!" Sabi niya sabay ngiti.

Nang aasar ba siya?

Tinignan ko si Papa at pumunta siya sa sala. Shocks! Mag uusap na ba sila?!

"Nak, tulungan mo muna akong ihatid to," tinawag ako ni mama. Tinulungan ko siyang maghanda ng meryenda. Hinatid namin to sa sala.

"Upo ka dito nak, magusap tayo." Seryosong sabi ni papa. Huhu! Buong buhay ko, ngayon ko lang nakita na ganito ka seryoso si Papa maliban kapag nasa trabaho siya. Lumunok ako at tumabi kay Drake. Umupo na din si mama katabi ni Papa. Bale, magka tapat kami.

Para mawala yung kaba ko, kumuha ako ng baso at uminom ng juice.

"So Drake, hijo, mahal mo ba ang anak ko?"

Sa gulat ko sa tanong ni papa, nasamid ako sa iniinom kong juice.

"Ano ka ba Francisco! Wag mo ngang i hot seat agad agad ang boyfriend ni Sophy!" Saway ni mama sa kanya.

Nagulat ako ng hinawakan ni Drake ang kamay ko. "Opo."

What the hell?

Lumingon ako kay Drake na nakangiting tinitignan ang magulang ko.

Tinignan ko si papa at ang seryosong mukha niya, napalitan ng ngiti.

"Yun naman pala eh! Welcome to the family!" Bati ni papa sa kanya. "Call me dad from now on"

"And call me mom!" Sabi ni mama habang masayang masayang nakangiti.

"Opo, mom and dad." Sabi ni Drake at ngumiti sa mga magulang ko. Gusto ko siya sikuhin at gulpihin sa harapan ng mga magulang ko. What the hell is he talking about?! Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Tinignan niya lang ako tsaka ngumiti. "Ang cute mo mamula babe!" He pinched my nose.

"Ang sweet niyo naman! Naaalala ko tuloy yung kabataan ko sa inyo! Naaalala mo pa yung pinakilala rin kita sa magulang ko, hon?" Tanong ni mama kay papa.

"Oo naman! Nag handa nga ng baril ang papa mo sa mesa habang magkausap kami eh."

Nagtawanan sila Mama. Napangiti nalang din ako.

"Kain na tayo!" Imbita ni mama at pumunta sa kusina kasama si Papa. The moment kami nalang dalawa ni Drake sa sala, bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya sakin.

"Leche ka! Anong pinagsasabi mo kanina ha?!"

Ngumiti siya ng mapang asar. "Bakit ba? Kinilig ka nga eh! Diba?"

Ang sarap niyang sapakin! "Gago ka! Anong pinagsasabi mong mahal mo ko?! Sa pagkaka alam ko, biglaang naging tayo at tutor mo ako!"

"Kaya nga,"

Kinunotan ko siya ng noo. "Huh?"

"Kaya nga ginawa kitang girlfriend para pwedeng hindi kita ipauwi dito sa bahay niyo para mas magkasama pa tayo!" Ngumiti siya.

Pakshet.

"EWAN KO SAYO!" Iniwan ko siya sa sala habang tumatawa. Ugh! Nakaka asar siya!!!

-•-•

"So, hijo, anong pangalan ng mga magulang mo?" Usisa ni mama sa kanya habang kumakain kami.

"My dad is Mr. Ronell Dela Cruz and my mom is Ms. Barbara Chan. They are both now at the States."

"So mag isa ka lang sa bahay niyo?"

Tumango si Drake "opo"

"Kawawa ka naman hijo, di ka ba nalulungkot?"

"Hindi naman po. Nanjan naman po si Sophia para pasayahin ako eh." Tinignan niya ako at ngumiti. Agad akong namula sa sinabi niya.

Tinignan ko siya ng 'Im-gonna-kill-you-later-' look. Nginitian niya lang ako ng mapang asar.

Tinuloy ko nalang yung pagkain ko. Gusto kong matapos na to para makauwi na si Drake!

"Nak, ipatikim mo kay Drake ang esparagus na luto ko!" Sabi ni mama.

Poker face akong nag serve ng esparagus at linagay sa plato ni Drake.

"Subuan mo narin siya nak!" Komento ni papa.

Halos mabilaukan ako. "Pa naman eh! Di naman siya bata!"

"Normal lang yan kasi boyfriend mo siya,"

"Oo nga babe!" Tinignan ko ng masama itong katabi ko. Halos padabog akong kinuha ang tinidor niya at kumuha ng esparagus.

"Say 'ahh' babe?" Sarkastikong sabi ko. Ngumanga din naman siya. Tusukin ko mata mo eh!

"Ang sarap po ng luto niyo mom!" Sabi ni Drake at nag thumbs up. Sipsip! Hmp!

Nang matapos kaming kumain, inaya ni Papa si Drake na mag inuman at mag uusap nalang din sila.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Lecheng Drake yun! Humanda siya sakin bukas!!

The Love WarningWhere stories live. Discover now