Chapter 11: Girlfriend

91 7 0
                                    

Chapter 11: Girlfriend

Oh my gosh! Narinig niyo yun?

So totoo ngang sila?!

Waah! This cant be happening!

Grabe! Magkawak pa nga sila ng kamay!

Iyan ang naririnig ko na namang bulungan. Literally, naka nga nga parin ako sa sinabi ni Drake. Anong ibig niyang sabihin na girlfriend na niya ako?! Like hello? NBSB ako no! At tsaka, wala ba munang ligawan session?

Gusto kong bitawan ang kamay niya kaso masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya dito.

"Marami kang ie-explain sa akin mamaya," bilin ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina. "Haha, oo alam ko"

Pumasok kami sa isang botique ng mga damit at sapatos.

Agad naman kaming linapitan ng sales lady

"Good morning maam, sir"

"Miss, pilian mo nga siya ng damit na babagay sa kanya at tsaka sapatos" sabi ni Drake sa kanya. Medyo natulala nga yung babae eh pero tumango rin agad.

Pinaupo niya ako doon mapalit sa maraming rack ng sapatos. Grabe! Ang gaganda ng mga damit at sapatos dito!

"Uhm maam, heto na po yung mga napili ko. Doon po yung dressing room" tumango ako at kinuha yung mga damit.

Si Drake, nasa labas. May kausap sa phone.

Pumunta na ako sa dressing room at sinukat yung damit. Isa siyang navy blue dress na above the knee. Bagay siya sakin pero Hinihila ko yung dress pababa kasi di ako kompurtable. Maganda naman yung legs ko since palagi akong naka suot ng mataas na saya. Manang kumbaga.

Narinig kong may kumatok.

"Tapos ka na ba?" Si Drake yun.

"A-ah, oo." Hinila ko pa ng konti ang damit tsaka tinignan ang sarili ko.

Binuksan ko yung pinto at tumambad sakin si Drake.

"Wow.." He muttered silently habang tinignan ako head to toe. I just smiled.

"Bagay ba?" Tanong ko habang pasimpleng umikot ikot para makita niya.

"H-hindi," sabi niya sabay iwas ng tingin. Hmp! Hindi daw! Napa wow ka nga eh!

"Talaga? Sige, Magbibihis na ako," nagkunwari akong nagtampo at akmang isasarado na ang pinto kaso hinarangan niya ako.

"N-no, a-ano, bagay pala sayo! Ngayon ko lang na realize"

Napangiti ako. Sus, nagkunwari pa!

"Wag ka ng magbihis, babayaran na natin yan. Pero pumili ka muna ng sapatos"

"Okay."

Lumapit ako sa mga rack ng sapatos at tumingin tingin. Since para sakin maganda naman, eh yung sales lady narin yung pinapili ko. Wala akong taste eh.

"Here, maam" binigay niya sakin ang isang wedge na baby blue na may crystal sa gitna. Ang ganda! Sinukat ko iyon at kasya sakin.

Tumayo ako pero natapilok ako. Muntikan na akong madapa buti nalang nasalo ako kaagad ni Drake. Ang lapit ng mukha namin!

"Ok ka lang?"

"A-ah, oo," ako na mismo ang nagtayo sa sarili ko pero inalalayan parin niya ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa whole body mirror. Ang ganda kong tignan. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito. First time kong mag dress at mag suot ng sandals. Lahat first time nangyari to sakin.

The Love WarningWhere stories live. Discover now