Chapter 13: Humors

64 5 1
                                    

Chapter 13: Humors

Umaga na. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakita ko sa table ang paper bags na pinamili namin ni Drake kahapon. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman ng isang paper bag. Mga make up, gamit sa buhok at kahit ano.

Sabi ni Drake, responsibilidad ko rin dawng alagaan ang sarili ko kasi babae ako. Huminga ako ng malalim. Siguro tama siya. Linagay ko muna ang make up kit sa table at naligo na. Napagdesisyunan kong gumamit ng make up. Light make-up lang yung tinuro sakin ng kapatid ni Drake.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tama nga si papa, kapag nag ayos ako, magiging maganda ako.

Ngumiti ako at lumabas ng kwarto. Sabay kaming nag almusal ni Papa. Si mama kasi, maaga ang work niya. Ng matapos akong kumain, hinalikan ko si Papa sa pisngi at lumabas ng bahay.

Nagulat ako ng nakita ko si Drake sa labas ng bahay namin. Nakasandal siya sa kotse niya at may nakapansak na earphones sa tenga niya. Nakapikit siya pero ang cool niyang tignan.

Dumilat siya at napansin ako.
"Andyan ka na pala. Tara?" Tumango ako at pumasok sa kotse niya. Habang nasa byahe kami, sinisilip niya ako.

"Bagay sayo. Mabuti sinunod mo ang payo ko," tumango lang ako at ngumiti. Kinakabahan ako kung anong mangyayari mamaya sa campus.

**
Kakapasok palang namin sa gate Dewford High, ramdam ko na ang talim ng mga matang nakatingin sa akin. Mukhang alam ko na kung anong rason.

Bumuntong hininga ako, "Hayaan mo sila." Narinig kong bulong ni Drake. Tunanguan ko siya.

Natanaw kong tumatakbo si Nathan sa direksyon Namin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong umiwas sa kanya o kahit na sino sa 3 kings. Tatakbo ba ako palayo? O maglalakad lang ako ng mabilis na parang wala lang sakin?

Bago pa ako makapagdesisyon, nasa harap na namin si Nathan. Aware akong maraming estudyante na ang nagkukumpulan sa amin. Tila bang nanonood sila ng korean novela o ano.

Naramdaman kong umakbay si Drake sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. For that moment, halos hindi ako makahinga.

"Phia, k-kayo ba talaga?"

Alam ko anong tinutukoy niya.

Yumuko ako.

"Oo." Kagat labing sagot ko.

Kasi kapag sinabi kong hindi kami, bakas mas lumala pa ang sitwasyon. Baka sabihin nilang lumalandi lang ako.

"H-hindi ako naniniwala." Tinignan ko si Nathan na umiiling.

"Dude, siya na mismo ang nagsabing kami, diba?" Mapang asar na sabi ni Drake kay Nathan.

Nagtitigan sila. Kumuyom yung noo ni Nathan habang nakatingin ng seryoso kay Drake. Si Drake naman ay mas inilapit ako sa kanya at nakangiti na tila bang inaasar niya si Nathan. Gusto ko siyang sikuhin kasi di ko gusto ang inaasal niya ngayon.

"Hindi parin ako naniniwala, Phia."

Ngumiti si Drake sa kanya "Papatunayan ko sayo." Nagulat ako ng bigla akong hinatak ni Drake at naglapat ang mga labi namin.

Nakadilat lang ako at gulat na gulat. H-hinalikan niya ako.

Kaunting segundo lang naglapat ang mga labi namin at humiwalay na kaagad siya habang ako nakatulala parin.

Nagulat ako ng lingunin ko si Nathan, ay kasama na niya si Kurt at si Dylan. Bakas sa mukha nila ang gulat.

Nginitian sila ni Drake. "So ayan, napatunayan ko na. Kaya kung maaari, aalis na kami ng girlfriend ko." Inakbayan niya ako "Tara babe?" He said sweetly pero kita sa mata niya na nag eenjoy siyang asarin ang tatlo.

Hinayaan ko lang ang mga paa kong maglakad kasabay ni Drake.
Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga estudyante. Lahat hindi maka paniwala sa nakita nila. Maski ako.

"Ang lambot din pala ng lips mo, babe" tumngin siya sakin at ngumiti ng mapang asar.

Agad nag init ang mukha ko.

"P-p-pervert!!" Pinaghahampas ko yung braso niya ng malakas kaso tumatawa lang siya na tila ba hindi nasasaktan "At tsaka wag mo kong matawag-tawag na babe! Hindi ako baboy! Masyado kang chansing!"

"Wow ha! Ako pa ang chansing?" Ngumiti siya at tinuro niya ang sarili niya. "Eh hindi mo nga ako tinulak nung hinalikan kita eh, ibig sabihin nun, nagustuhan mo rin." Tumawa siya ng malakas. Gusto kongsuntukin ang pagmumumkha niya!

Nagpupumiglas akong inaalis ang pagkaka akbay niya sakin kaso mas hinigpitan niya 'yon. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko at naalis ko rin yung pagkaka akbay niya.

Naglakad ako ng mabilis palayo sa kanya. Nakaka asar siya!

"Aww! Nag tampo na yung girlfriend ko." Naramdaman kong sinusundan niya ako.

"Wag ka nga!"

"Babe! Ang cute nating dalawa dito sa picture oh!" Napatigil ako bigla sa paglakakad. Shit. Picture!

Agad akong lumapit sa bulletin board na tinitignan din ni Drake.

Nakalagay doon ang picture naming dalawa kahapon sa McDo na masyang nagtatawanan.

"Shit." Yun nalang ang nasabi ko.

"Tsk tsk. Masama sa babae ang nagmu-mura!"

"Pake mo?" Sabay roll eyes ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Tsaka babe.. Bagay na bagay tayo tignan jan oh!" Nguso niya dun sa picture. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Drake at bigla siyang naging isip bata.

"Pa-kiss nga jan babe!" Namula ako bigla.

Agad ko siyang tinulak palayo. "Wag ka nga Drake!"

Tumingin ako sa litrato namin. Agad ko yung pinunit ang tinapon sa basurahan.

"Bat mo tinapon yun babe? Iyon yung first picture natin eh!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Di bale, sa susunod, wedding picture na yung meron tayo. Diba babe?" Kumindat siya.

Hinayaan ko nalang siya doon at nag unang naglakad sa locker ko.
Binuksan ko iyon at may nakita akong note doon.

Kumunot ang noo ko at binasa ang sulat. "Lets us be your kings again, Queen." Iyon ang nakalagay. Alam ko kung saan iyon galing. Sa 3 kings.

A/N: sorry for the short update. Keep reading! <3 -BlaineCordova

The Love WarningWhere stories live. Discover now