Chapter 12: Confrontation
Hinatid ako ni Drake sa bahay namin. Pinasalamatan ko siya sa mga nagawa niya para sakin ngayong araw na to.
"Salamat Drake ah? Bye. " papasok na sana ako ng gate kaso tinawag niya ako.
"Ah, Sophia.."
"Ano 'yun?" Nakatingin siya sa akin ng seryoso.
Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng hinalikan niya yung pisngi ko.
"Goodnight, sleep well. Dapat maaga ka bukas. Susunduin kita."
Mas nagulat ako sa sinabi niya. "Goodbye, girlfriend." Sabi niya at umalis na siya. Habang ako, tulala at hinawakan ang pisngi ko.
"Ehem.. Ano yung nakita namin, ha? Sophy?" Napalingon ako kaagad sa likod ko. Patay! Nasa pintuan sila mama at papa habang naka pamewang at seryoso ang mukha.
*Gulp*
"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka naka make up at bakit iba na ang suot mong damit?" Seryosong tanong ni Papa. "At sino yung lalaking iyon?"
"Uhmm.. Ano, k-kaibigan?" Pagtutukoy ko kay Drake.
"Pasok sa bahay. Mag-uusap tayo." Seryosong sabi ni mama at pumasok na sila sa loob. Sumunod nalang ako habang kinakabahan.
Umupo sila mama at papa sa magkabilang upuan. Umupo ako sa sofa sa gitna nila. Eto na ba yung hot seat na sinasabi nila? Kasi kung oo, ayoko nito! Kahit malamig naman, tumatagaktak na ang pawis ko sa nerbyos.
Nakatingin parin sila sa akin ng seryoso.
"Sige Sophy, magpaliwanag ka na."
Huminga ako ng malalim. "Ma, pa, kaibigan ko lang po siya. Yun lang." Paliwanag ko pero kinakabahan parin ako. Tinignan ko sila at halatang hindi sila kumbinsado.
"Kaibigan?" Tanong ni papa "kaibigan lang ba talaga?"
"A-ah, Opo." Kahit gusto ko ng yumuko, pinilit kong tumingin ng diretso sa mata ni Papa.
"Hanggang kailan mo aaminin?" Tanong ni mama na may mapagbantang tono.
"A-ang alin po?"
"Na may boyfriend ka na?"
"Ma naman eh! Sinabing wala akong boyfriend! At tsaka, kaibigan ko nga lang yung si Drake eh!"
"So.. Drake pala ang pangalan ng lalakeng iyon," tumango ako "Eh bakit ka niya hinalikan sa pisngi?" Oh-oh. Hinalikan nga pala ako ng hinayupak na yun!
"E-eh kasi ano.." Naghahanap ako ng dahilan sa tanong ni mama "eh kasi exchanged student siya sa Canada. S-siguro uso sa kanila ang humalik sa pisngi as sign of goodbye?" Gusto kong mag face palm sa palisot ko. Pero wa epek pa rin! Seryoso parin silang nakatingin sa akin.
"At bakit sinabi niyang 'Goodbye girlfriend' aber?" Oh My Gosh. Bakit ko ba nakalimutan ang lahat ng sinabi niya kanina? Siguro na mental block ako sa kaba.
Bumuntong hininga ako. "Fine. Boyfriend ko siya per--"
"Aaaaaahh!" Tili ni mama "Talaga? Boyfriend mo siya?! Boyfriend mo siya anak?! Ibig sabihin.." Tinignan niya si papa at sabay silang ngumiti at sumigaw ng "may boyfriend na ang anak namin!!" Tumayo pa sila at tumalon talon.
Kinunutan ko sila ng noo. Diba dapat pagalitan nila ako kasi ang bata ko pa masyado para magka nobyo? Pero wala eh, masyado silang weird para maging strikto sa akin. Halos nga ipagtulakan nila ako palabas ng bahay para gumala. Oh diba? Makatarungan ba yun?
Mabuti nalang at naisipan na nilang umupo. Napagod din ata. Pero di parin nawawala ang ngiti sa mukha nila.
"So anak, ikwento mo nga sa akin kung pano ka niya niligawan? Saan mo siya nakilala? Kailan? Kaklase mo ba siya? Kailan mo siya sinagot? Saan? Sagutin mo ko anak! Dali!" Sunod sunod niyang tanong. Di naman masyadong halata na excited si mama ano?
"At tsaka nak, anong nakain mo at naka make up ka?" Tanong din ni papa.
"Di ba bagay pa?"
"Anong hindi? Ang bagay sayo! Ang ganda ng anak ko! Ngayon lang kitang nakita ng ganyan kaya masaya ako. Dalagang dala na ang anak ko." Halos maiyak si papa habang sinasabi yun.
"Hoy Francisco! Mamaya ka ng magdrama! Kailangan munang sagutin ni Sophy ang tanong ko!"
"So ano anak? Sagutin mo dali!"
Huminga ako ng malalim. "Unang una sa lahat ma, walang ligawan na nangyari."
Natulala si mama at maging si papa. Like hello?! Sino ba namang hindi magugulat. Naging kami tapos walang ligawan ang nangyari.
"T-teka nak, ipaliwanag mo nga ng mabuti," sabi ni mama at nakakunot ng noo.
Ikinwento ko sa kanila ang nangyari kung bakit. Simula sa nasigawan ko yung principal namin, sa agreement task ko na maging tutor ni Drake, yung sa mall at yung kung paano naging kami ng biglaan.
Naalala ko na naman yung may kumuha ng litrato sa amin. Kinakabahan ako sa mangyayari bukas.
Habang nagpapaliwanag ako, naka tulala lang sila at seryosong nakikinig.
Ng matapos akong magpaliwanag, huminga ako ng malalim. Masyadong naging mahaba ang speech ko."P-pero kahit ganon ang nangyari, kayo parin diba?" Tanong ni mama pero bahid sa mukha niya ang disappointment.
"A-ah, opo." Sagot ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang nadi-disappoint si mama.
Si papa naman, walang reaksyon lang pero seryoso ang mukha.
"Mahal mo ba siya?" Biglang tanong ni papa at seryoso ang mukha niya.
Yumuko ako. "H-hindi po," totoo ang sinabi ko. Hindi ko mahal si Drake. Hindi ko pa siya masyadong kilala at masyadong mabilis ang nangyari.
"Kung sa ganon, bakit mo siya sinagot?" Tanong ni papa.
"Hindi ko nga po siya sinagot eh. Kasi wala namang ligawan na nangayari."
"Well.. Sabihin mo sa kanya na pumunta siya dito sa bahay bukas at maguusap kaming dalawa." Nakangiti si papa.
Hindi ako sigurado kung magagawa ko ang gusto ni Papa. Paano ko sasabihin sa Drake na yun? Di kami close no! At tsaka.. Kinakabahan ako kung anong mangyayari kung sakaling magkita sila.
"S-susubukan ko po, 'pa."
"Susubukan? Diba sabi mo tutor ka niya? Edi sabihin mo naring dito nalang kayo mag aaral at the same time makakapag usap kami."
Oo nga no?
"Hmm.. Sige po pa."
"Excited na ako bukas!" Sabi ni mama at nakangiti ng malawak.
Lumunok ako. Bahala na si Batman bukas.
YOU ARE READING
The Love Warning
Teen FictionSa bagong nilipatan na eskwelahan ni Kylie, hindi niya alam na may nag eexist palang Group of Bullies doon. Ang "Kamikazees." At dahil mala nerd ang hitsura niya, malamang sa malamang eh isa na siya sa bagong target ng grupo na i-bully at makaka t...