Chapter 7

105 5 0
                                    

** Francis Rivera ⇧⇧⇧**

Pierre's POV

Nung natapos si Sophie magkwento tungkol sa nakaraan ni Tina hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko parang naiinis sa mga nangyari sa kanya.

"Ang tagal naman ni Couz, wait lang ha puntahan ko lang baka nalunod na doon. Hahahaha ." She gave us a fake laugh bago siya umalis ng table namin.

Ramdam ko sa kanila na malungkot sila para kay Tina ,kahit bago palang ako dito sa kanila alam kong nasasaktan sila at ganoon din ako dahil pag nakikita ko si Tina hindi ko na makita ang liwanag sa mukha niya lalo na pag nakangiti siya.

"Guys ano ng gagawin natin ayoko ng gantong sitwasyon ." Barbs

"Sa ngayon ang dapat natin gawin bantayan siyang hindi malapitan ni Ivan hindi na dapat sila magkausap ni Tina mahirap na , saka ang pinagtataka ko lang paano nakapasok yan sa DRIS e alam din nila Tito ang nangyari sa kanilang dalawa." nagtatakang sabi ni Francis.

"Pre ang pagkakaalam ko may shares ang pamilya ni Ivan sa school tingin ko dahil dun kaya siya nakapasok sa school as a prof.. tsk dapat nalaman natin 'to ng maaga para naman alam na natin ang gagawin kung magkita man si--" nahinto sa pagsasalita si Tommy ng marinig naming sumigaw si Sophie . Tumingin kami sa bandang restroom at nagsitayuan kami ng makita namin kung sino ang sinisigawan niya.

'Tsk.. siya na naman.'

" Pwede ba Sir tigilan mo pinsan ko or else tatawag ako ng security dito !!!" sigaw ni Sophie.

Lumapit kami sa kanila at hinarap siya ni Francis.

"Ano pa bang kailangan mo Ivan ??" tanong ni Francis na nakahawak na kay Tina.

"I just want to talk to her, and..and explain everything what happen." nagmamakaawang sabi ni Ivan, kitang-kita sa mata nito ang sinseridad pero hindi natinag si Francis.

"Wala na dapat kayong pagusapan pa." Tumingin siya kay Tina." Tina let's go, hindi ka pa tapos kumain." Hinila na siya ni Francis papunta sa table namin at pinaupo na doon.

Tinignan ng masama ni Tommy si Ivan. "Kung pwede lang Ivan tigil tigilan mo na si Tina, please lang dahil kung ipagpapatuloy mo pa 'to makakatikim ka na talaga sakin .. tara na guys balik na tayo baka mawalan pa ako ng gana dito." seryosong sabi ni Tom at naglakad na siya pabalik. Sumunod naman sa kanya ang iba pa at naiwan akong nakatayo dito sa harap niya.

"Tsk kaya pala unang makita palang kita nung monday e mainit na dugo ko sayo, sana bro hindi na tayo magkabanggaan pa!" inis na sabi ko sa kanya saka ako naglakad palayo.

Siya ang dahilan kung bakit ako badtrip nung monday tignan mo nga naman ang pagkakataon may atraso pala siya sa mga kaibigan ko ngayon.

**Flashback**

Papalabas na ako ng Dean's Office ng may mabangga akong kakapasok palang sa loob.

"Sir sorry po " sabi ko sa kanya.

"Tsk bakit ba kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo ? Umalis ka nga !" inis na sigaw niya sakin. Kumunot naman ang noo ko at tinignan siyang mabuti.

( ̄︿ ̄)

"Hindi ko naman ho sinasadya nagsorry na nga ako sa inyo hindi nyo na ho dapat akong sigawan." may pagdiin sa huling salitang sinabi ko sa kanya.

Lumapit ang Dean samin " bakit kayo nagsisigawan ? Mr. Evangelista bakit nandito ka pa ? "

"Sige po Dean alis na po ako" inis ko munang tinignan ang lalaking nasa harap ko bago ako lumabas ng office.

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon