Chapter 12

49 5 0
                                    

Tina's POV


Natawa nalang kami ni JP nung biglang sumunod si Sophie kay Tom. Siguro nakonsensya siya ng makitang maga mata ni Tommy.


Bigla naman ako nalungkot ng maalala ko yung sitwasyon ni Tommy. Siguro kung ako yung nasa lagay niya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hinahangaan ko siya dahil nagagawa parin niyang maging masaya sa kabila ng problema niya... Kung tutuusin mas mabigat pa yun kesa sa naging problema ko dati na halos maging miserable ako at isa si Tommy sa naging dahilan kung bakit maayos na ako ngayon. So from now on gagawin ko ang lahat makatulong lang kay Tom.


"What's bothering you Tina?" Nagulat ako ng magsalita si JP, natulala na pala ako.


"Nothing, may naalala lang ako." Ngumiti ako sa kaniya. "Nga pala may tanong ako sayo." tinignan ko siya na parang nanunukso, napakunot naman ang noo niya. "What's the real score between you and Sophie?" Bigla siyang napa-ubo sa tanong ko kaya natawa ako.


"What are you talking about Tina?" Nagtatakang tanong niya sakin.


"Hindi kasi kayo mapaghiwalay minsan e parang may something.. hahaha" Natatawang sabi ko, napailing naman siya at ngumiti.


"Kayo talaga walang ibang kahulugan yung pagiging close namin. She's like my lil' sister nakikita ko sa kaniya si Chelsea kaya ganun ako ka-close sa kaniya." Pagdadahilan niya.


"Hmm.. ganun ba," tumatango tangong sabi ko. "Basta may tiwala ako sayo wag na wag mo siyang sasaktan o papaiyakin. Nako ako makakalaban mo tandaan mo yan." Banta ko sa kaniya habang nakaturo sa kaniya. Natawa naman siya sa inasta ko.


"Opo madam tatandaan ko yan." Ngumiti naman ako sa sagot niya.


Nang mapatingin ako sa likod niya nakita ko si Kelly at Barbs na naglalakad papunta samin. "Tina ano nangyari dun sa dalawa bakit naghahabulan na naman?" Tanong ni Kelly.


"And she's not making pansin us kanina." sabi ni Barbs at sumimangot.


"Wag niyo ng pansinin yung dalawang yun hindi na kayo nasanay lagi naman silang ganun." sabi ko at niyaya na sila papasok ng bahay para makapag lunch dahil hindi pa nga pala kami nakakapag-lunch..


Pagdating namin sa living room nadatnan naming nagtatawanan yung dalawa si Francis ay Stefan. "What's going on ? Is  there anything we missed here?" I asked them with suspicious look.


"Wala na nagtanan na yung dalawa si Tom at Sophie nagmamadali ngang lumabas ng gate e." Natatawang sabi ni Francis binatukan naman siya ni Stefan.


"Pre mali ka iba ang gusto ni Sophie si P---" Bago pa ituloy ni Stefan yung sasabihin niya sumingit na agad ako.


"Hayaan niyo na sila uuwi rin naman agad yung mga yun, tara na kain na tayo." sabi ko sa kanila at nagsipuntahan na kami sa dining room. Nagpahuli ako sa paglalakad at tumabi kay Turtle. "Ikaw talaga hindi matigilan yang bunganga mo gusto mo bang malaman ni Pierre agad agad yun. Wag mong pangunahan si Sophie." Bulong ko sa kaniya ngumiti naman siya at nag-peace sign sakin.

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon