Chapter 8

78 5 0
                                    

** Stefan Lee ⇧⇧⇧ **

Tina's POV

Pagka-alis nila dumeretso na kami ni Sophie sa kwarto. Hindi na rin niya mabitawan ang cellphone niya marahil ay hinahantay niya ang pagtawag ni JP. Nang matapos kong ayusin ang damit ko ay dumeretso na ako sa banyo at naligo.

Pag kalabas ko ng banyo may kausap na si Sophie sa phone siguro si JP na yun, hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang sa dulo ng kama at nagpapatuyo ng buhok.

"Ihhh . Talaga. Talaga ??? Kailan naman??" Nagulat ako sa pagtili ni Sophie at napalingon ako sa kanya.

Lumingon siya sakin at ngumiti , tinignan ko naman siya habang nakakunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang iniisip nitong babaeng 'to.

“Aye aye captain. " ㄏ0^◇^0)/ sumaludo pa siya pagkatapos ay tumakbo papunta sakin at hinawakan ang kamay ko.

" Anong problema mo Couz?? " Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Couz secret lang muna pero sigurado akong matutuwa ka pag nalaman mo na yung secret ko. Hihihihihi " tumayo siya at a-akmang pupunta ng banyo pero pinigilan ko siya.

" Wait wait. Anong kalokohan na naman ba yan Sophie ha?? Bakit di mo na sabihin sakin may pa-secret secret ka pa ??" Naiinip na tanong ko sa kanya.

" Aayyyy nako Couz wag ka ng mainip dahil malalaman mo rin naman ang secret ko. Hehehe." Pagkasabi nun ay tumakbo na siya sa banyo.

(-_-#)

Nako itong babaeng talaga 'to dinagdagan na naman isipin ko. Dahil sa inis humiga na ako at natulog.

**Kinabukasan**

Naglalakad kami dito sa MC Mall dahil usapan namin na pupunta kami dito para tignan ang bagong bukas na store dito. Hatak hatak ako ni Sophie at parang nagmamadaling makarating sa pupuntahan namin.

" Sophie wag kang excited hindi naman aalis yung shop na yun. " naiinis na sabi ko dahil kanina pa niya ako pinagmamadali sa bahay palang ganyan na siya.

" Couz ano ka ba syempre may mga limited edition na gamit dun baka maunahan ako ng iba sabi ko naman sayo kakabukas lang nun at paniguradong dagsa mga tao jan mamaya."

(-_-)
'Ang O.A naman nito akala mong Hollywood star tong si Hello Kitty kung makapagpanic naman 'to.'

Nauna na siyang pumasok sa loob at ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Nakita ko pang kumuha siya ng cart at tuminging tingin ng mga nandoon.

Nung nakakalahati nya na ang cart niya ay lumapit siya sa naka-display na 4ft tall na Hello Kitty stuffed toy. Ito siguro yung sinasabi niya sakin nung nakaraang araw na gustong gusto niya.

" Miss I'll buy this. " seryosong sabi niya sa sales lady.

" Sorry Mam pero hindi po namin binebenta yan. " paghihinging paumanhin niya kay Sophie.

"(⊙o⊙)? WHAT?? But Couz I want to buy this. Huhuhu.. " naiiyak na lumapit si Sophie sakin. Hinimas himas ko naman ang likod niya para kumalma siya, dahil pag gantong hindi niya nakukuha ang gusto niya minsan nagwawala talaga 'to. Tsk mukhang mahihirapan ako dito.

"Couz hayaan mo na may makikita pa tayong ganyan okay, wala tayong magagawa hindi daw nila binebenta yan." Alo ko sa kanya at mas lalo pa siyang umiyak.

"But Couz ilang araw ko ng iniisip yang si Hello Kitty simula ng makita ko yan dito gusto ko ng bilhin yan kaso hindi pa sila nagbubukas nun tapos ngayon sasabihin sakin hindi binebenta yan. Bakit pa nila dinisplay yan jan. Huhuhu (T﹏T)" hindi ko na alam ang gagawin sa kanya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng shop.

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon