Chapter 25

34 4 0
                                    

Tina's POV



***Sunday***



Nagpa-plano na kami ngayon ni JP kung anong miniature ang gagawin namin. "Mag hotel and resort nalang kaya tayo? Masyadong complicated pag airport and airlines tayo.." Suggest ko sa kaniya..



Napaisip naman siya bago sumagot.. "Okay.. Pero paano natin i-do-drawing yung blueprint hindi ako magaling sa ganiyan e.." Sabi niya at napakamot sa batok (_ _)> , natawa naman ako sa sinabi niya..



"Wag kang mag-alala napag-aralan na namin yan nung highschool.. And gumawa na rin kami ng blueprint dati individually kaya naman kaya natin yan..." Sabi ko at ngumiti sa kaniya..



"Ano bang hindi mo kayang gawin?? lahat nalang ata nagagawa mo.." Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin na pala siya sakin, hindi ko alam pero parang nailang ako sa tingin niyang yun kaya para hindi niya mapansin ngumiti ako sa kaniya at tumingin sa mga gamit na nasa harap ko..



"Ano ka may mga bagay naman akong hindi ko kaya..."



"Ano naman yun?" Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakangiti na siya at sumandal sa couch..



"Hmm.. Hindi ako marunong magluto.. Na-try ko na pero lagi akong natatakot lalo na pag prito ang lulutuin kaya ni-minsan hindi ako umapak sa kusina para magluto..." Natawa naman siya sa sinabi ko kaya lalo akong na-ilang..



"Gusto mo turuan kita? Hindi mo naitatanong magaling ako pagdating jan.." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya...



" (⊙o⊙)?WEEEHH... Di nga??"



"Oo nga.. Ano turuan kita?" Umiling iling ako dahil ayoko talaga..



"Nako wag na.. Takot talaga ako.." Tanggi ko sa sinabi niya pero nagpumilit pa rin siya..



"Sige mag-deal nalang tayo.. Pag hindi nakuha yung gagawin nating miniature na ipe-present sa event wala kang magagawa dahil tuturuan kitang magluto.." (⊙o⊙) Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya..



"Madali lang  pala e, edi gagandahan natin paggawa para makuha.." Natatawang sinabi ko sa kaniya, (→_→) pinasingkitan niya ako ng mata.. "Hmmff.. Sige na nga.. Pero pag nakuha yung miniature natin may kundisyon din ako.." Sabi ko at umayos naman siya ng  upo..

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon