Chapter 11.2

55 5 0
                                    

Tom's POV

"Anong klaseng mukha yan Sophie para kang nalugi jan?" natatawang tanong ko sa kaniya. Paano ba naman nakatingin siya dun sa nag-picture samin tapos yung mukha niya parang iiyak na. hahahaha.. So priceless kaya hindi niya alam kinuhanan ko siya ng stolen shot sa cellphone ko. Para pang-asar sa kanya sa susunod na awayin niya ako. wahahahahahahaha.


"Hindi mo manlang itinama si Kuya dapat sinabi mo na hindi tayo mag-jowa feeling niya kasi mag-bf/gf tayo... hmmmpp. Bakit ba kasi ko napasama dito sa amusement park na 'to ni-wala nga akong bitbit kung di ang sarili ko.Paano nalang pag nagkahiwalay tayo dito edi hindi natin alam kung sa----" pinahinto ko na siya sa pagsasalita gamit ang hintuturo ko nilagay ko iyon sa labi niya, dahil dun nanlaki na naman ang mga mata niya. Hilig nitong palakihin mata niya tusukin ko pareho yan e, hahahahaha joke..


Pinalo niya yung kamay ko paalis sa mukha niya. "EEEwww ka Pangit yan pa yata yung pinantutuli mo sa tenga mo kanina.. kadiri ka ... pweee pweee... eeewwww!!" Maarteng sabi niya..


"Aba pasalamat ka ikaw palang nakatikim niyan maraming babae ang gustong dumikit sakin maski muta ko sinasamba kaya wag kang maginarte jan.. Wahahahahahahaha" Dahil sa sinabi ko mas lalo pa siya nairita at pinalo ako sa braso. "Oh tama na yan.. tara na simulan natin sa flying fiesta."Naglakad na kami papunta dun.


Napansin ko na konti lang ang tao ngayon. Kaya naman napangiti ako dahil mukhang makakasakay kami sa lahat ng rides ng hindi hassle.


"Tommy dito muna tayo sakay bago 'to e ngayon palang ako makakasakay jan." turo niya sa Disc O Magic. Natulala naman ako sa suot niyang damit. Nga pala naka uniform pa kami.


"Wait. Sasakay ka ng ganyang damit? Tara bili muna tayo ng damit sa souvenir shop." sabi ko at hinatak ko na siya papunta sa malapit na souvenir shop sa tabi mismo ng Rio Grande.


Pag pasok namin sa loob naghanap na kami ng damit. Pumili ako ng t-shirt para saming dalawa at kumuha din siya ng shorts. "Tommy bakit pareho tayo ? ayoko nito pipili ako ng iba." sabi niya pagkalabas niya ng fitting room.


"Wag ka ng maarte bakit ikaw ba magbabayad? Tara na bayad na lahat yang suot mo. Akin na yang uniform mo ilalagay ko sa bag ko." Sumimangot siya at binigay naman sakin yung uniform niya.Lumabas na kami at nagpunta sa Disco O Magic.


"Tom wag kang lalamya lamya bilisan mo... Bakla ka talaga." asar niya sakin.


"Bakla ka jan. sa Gwapo kong 'to." turo ko sa sarili ko. Napangisi ako ng may na-isip ako.(--,) "Baka naman gusto mong patunayan ko pa sayo" nandito na kami sa pila konti lang ang nakapila dito. Kaya tingin ko sunod na agad kami sa sasakay.


"No never mind. Hindi mo na kailangan patunayan. Manyakis ka talaga (>_<) " inis na sabi niya.


Natawa naman ako."Bakit ano ba akala mong gagawin ko. Makapag-manyakis ka jan, Or else may iba kang iniisip." Biro ko sa kanya. Nanlaki na naman ang mga mata niya sa gulat at napaiwas ng tingin sakin. nakita ko pang namumula ang tenga niya kaya natawa ako ng pagkalakas lakas.

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon