Chapter 6

94 5 0
                                    

** Ivan Ruiz Villafuerte ⇧⇧⇧**

Sophie's POV

"Class please introduce yourself here in front para makilala ko kayong lahat.. This is my first time here in DRIS so please cooperate para maging maayos ang flow ng pagtuturo ko dito for the whole semester. " nakangiting sabi niya sa buong klase.

Kung titignan mo siya parang wala lang sa kanya na makita kaming nandito, sinadya nya kaya na dito siya magtrabaho at talagang natapat pang prof namin siya a.. talagang sinasagad nito ang pasensya ko.

(╰_╯)

Pinatayo nya yung una sa 1st row at sunod sunod ng nagpakilala sa harap. Lahat ng mga ka-klase namin ay kinikilig at nakangiti sa kanya samantalang kaming magbabarkada seryoso lang na nakatingin, alam kong pati si Tom na palatawa ay seryoso na ang mukha ngayon alam nya din kasi ang pinagdaanan ni Tina nitong nakaraan at ginawa namin ang lahat para bumalik 'to sa pagiging masiyahin, but I think babalik nanaman kami sa dati.

Nung naghiwalay kasi si Tina at Ivan naging tahimik na ito at laging lutang minsan nakikita din namin siyang biglang nangingiti pagkatapos nun biglang tutulo ung luha. Naging mahirap samin yun kasi 1st week of classes nung naghiwalay sila akala nga namin mapapabayaan na ni Tina ang pagaaral niya kaya para hindi mangyari yun halos araw araw kaming nag-group study para makapagfocus siya kahit papaano sa mga lessons. Nakikita kasi namin siya na hindi nakikinig sa prof namin noon at tulala lang ito kaya lagi siyang napapagalitan ng mga professor namin kahit kasi sila ang may-ari ng DRIS ay kinausap ng daddy nya lahat ng professor na ituring siya na ordinaryong estudyante.

Kung may binabalak siya kaya nandito siya sa school namin ngayon . Hindi ko hahayaang magkausap pa sila ni Tina ayoko ng magpabola pa siya sa lintik na lalaking yan.

Maya maya ay si Francis na ang tumayo at hindi siya nagpunta sa harap kitang kita ko kung paano tignan ni Francis si Ivan at saka ito nagsalita...

" tingin ko Sir hindi na namin kailangang i-introduce pa ang sarili namin dahil alam kong kaming magbabarkada dito ay kilala nyo na. " seryosong sabi ni Francis, alam kong kaya nya ginagawa to para hindi na tumayo sa harap si Tina. Sa ngayon dapat namin siyang iiwas muna sa kanya para makausap namin mamaya si Tina tungkol dito dahil alam naming apektado parin siya.

Naging seryoso din ang mukha ni Ivan at mukhang hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Francis...

" No Mr. Rivera unfair para sa iba na hindi kayo magpakilala sa harap. Oo kilala ko kayo pero dapat maging fair kayo sa iba at please kasasabi ko lang kanina COOPERATE simple word pero sana gawin niyo." Nakatingin lang siya kay Francis at makikita mo sa mga mata nila na parang may alitan talaga sila.

Kaya no choice na siya kung di ang pumunta sa harap, tumingin muna siya kay Tina bago pumunta sa harap..

"Francis Rivera ,18 years of age ,Vice President of this class." Sunod sunod na sabi ni Francis at hahakbang na sana siya pabalik pero pinigilan siya ni Ivan.

" not that fast. So please tell us something about your self. " si Sir Ivan bigyan na ng pag-galang baka sabihin wala kong galang.. hmmff. ( ̄ε( ̄)

" hmm ano nga ba... ako yung taong gagawin ang lahat maprotektahan lang ang mga mahal ko sa buhay lalo na sa mga taong manloloko at sinungaling na nakapaligid sa kanila, at masasabi ko lang gagawin ko ang lahat hindi lang ulit sila masaktan sa mga taong di marunong makuntento... yun lang." Pagkatapos ng sinabi niya ay dumeretso na siya sa upuan niya at hindi niya na hinantay na magsalita pa si Sir Ivan.

"Aauuughh ang gwapo talaga ni Francis sana maging isa ako sa special someone niya parang feeling ko lagi akong safe pag siya ang kasama. Hihihi"

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon