Chapter 23

32 5 0
                                    

Tina's POV



Bago kami umuwi dumaan muna kami sa store ni Turtle at bumili ako ng Hello kitty stuffed toy para kay Sophie.. Ayaw pa nga ipabayad ni Turtle pero syempre hindi ako pumayag dahil business niya iyon..



Pagdating namin sa bahay pumunta muna ako sa bahay nila Sophie para makipag-ayos sa kaniya.. Ayokong patagalin yung away namin dahil hindi ko kakayanin pag tuluyan na siyang magalit sakin..



"Tita Steph dumating na po ba si Sophie.." Tanong ko kay Tita pagpasok na pagpasok ko palang sa bahay nila..



"Oo kadarating lang din niya hinatid siya ni Pierre.. Nandun na siya sa kwarto niya puntahan mo nalang.."



"Sige po Tita.. Thanks.." Tumango naman siya at nagpunta na sa kusina..



Nagmadali na akong umakyat sa kwarto niya.. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ..



*knock**knock**knock*



"Wait lang po!" Narinig kong sigaw niya sa loob..



Nung buksan niya na yung pinto nagkatitigan muna kami bago siya nagsalita.. "Tara pasok ka.."



Pagkapasok ko sa loob nagsalita agad ako..



"Sorry.." Nagulat kami ng sabay kami nagsalita at maya maya natawa siya kaya napangiti na rin ako..



"Couz sorry kung naging childish ako kanina.. Kung hindi pa pinaintindi sakin ni Pierre kanina baka hanggang ngayon tampururot na naman ako.. hehehe.. Sorry talaga Couz ha, wag ka mag-alala hindi na talaga ma-u-ulit.. pipilitin ko na magpakabait.." 



Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.. "Sorry din Couz ha.. Ayokong nagkaka-away tayo kaya bati na tayo ha.." Tumango tango naman siya at bumitaw na sa yakap namin... "Oh ito peace offering ko sayo.." (⊙▽⊙) Nanlaki yung mga mata niya ng makitang may bitbit akong hello kitty.. kinuha naman niya ito at niyakap.. (/◕ヮ◕)/



"Thanks Couz.. " Nilagay niya ito sa kama niya.. "Saan nga pala kayo nagpunta ni Kuya Stefan??"



"Ahh dinala niya ako sa favorite nating ternate sa Nasugbu.."

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon