Chapter 26

37 4 0
                                    

Tina's POV



Habang naghihintay ako kay Sophie dito sa sala naalala ko yung mga nangyari kanina.. 



'Galit kaya si Sophie sakin??' Tanong ko sa sarili ko.. 



"Baby bakit ang lalim ata ng iniisip mo??" Napatingin ako kay Daddy na papalapit sa akin at tumabi dito sa sofa..



"Nothing Dad.. Its just about the event.." Palusot ko sa kaniya..



"Ohh.. You mean yung charity event natin.. Diba sa department niyo naka-assign yung miniatures.." Tumango naman ako sa sinabi niya.. "Bakit mo naman iniisip yun.. na-i-stress ka ba??.."



"No Dad.. Don't mind me.. Iniisip ko lang kung paano gumawa ng miniatures kasi diba hindi pa kami nakakagawa ng ganun sa school ngayon palang.. And hindi ko expect na gagawa kami dahil Tourism students kami at hindi engineering or architecture ang kinuha namin.." Natawa naman siya sa sinabi ko..



"Anak kahit Tourism ka hindi na dahilan yun para hindi ka na mag-e-expand ng kaalaman mo.. Kahit hindi tugma ang kurso niyo sa paggawa ng mga bagay na ibinibigay sa inyo dapat niyong tanggapin yun.. Para din mapatunayan niyo sa iba na ang kurso niyo hindi lang kayang magpaganda o magpasexy ---"



"Dad (ಠ﹏ಠ) " Natawa siya sa pagputol ko sa sinasabi niya.. "Hindi naman lahat ng Tourism student puro ganoon ang ginagawa.. nakita niyo ba akong nagmake-up ng makakapal o kaya nagpapasexy??" 



"Anak hindi ko sinabing ikaw, ang ibig kong sabihin kahit ganoon ang tingin nila sa inyo patunayan niyo na hindi lang iyon ang kaya niyong gawin, dahil kaya niyo rin ang mga bagay na nagagawa nila.. Para din hindi na nila husgahan yung course niyo diba.. Aba kung tutuusin mahirap ang course niyo nagme-memorized kayo ng mga historical na lugar at hindi rin madali ang makipag-interact sa ibang tao diba dahil hindi mo alam mga ugali nila.." Tumango tango naman ako sa sinabi niya..



'May patutunguhan din pala usapan namin ngayon.. Minsan kasi laging biro sinasabi ni Dad hindi mo maiisip na isa siyang Dean at President sa school.. hehehehe..' Sabi ko sa isip ko..



Nung marami na kaming napagku-kwentuhan bumaba na si Mommy para tawagin na si Daddy..



"Hon tara na matulog na tayo maaga pa ako bukas bibisita ako sa agency bukas.." Sabi ni Mom at tumingin sa akin.. "Baby bakit hindi ka pa matulog late na ah.." Tumabi siya samin at napapagitnaan nila ako..



"Inaantay ko lang po si Sophie dito daw siya matutulog eh.." Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo..

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon