Chapter 28

29 3 0
                                    

Pierre's POV



"Pre bakit mo ginawa yun.. Lalo na magkakagulo niyan.." sabi ni Francis at tumabi sakin.. Nandito ako ngayon sa bahay ni Francis, pinapunta rin niya sila Tom at Stefan..



"Hayaan niyo na magpaliwanag nalang tayo kela Tita Steph kung sakaling magalit sila.. Tsaka ginawa lang naman nila Sophie na magpanggap dahil para nga maiiwas siya sa stalker niya.." Seryosong sabi ni Tommy at pumunta sa dala niyang plastic..



' (ಠ﹏ಠ) Langya may dala pala 'tong alak..'



"Hoy Tom bakit ka nagdala ng ganyan dito.. (ಠ_ಠ) Makita ka nila Daddy yari tayo.." Nag-aalalang sabi ni Francis at pilit na kinukuha yung alak kay Tom..



"Ano ka ba alam ko.. (- -,) wag kang mag-alala naitago ko naman ito kanina nung pumasok kami.. Tsaka kailangan 'to ngayon ni pareng Pierre problemado siya ngayon diba.." Inabot niya sakin yung hawak niyang alak at kinuha ko naman iyon..



"Bahala ka nga.. Basta isama mo yan sa pag-uwi mo ah.." Napa-iling iling lang si Tom sa kaniya.



Sa totoo niyan gumaan yung pakiramdam ko nung nasabi ko na kay Sophie yun .. Pero medyo nag-aalala ako dahil siguradong galit na galit na sila Tita Steph sakin.. Sana nga makausap sila ni Tina..



***Flashback***



"Oh JP anong ginagawa mo dito?? May naiwan ka ba??" Takang tanong ni Tina pagkapasok ko ng bahay nila..



"Tina sinabi ko na kay Sophie.." Pag-amin ko sa kaniya.. (ಠ_ಠ) Napakunot noo naman siya sa sinabi ko at pina-upo ako sa sofa nila..



"Ha? Anong sinabi mo kay Sophie??"



"Sinabi ko na itigil na namin yung pagpapanggap namin.. " (⊙o⊙) Nanlaki yung mata niya nung sabihin ko yun..



'Kung alam mo lang Tina.. Kung alam mo lang kung bakit nahihirapan ako ng ganito..' sabi ko sa sarili ko at tumingin sa kaniya..



Hindi ko alam kung paano nangyari na magkagusto ako kay Tina.. Pero hindi ko na talaga kaya pang magpanggap sa pamilya ni Sophie, siguro dahil na rin magpinsan sila ni Tina kaya nakapagdesisyon na ako na itigil na namin ang pagpapanggap.. 



"Akala ko matatanggap agad ni Sophie kaya lang nabigla ako sa naging reaksyon niya kanina kaya namomroblema ako ngayon.." Tuloy ko sa sinasabi ko kanina at yumuko..

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon