Chapter 29

33 3 0
                                    

Tina's POV



"I'm Sorry.. This is all my fault, kung hindi ako nakipagkita sayo dito hindi ka sana nakulong dito.. I'm sorry.."  Napatingin ako sa kaniya..



"You don't have to be sorry, walang may kasalanan okay.." Sabi ko at nayuko nalang..



Napaderetso ako ng upo ng maalala ko yung cellphone ko kaya nilabas ko ito .. 📴 "Arrrggghh.. Ngayon ka pa nag-battery empty kung kelan kita kailangan.. (ಠ_ಠ) " Sabi ko at padabog na binalik sa bag ko.. "Ikaw ba wala ka bang cellphone jan.. " Tanong ko sa kaniya pero napansin ko wala siyang dalang bag..



"Wala naiwan ko sa Faculty, iniwan ko kasi doon pagkatext ko sayo.." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya ..



"So makukulong tayo dito.. (ಠ﹏ಠ) My Gaaahhd minsan pa naman hindi nagpupunta dito yung guard dahil dulo na ito.. tapos sabado pa bukas konti lang ang may pasok na estudyante dito pag sabado.. Ano ng gagawin natin.." Nanlulumong sabi ko at padabog na sumandal..



"Don't worry may maghahanap naman sa atin kaya siguradong makakalabas din agad tayo.." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya..



Natahimik kami at walang nangahas na magsalita.. After ng paghihiwalay namin ito na ata ang pinakamatagal na nagsama kami sa iisang lugar.. Nagkakasama nga kami sa room pag nagkaklase pero ngayon palang ulit na kami lang dalawa..



"Tina kaya kita pinapunta dito dahil gusto kong ipaliwanag kung ano yung totoong nangyari.." Huminto siya saglit siguro tinitignan niya kung pipigilan ko siyang magsalita pero hindi ko na rin ginawa dahil wala rin naman akong magagawa kasi nakakulong kami dito at nakakapanghina rin yung pagsigaw at paghampas sa pintuan kanina kaya hinayaan ko nalang siya.. "Nung gabi bago mo kami nakita ni Sandra kinabukasan sa kwarto ko, nagpunta siya sakin dahil magpapatulong daw siya sa thesis niya.. Nung una nagtaka ako kung paano niya nalaman yung condo unit ko pero ang sabi niya tinanong niya daw sa isa kong barkada kaya wala na akong nagawa kung di ang tulungan na siya.. Nung nagprisinta siyang gumawa ng makakain namin hinayaan ko na siya at nagpatuloy sa pag babasa nung thesis niya.. Nung makainom ako nung gawa niyang juice ilang minuto lang nakaramdam na ako ng antok at di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.. Nagising ako nung nakarinig ako ng may nabasag at iyon nga nakita na kita sa pinto ng kwarto ko at nagulat din ako sa itsura namin ni Sandra noon.." 



"So sinasabi mo ba na nilagyan ni Sandra ng pampatulog yung iinumin mong juice??" Tumango siya sa sinabi ko at nagsalita ulit..



"Kaya ko nalaman yung ginawa niya kinompronta ko siya.. Ilang linggo ko din siyang pinilit paaminin sa totoong nangyari.. Naging miserable din ako nun Tina, dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sayo.. Ilang linggo akong wala sa sarili ko na halos napabayaan ko na rin ang pag-aaral ko.. Nagpupunta ako sa inyo pero pinagbabawalan ako ng Daddy mo kahit sa gate ng subdivision niyo pina-banned nila ako para hindi ako makapasok.. Kahit dito sa School ayaw akong papasukin kahit kilala ang Daddy ko na may shares din sa school na ito.."

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon