Chapter 25.2

20 4 0
                                    

Sophie's POV



"Please Tommy wag ngayon.. Bukas nalang tayo mag-usap.. (ಠ_ಠ) " Pumasok na ako ng gate nila Tina.. Narinig ko namang sumunod sa akin si Tom pero hindi ko nalang pinansin at nagmadaling pumasok sa loob..



Sinalubong kami ni Ate Lesly isa sa kasambahay nila Tina.. "Ate Les si Tina po??"



"Nasa living room po sila.."



"Salamat po.." Nagtuloy na ko papasok, pero nung bahagya ko ng nabuksan yung pinto napahinto ako dahil nakita ko si Pierre na hinalikan si Tina sa noo habang nakapikit ito.. (⊙_⊙)? Hindi ako makagalaw, ewan pero halo halo na yung naramdaman ko kaba, takot at selos.. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko..



"Sophie tara na i-uuwi na kita.." Bulong sa akin ni Tommy at hinawakan niya ako sa braso pero inalis ko iyon at binuksan ko na ng tuluyan yung pintuan...



Nakita kong dumilat si Tina at nagtitigan pa sila dahil sa inis ko pinutol ko na yung pagtititigan nila.. "Eheem.. What are you doin' Pierre .. Tina???" Nakita ko namang nagulat sila, bigla namang umalis sa tabi ni Tina si Pierre at tumayo ng maayos.. Si Tina naman napa-upo at napatingin sakin...



"A-Ahh..eh.. Nakatulog pala ako.." Sabi niya habang nagkakamot ng batok (_ _)>.. Napakunot naman noo ko at napatingin kay Pierre..



"G-Ginising ko lang si Tina.." Tumingin siya kay Tina.. "Diba Tina??"..



"H-Ha Ahhmm.. Oo ginising niya ako.." Sabi ni Tina..



'Paghalik na pala sa noo ang bagong panggising ngayon..' Inis na sabi ko sa isip ko..



"Kamusta gawa niyo may natapos ba kayo??" Iniba ko na yung usapan dahil ayoko ng makarinig ng mga kasinungalingan nila.. 



'Bakit ba kailangan pang magsinungaling??? Arrrrggghhh.. Kainis.. (ಠ﹏ಠ) '



"Medyo marami na rin kaming nagawa.. At marami ding nasayang na papel dahil paulit ulit kami.. hehehehe.." Natawa pa siya sa sinabi niya.. Hindi ko na siya pinansin at kinausap ko na si Pierre..



"Pierre sabi ni Mommy dun ka na daw magdinner sa bahay.." Hindi siya kumilos kaya hinawakan ko na siya sa kamay.. "Nakikinig ka ba Pierre??" Nagitla siya at napatingin sakin..

Perfect Girl with a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon