Lost
Maganda ang panahon ng araw na iyon, alas singko y medya palang kasi ng umaga'y sumisilip na ang inang araw sa silangan. Hindi malubay-lubayan ng kanyang mga mata ang napakagandang bukang liwayway kayat hindi mapuknat ang ngiting tinungo nya ang sampayan at kinuha mula roon ang jacket n'yang pambukid at dinampot ang gamit n'yang salakot sa beranda. Paglabas nya ng bakuran ay salto namang parating na sina Nana Ester at Tata Selmo, sa likod ng mag-asawa ay ang nakangiting si Archer. Lalo pang lumawak ang ngiti ng binata ng magtagpo ang kanilang mga mata.
"Magandang umaga sa iyo Ynah." Masayang bati ng mag -asawa.
"Magandang umaga rin sa inyo ho Tata, Nana." Balik bati n'ya sa mga ito. Parehong ngumiti ang mag-asawa at nauna na sa paglalakad.
"Magandang umaga." Archer smiled, sweetly as usual. Tinanguan na lamang n'ya ang pagbati ni Archer at sumunod na kina Nana Ester. Naririnig nya ang pag-uusap ng dalawang matanda ngunit nanatiling nakadikit ang mga mata nya sa papasikat na araw. She will never get tired admiring the beauty of the sun. Napakagandang pagmasdan ang nagha-halong kulay dilaw at kahel na kalangitan sanhi ng bukang liwayway.
"Ynah, saan ka ngayon?" Tanong ni Archer sa kanyang likuran.
"Sa tubuhan." Sagot n'ya ng hindi linilingon ang binata.
"Doon din ako, sila Tata Selmo papuntang manggahan para tumulong sa pamimitas."
Ani nito sa kanyang likuran na tinanguan n'ya lang."Hindi ba'y kagabi pa binuksan ang patubig sa mga tubo?" Nagtatakang tanong ni Nana Ester.
"Ako ko ho ang nagbukas ng mga makina kagabi Nana."
"Kung gano'n pala'y bakit ang aga mong lumabas ngayon kung puyat ka kagabi?" Muling tanong ng matanda kay Archer.
"Ayos lang ho Nana, huling patubig na rin naman ito sa susunod na linggo ay aanihin na rin naman iyong mga tubo." Nakita n'ya ang pagtango ni Nana Ester sa sinabi ni Archer. Maagap s'yang tumigil sa paglalakad ng tumigil si Nana Ester na s'yang nasa harapan n'ya. Agad kumunot ang noo nya sa pagtigil ng matanda, magtatanong sana s'ya kung may problema ba ngunit naunahan na s'ya ng matanda.
"Mauna na kami sa inyo at medyo malayo-layo pa ang manggahan at ikaw, Ynah h'wag kang masyadong sumuot sa tubuhan at nakakasugat ang dahon." Tipid s'yang tumango sa bilin ng matanda, ang totoo'y araw araw naman s'yang binibilin ni Nana Ester, walang anak ang mag-asawang Selmo at Ester kayat ganoon na lamang siguro ang pag-aalala ng mga ito sa kanila.
"Oh s'ya lumakad na kayo!" Ani nito at tinalikuran na sila, nagpakawala muna s'ya ng buntong hininga at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Dama nya ang presensya ni Archer sa kanyang likuran, binalot sila ng katahimikan kaya tanging ang huni na lamang ng mga ibon at ang mabining ihip ng hangin ang naririnig n'ya sa paligid.
A small smile crept on her lips, how peaceful, it's so peaceful to live in a place like Hacienda Montemayor. It has nothing just nature, just the wide plantation, the fresh serene air, the birds chirping, the mountains and lakes. Hindi ba napakaganda?
Sa malayo palang ay natatanaw na nya ang ilang magsasaka sa tubuhan, abala na kanya kanya nilang mga trabaho.
"Kayo pala Ynah, Archer!" Agad na puna ng isang Mang Tacio nang makarating sila sa tubuhan. Hindi na n'ya nakuhang sagutin pa si Mang Tacio dahil agad na naagaw ng mga sako ng pataba ang atensyon n'ya. Nagtatanong ang mga matang binalingan n'ya si Mang Tacio at kaagad na nakuha nito ang ibig n'yang sabihin.
"Hindi ho ba'y aanihin na sa susunod linggo itong mga tubo? Bakit ho naglalagay pa kayo ng pataba?" Kunot noong tanong n'ya sa magsasaka.
"Ah.... Eh.... Nagpunta rito si Señor kanina at tsinek ang mga tubo kung p'wede na bang anihin, eh mukhang hindi pa kontento sa mga tubo kaya ito maglalagay ulit tayo ng abono, kaya baka sa susunod na buwan pa ma-ani itong mga tubo. Nagulat nga kami rito kanina ang akala kasi namin ay nasa Sta. Vista pa si Señor." Mahinang natawa at nailing si Mang Tacio.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-Señor
RomanceHot Politicians Series 4 Touch me, Kapitan-Señor Wearing a white long sleeves and tattered jeans paired with a high-cut brown boots, his hair danced with wind as he rode his horse expertly like a professional cowboy. Warning every woman's heart wit...