14

663 11 5
                                    

It's a yes



                   Pauwi na s'ya galing sa grocery nang mamataan n'yang bukas ang bahay nila aling Carlota. Nakauwi na sila? Aniya sa kanyang isipan.

"Ate Ynah!" Kinawayan s'ya ni Totoy ang panganay na anak ni aling Carlot, hindi s'ya makakaway dala ng may bitbit s'ya kaya nginitian na lang n'ya ang binatilyo. Saktong lumabas din ng bahay si aling Carlot.

"Ynah, naku mas lalo kang gumaganda!" Mahina s'yang natawa sa sinabi ng ginang.

"Nakauwi na ho pala kayo?" Sabi na lamang n'ya.

"Oo kaninang alas tres, saan ka ba nagpunta gumagabi na a?" Tanong ng ginang.

"Galing ho akong grocery!" May kalakasan ang boses nilang nag-uusap dahil hindi na s'ya nag abala pang lumapit sa bahay at nanatiling s'yang nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Oh e bakit ka naglalakad ate?" Si Totoy na nakatingin sa mga bitbit n'yang plastic bag.

"Nagpababa ako ro'n sa labasan dahil gusto kong maglakad, wala naman ng araw." Paliwanag n'ya.

"Oh sige umuwi kana at baka abutan ka ng dilim!" Si aling Carlot na sinenyasan pa s'yang umalis na.

"Sige ho!" Paalam n'ya pero hindi pa man s'ya nakakaalis ay muli s'yang tinawag ng ginang.

"Ynah! Sandali, kunin mo pala itong kalamay at pulot, galing iyan sa probinsya. Sige na kunin mo na, h'wag ka na namang tumanggi!" Natawa s'ya sa huling sinabi ng aling Carlot. Alam kasi nitong nahihiya s'yang tumanggap ng mga binibigay nila sa kanya, kung s'ya ang magbibigay oo, pero kung s'ya ang binibigyan ewan ba n'ya pero may kaonting hiya pa rin s'ya.

"Hindi ko na ho yata matatanggihan 'yan." Aniya.

"Ihatid na kaya kita ate Ynah." Lumapit sa kanya si Totoy para ibigay ang kalamay at pulot.

"H'wag na magpahinga nalang kayo, nga po pala balik trabaho na ho ba kayo sa mansyon bukas?" Sila nga pala yung pansamantalang hinalilihan n'ya noon. Ang bilis talaga ng panahon, tatlong buwan na pala ang nakalipas mula no'n. Three months and his 101 days is up. She smiled bitterly. Naalala tuloy n'ya yung nangyari kaninang umaga.

What the h*ll is she thinking that time that she unknowingly rejected him. At matapos ang usapan na iyon ay hindi a s'ya pinag-imikan ni Tristan. Did she–

"Oo, inutusan ko kanina si Ben na magpunta ro'n sa mansyon para bigyan din ng kamalay at pulot si señor at sabihin na ring babalik na kami sa pagtratrabaho sa mansyon, wala naman daw problema."

"Kung gano'n ay babalik na rin ako sa trabaho sa bukid." Sagot n'ya. "Sige ho mauuna na po ako." Tinanguan s'ya ng ginang at nagsimula na rin s'yang maglakad pauwi. Bukas ay balik na sa normal ang lahat. Nariyan na sila aling Carlota na temporaryong hinalilihan n'ya sa mansyon. Nakakatawa lang dahil nung una ay ayaw n'yang magtrabaho do'n bakit ngayon ay parang ayaw na n'yang umalis do'n.

Umiling s'ya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Pagdating n'ya sa bahay ay agad n'yang inayos ang mga pinamili n'ya. Pagkatapos ay pumasok s'ya sa k'warto para maligo.

Alas syete na ng gabi nang lumabas s'ya at tinungo ang ref. Binuksan n'ya ang isang pack ng canned beer at kumuha s'ya ng isa. Alam n'yang hindi naman s'ya matutulungan ng alak sa mga iniisip n'ya pero for some reason alcohol can calm her mind. Hindi rin naman s'ya sobra kung uminom, umiinom lang s'ya kapag gusto n'yang mag muni-muni o 'di kaya nama'y payapain ang kanyang isipan. The ataraxia she always long.

Lumabas s'yang bitbit ang malamig na alak. Ngumiti s'ya ng salubungin s'ya ng malamig na pang gabing hangin. Umupo s'ya sa pasimano ng beranda at tingala ang langit, mukhang uulan na naman mamaya dahil balot na naman ng ulap ang langit.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon