16

496 7 1
                                    

Boyfriend





"Umuwi ka! Kapag sinabi kong umuwi ka, uuwi ka! Nung bagong taon ka pa huling umuwi! Sabihin mo nga! May tinatago ka ba sa 'min at ayaw mo ng umuwi! Nakalimutan mo na bang may pamilya ka! Umuwi ka, kailangan ka namin dito!" Kinagat n'ya ang pangibabang labi upang pigilan ang sariling matawa sa sermon ng kanyang mama.

"Umuwi ka at kailangan ka namin dito, sinasabi ko sa'yo Ynah! Huwag kang ngumiti-ngiti diyan, seryoso ako!" Tumango-tango s'ya habang nakatutok ang mukha n'ya sa screen ng cellphone. Ayun, at mag-iisang oras na yata s'ya nitong sinesermonan. Nakikinig naman s'ya, dahil totoo naman ang sinasabi ng mama n'ya, p'wera nalang sa "kailangan daw s'ya ro'n" alam naman nya ang dahilan kung bakit "kailangan daw s'ya ro'n".

"Ma.... alam ko naman kung bakit kailangan n'yo ako diyan e!" Aniya at diniian ang salitang"kailangan".

"Talagang kailangan kita dito!"

"Kailangan n'yo lang naman ang boto ko!" Diretsong sagot n'ya.

"Aba ay dapat lang, sayang din ang boto mo, kailangan nating suportahan kapitan Inggo." Biglang lumamanay ang boses ng nanay n'ya.
See! See! Sabi na nga ba e.

"Dalawang taon ka ng hindi bumuboto, ngayon, umuwi ka at kailangan mong bumoto sa ayaw at sa gusto mo!" Bumuntong hininga s'ya at wala na s'yang nagawa kung 'di tumango.

"Oo na, oo na. Uuwi ako bago mag eleksyon." Pagsang-ayon n'ya sa kagustuhan ng kanyang Ina.

"Ynah!" Mula sa selpon ay binalingan n'ya ng tingin ang tumawag sa kanya. Si Archer na may dala-dala bungkos ng mangga.

Walang ano-anong nilapitan s'ya nito sa balkonahe ng bahay kung saan s'ya naka-upo habang kinakausap ang kanyang mama.

"Mangga. May alamang ka diyan?" Mabilis pa sa alas k'wartong inirapan n'ya si Archer.

"Para sa 'kin ba 'yan o dinala mo lang dito dahil wala kang sawsawan tapos ikaw rin naman ang kakain?" Aniya na ikinatawa ng binata.

Napansin ni Archer ang ka video call n'ya sa cellphone kaya pumuwesto ito sa likuran n'ya. Archer smiled when he saw her mom in the phone so as her mom.

"Tita! Kumusta po!" Bati ni Archer sa kanyang mama.

"Maayos, maayos! Mas lalo ka yatang gumagwapo?!" Naniningkit ang mga matang sagot ng mama n'ya. She rolled her eyes again. She can't believe her mother said that. Natawa si Archer sa sinabi ng mama n'ya.

"S'yempre naman po! Nasa dugo kasi namin ang pagiging g'wapo! Hahaha!" Nagtawanan pa ang dalawa na ikinasimangot n'ya.

"Umalis kana nga, Archer!" Inis na asik n'ya kay Archer dahil puro lang naman pambobola ang pinag-uusapan nila ng kanyang mama.

"Tita oh! Pinapaalis ako."

"Ynah! Bakit mo naman pinapaalis si Archer, maganda nga iyang nand'yan s'ya para may kasama ka! Hindi ba, Archer?" Puno ng malisyang saad ng kanyang ina. For the third time she rolled her eyes. Matagal na n'yang alam ang ibig sabihin ng mga gano'ng banat ng kanyang mama. Jusko!

"May alamang ka?" Tanong ulit ni Archer.

"Wala. Bakit ba kasi hindi ka magluto ng sa'yo?"

"Mas masarap yung luto mo e!" Balik ni Archer.

"Tama, tama! Masarap talagang magluto 'yang si Ynah, Archer!" Naihilamos n'ya ang kanyang kamay sa mukha n'ya sa kanyang narinig.

Kilala ng kanyang ina si Archer, hindi iyon ang unang pagkakataong nagka-usap ang dalawa. Her mother is a tease. Alam nitong wala pa s'yang boyfriend at kinukumbensi s'yang okay naman daw si Archer. Okay lang daw sa kanya kung magkakatuluyan sila ni Archer at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang mama n'ya kahit na ilang ulit na n'yang sinabing magkaibigan lang talaga ni Archer.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon