Let go
It's the first day of his one hundred one days.
She can't help but to sigh. Malungkot ang mga matang pinagmamasdan n'ya ang mahinang buhos ng ulan mula sa balkonahe ng mansion. Sana'y katulad lang s'ya ng mga ulap na sa tuwing mabigat na ang dinadala'y papakawalan na lamang 'yon at bubuhos na ang ulan. Pero hindi, hindi s'ya katulad ng mga ulap, dahil kahit gaano na kabigat ang dinadala n'ya'y hindi n'ya 'yon mapaka-pakawalan. Nananatili ang bigat sa kanyang dibdib na para bang unti-unti s'yang nilalason.
She sighed again, napagpasyahan n'yang pumasok nalang sa loob dahil kung magtatagal pa s'ya ro'n ay mas lalo lang s'yang malulunod sa malalim na pag-iisip.
At mas lalo lang s'yang malulungkot dahil wala s'ya sa bukid. Siguro'y tuwang-tuwa na si Natalia sa pamimitas ng strawberry sa mga oras na iyon, sayang nga lang at hindi s'ya makakapunta.
Pabalik na s'ya sa loob ng marinig n'ya ang pamilyar na boses ng matanda sa sala.
"Aba ay sana mag kapote ka man lang kung pupunta ka sa bukid dahil umaambon na baka mamaya'y lumakas na ang ulan." Pamilyar na boses ni Nay Linda mula sala na pagpatigil sa kanya sa pintuan.
"Mamaya na po, dala ko naman ho yung kapote." Mabilis na sumimangot s'ya ng marinig ang boses ng binata. Pupunta ito ng bukid? Paano naman s'ya? Kumapit s'ya sa hamba ng pintuan at sumilip sa loob. Nakikita n'ya ang matanda pero hindi n'ya makita ang binatang señor.
"Oh s'ya mag-ingat ro'n!" Bilin ni Nay Linda. Humugot s'ya ng malalim na hininga at tiningnang muli ang langit. Kung p'wede lang sanang hindi magpunta ng mansion at magpunta nalang sa bukid ay ginawa na n'ya.
Isa pang buntong hininga ang pinakawalan n'ya bago muli ibinalik ang tingin sa loob at nanlaki ang mga mata n'ya sa bumungad sa kanya.....
"What are you doing there?" Ramdam n'ya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi, there Tristan biting his lower lip to restrain himself from smiling. She immediately stood back and averted his gaze.
"Wala." She shook her head.
"Ow? Owkay." He nodded. Hindi n'ya alam kung pinaglalaruan lamang s'ya ng kanyang mga mata pero nakita n'ya ang pagtaas ng sulok ng labi ng binata. Patay malisya n'yang tumingin sa madilim na langit para iwasan ang mga mata nito pero ang totoo ay sinusundan n'ya ang bawat galaw nito.
Gusto sana n'yang sigawan ang binata ng basta na lang nito sinuong ang ulan, ambon lang naman pero ulan pa rin 'yon.
Ilang saglit pa'y natanaw na n'ya ang binata kasama ang itim nitong kabayo. Hindi n'ya mapigilan ang sariling purihin ang kakisigan ng binata, napakasimple pero bakit napakagwa- simpleng puting t-shirt na pinatungan ng itim na jacket, pantalon at itim na high-cut boots. May lahi ba s'yang pulis? Coz he looks like a police man undercover with that outfit. A handsome police man. Kung sana lang ay ganoon kag'wapo lahat ng pulis ay matagal na s'yang kriminal eh, ang kaso ang pulis ngayo'y hindi naman pandesal ang nasa tiyan kundi pakwan.
She silently watched him as he ready his horse,
"Earth to you Ms. Estandian." Their eyes met because of that. She violently gulped when she felt her heartbeat raised.
"You okay? You're spacing out." He said. She just sighed and shook her head. Napaatras s'ya dahil sa paglapit ng binata ay lumapit din ang hawak nitong kabayo. The horse is just so tall.
Sumimangot s'ya ng marinig ang mahinang pagtawa ng binata dahil sa ginawa n'ya.
"Don't worry Hell's good." He assured.
Hell?"Hell?" She asked confuse.
"Uhuh, Hell..... Hellion." Hellion? Hellion ang pangalan ng kabayo? Saan naman nito nakuha 'yon? She smiled, what a handsome name. His cat's name too is cute, Leon.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-Señor
RomansaHot Politicians Series 4 Touch me, Kapitan-Señor Wearing a white long sleeves and tattered jeans paired with a high-cut brown boots, his hair danced with wind as he rode his horse expertly like a professional cowboy. Warning every woman's heart wit...