4

901 17 7
                                    

Happy happy birthday! To our very own Ynah Lei! Istupidest101 Ituloy mo lang ang pagiging mabuting tao, kung masama ka magbago kana. God bless you! I really don't know you, pero hindi ko talaga nakakalimutan yung mga reader kong tulad mo haha.

At maligayang araw ng kalayaan sa ating lahat, lalo na sa mga pinalaya, pinapalaya at sa mga papalayain pa lang! God bless us all!












Touch








"Staring is rude Señorita."

"Ha?" She said unconsciously.

"Halikan kita?"

"Ha?!" The only word she managed to utter after coming back from her reverie. Wala s'yang naintindihan sa mga sinabi ng binata. What the h*ll just happened?! Did she just got lost in his eyes? Ano bang mayro'n sa mga mata nito at tila ba nawawala s'ya sa huwisyo sa tuwing magtatagpo ang mga mata nilang dalawa.

Naguguluhang tiningnan n'ya ang binata. Wala sa sariling kinagat n'ya ang kanyang pangibabang labi dahil sa hiya. Ano ba kasi ang nangyari sa kanya at ni isa sa mga sinabi ng nito ay wala s'yang naintindihan man lang. Unang araw pa lamang n'ya sa mansion at sunod sunod na kahihiyan na ang napala n'ya roon, paano pa kaya sa mga susunod na araw.

"Ayaw mo bang ibigay sa 'kin 'yang kape? Malamig na iyan." Ani nito sa matigas na tagalog. Mabilis na ibinaling n'ya ang kanyang tingin sa hawak n'yang kape.

Nagdalawang isip pa s'ya kung lalapit ba s'ya para ibigay ang kape dahil naalala n'ya ang nangyari kanina sa kusina. Hindi naman sinasadya iyon, hindi naman nito alam ang bagay na iyon, pero may kaonting takot pa rin sa dibdib n'ya. Paano kung- Mabilis na iniwaglit n'ya ang ideyang iyon at wala ng nagawa kundi ihakbang ang mga paa n'ya at naglakad palapit sa table ng binata, puno ng ingat na inilapag n'ya ang umuusok na kape sa mesa. Marami kasi ang patong-patong na papel roon.

Mabilis na binitawan n'ya ang kape nang makita ang kamay ng binata para kunin sana sa kanya ang tasa, ngunit natigil sa ere ang kamay nito nang mapansin nito ang ginawa n'yang pag-iwas. Nagtama ang mga mata nila at nakita n'ya ang saglit na pagdaan ng kaguluhan sa mga mata nito pero agad din iyong nawala. Para bang itinatago nito ang katanungan sa isip nito o baka sadyang wala lang itong pakielam.

"Thanks." He said with his usual tone. Tumango s'ya kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya kundi sa laptop nito. Tahimik na humugot s'ya ng malalim na hininga at pinanood ang binatang tinanggal ang salamin nito bago sumimsim sa kape. Inilapag nito ang eye glasses sa mesa at tila pagod na pagod na hinilot ng binata ang sarili nitong sentido. Sumandal ito sa swivel chair at ipinikit ang mga mata habang hinihilot pa rin ang sariling sentido.

Nanatili s'yang tahimik na nakatayo roon hindi alam kung ano ang gagawin. Bumuka ang bibig n'ya pero walang salitang lumalabas mula roon gusto sana n'yang tanungin kung ano ba talaga ang trabaho n'ya ro'n o kung may iuutos pa ba ito.

Inipon n'ya ang lahat ng lakas ng loob n'ya para magsalita sana ngunit natigilan s'ya ng bigla itong magmulat ng mga mata.

"Anything?" He asked.

"Ahm.... May iu-utos pa ho ba kayo at s-sabi kasi ni Nay Linda i-itanong ko raw sa inyo kung ano ang magiging trabaho ko d-dito." Kinagat n'ya ang pangibabang labi n'ya at lihim na kinastigo ang sarili. At kailan ka pa nautal na parang bata sa pagsasalita Ynah?! Her eyes fell on the tiled floor when he just stared at her after asking and that made her really uncomfortable. What the h*ll is staring at again. Kahit hindi s'ya mag-angat ng tingin ay damang-dama n'ya pa rin ang init ng titig ng batang señor.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon