2

1.3K 29 7
                                    

Her





                      "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Archer sabay abot sa kanya ng basong may lamang tubig. She took a deep breath and nodded. Matapos silang iwan nalang basta nung lalaking may kulay kapeng mga mata ay agad s'yang iginiya ng binata pabalik sa tubuhan at pinalilim sa silong ng punong mangga. Ilang minuto na sila roon, tahimik lang n'yang pinapanood ang binatang paroo't parito at bakas ang pag-aalala sa mukha. Thankfully he didn't ask what really happened.
                     
"H'wag nalang tayong pumunta sa mansion, ihahatid nalang kita pabalik para makapagpahinga ka." Saad nito at kaagad n'yang tinutulan.

"Hinihintay nila tayo roon Archer." Ani n'ya. Hinihintay sila nila Aleng Maring at iba pang magsasaka sa kalsada nakakahiya naman kung paghihintayin nila ang mga ito ng matagal, ano pa kaya kung hindi sila pupunta hindi ba? Isa pa hindi naman pupunta yung lalaking may kulay kapeng mga mata sa mansion hindi ba. Sana naman ay h'wag ng magkrus ang landas nila. Hindi n'ya alam kung ano ang mayroon sa mga mata nito at hindi kaya ang intensidad ng mga iyon.

"Ynah–"

"Ayos lang Archer, tara na." Agad na putol n'ya sa sasabihin nito. Alam n'yang nag-aalala ito at siguradong tutulan lamang ni Archer ang sinabi n'ya kaya tumayo na s'ya mula sa pagkakaupo sa bangkong gawa sa kawayan at nauna na ng naglakad.

"Ayos lang ba talaga Ynah? Kung pinipilit mo naman 'yang sarili ang mabuti pa'y ihatid nalang kita." Asik nito sa kanyang likuran. Humugot s'ya ng malalim na hininga at pinigilan ang sariling sagutin ang sinabi nito. Is she that weak? Gano'n na ba talaga kahina ang tingin ng binata sa kanya? But she is not, she is not as weak as he think. Dahil kung talagang mahina s'ya ay siguradong wala na s'ya sa kinatatayuan n'ya ngayon, kung talagang gano'n s'ya kahina tulad ng ina-akala nito'y malamang pa sa malamang ay wala na s'ya sa mundo.

"Ynah," May bahid ng pagsusumamong tawag ni Archer.

"Ayos lang hm." Ulit n'ya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nya ng marinig ang pagbubuntong hininga ni binata tanda ng pagsuko nito. Napailing na lamang s'ya dahil kahit napakaliit na bagay lang ay pinagtatalunan nila lalo na kung pagdating sa kanya. He's over protective at isa iyon sa ayaw n'ya kay Archer dahil..... ayaw nyang bigyan ng ibang kaguluhan ngunit kahit wala lang iyon para sa kanya may masasabi at masasabi pa rin ang iba. Hindi s'ya t"nga para hindi maintindihan ang ganoong kilos ng binata pero sana, sana lang ay mali ang iniisip n'ya dahil......  mabilis na iwinawaglit nya ang ideyang iyon ng matanaw na nya ang kalsada. Dalawang kuliglig ang nando'n lulan ang mga magsasaka. Mukhang sila na lang ang hinihintay kaya mas binilisan pa nya ang paglalakad.

"Ynah! Bakit ang tagal n'yo!" Sigaw ni Natalia hindi pa man sila tuluyang nakakalapit.

"Ito talagang si Natalia nang-uusisa na naman, h'wag kana ngang magtanong, akala mo ba'y madali ang magpatay ng makina? Ilang makina ba ang naroon? Kayong dalawa sumakay na kayo! Aba, nakakahiya namang paghintayin si Señor." Asik ni Mang Tacio na singayunan naman ng lahat, p'wera nalang kay na Natalia na bumusangot dahil sa ginawa ng kanyang tatay.

"Nagtatanong lang naman eh, bawal na bang magtanong ngayon? Halika na nga rito Ynah sa tabi ko, mas maluwag dito." Pabalang na asik ni Natalia na ikinatawa ng ilang magsasaka. Makahulugang tinanguan n'ya si Archer bago sumampa ng kuliglig at umupo sa tabi ni Natalia, tipid na tinanguan nya si Nana Ester na nakaupo rin doon.

"Sus, nagseselos lang itong si Natalia! Haha!" Panggagatong ni Nario, isang binatang magsasaka. Literal na nanlaki ang mga mata ni Natalia sa narinig nito. Isang lihim na ngiti ang bumalatay sa kanyang mga labi nang halos umusok na ang ilong ni Natalia sa inis. Nagtawan ang lahat dahil napagtampulan na naman ng asaran ang dalaga.

"Bakit naman ako magseselos aber! Wala namang binatbat 'yan sa kag'wapuhan ni Señor eh!" Sagot ni Natalia, agad na umani ng kant'yaw si Archer sa sinabi ni Natalia.

Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-SeñorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon