"I'm sorry, I–" he immediately said as soon as he settled himself on the driver's seat, and she immediately gestured him to stop. "A'right calm down" said the back of her mind. Pinikit n'ya ang mga mata n'ya at huminga ng malalim. Hindi rin n'ya alam kung pa'no s'ya nakarating do'n ng hindi–
"Umalis na tayo, T-Tristan."
*Ehem *ehem *ehem
Narinig n'ya ang tila nasamid na ubo ng binata ngunit nanatili ang mga mata n'ya sa labas minamasid ang walang tigil na ulan. She forced herself to act like nothing happened.
"You've suffered enough it's time to live again."
"Do you trust me?" He asked.
"Let go."
His words suddenly popped up in her mind. Now, she come to realized that she did suffer enough, in these two years she's not actually healing but running, hiding, and denying that she's fine. She has been lying to herself all these years, and now, it's time to..... truly.... truly let go......
"Hm," nagtaka s'ya sa tissue'ng inilahad nito sa kanya.
"Wipe your tears." He said nearly whispering. Sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon ay ngumiti s'ya, isang ngiting umabot sa mga mata n'ya.
"Salamat."
"Hm." He bit his lower lip, na para bang pinipigilan nitong ang sariling ngumiti.
"Let's go."
***
Nagulat s'ya nang makarating sila sa mansion, lumabas s'ya ng sasakyan at agad na narinig n'ya tunog ng generator, hindi n'ya ininda ang malakas na ulan at ang pagsuway ng binata. Sa labas ng mansion ay tulong-tulong ang mga kalalakihang naglilinis ng daan ng tubig upang hindi iyon magbara at tuluyang pasukin ng tubig ang mansion, ang iba'y nagtatanggal ng mga natumbang puno. Nakita n'ya rin do'n si Mang Olen na tumutulong at sila Nario.
Tumakbo s'ya patungo sa pintuan at hindi na s'ya nagulat nang makitang konti nalang talaga ay papasok na ang tubig sa loob.
"H'wag kayong magtakbuhan."
"Mga bata! Baka magalit ang señor d'yan."
"Sana'y tumila na ang ulan."
"Bukas ang labas ng bagyo sa PAR, hindi ba?"
"Mabuti nalang talaga at mabait ang señor."
"Ano nalang kaya ang mangyayari sa atin kung hindi bukas ang mansion para sa atin."
"Sana bukas ay humupa na ang baha."
"Mag pa-init ho muna tayo rito! May kape ho sa kusina!" Si Natalia dala-dala ang isang tray ng hula n'ya ay sopas.
Hindi n'ya alam kung ano ang mararamdaman n'ya sa kanyang nakikita. Mahigit kumulang sampung pamilya, mga bata at matanda, ang iba'y may dala pang sanggol.
"Come on in, lady." Si Tristan na habang nakasukbit sa balikat nito ang itim n'yang bag.
"Nay! Nay Linda!"
"Narito!" Wala sa sariling sinundan n'ya ang binata papunta kay Nay Linda.
"May bakante pa po bang k'warto?"
"Ay naku, wala na...." Tumigil ang matanda ng mapansin s'ya sa likod ng binata ngunit agad din itong nagsalita.
"Wala ng bakante, kung ayos lang sa iyo ay doon ka nalang sa k'warto namin may bakante pang isang kama ro'n."
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-Señor
RomansaHot Politicians Series 4 Touch me, Kapitan-Señor Wearing a white long sleeves and tattered jeans paired with a high-cut brown boots, his hair danced with wind as he rode his horse expertly like a professional cowboy. Warning every woman's heart wit...