Kampanya
"Lahat sasama sa kampanya bukas ha!" Si Mang Olen nang maka-akyat lahat sa kalsada. Nagtanggal s'ya ng sombrero dahil wala naman ng araw, dumidilim na kasi nang matapos sila sa pag-aabono ng palay. Mula sa mga kasama n'ya ay binalikan n'ya ng tingin ang mga palay na sumisilip na ang bunga. Wala sa sariling ngumiti s'ya napakabilis namang lumipas ng araw. Kailan lang ay nagtatanim pa sila ngayon ay nagsisimula ng mamunga ang mga palay.
"Naku naman mang Olen! Hindi n'yo na ho kailangan ipaalala, alam mo namang full support kami sa'yo! Haha!" Si Nario na proud na proud na tinapik-tapik pa ang dibdib habang sinasabi 'yon.
"Kapag talaga hindi ko nakita 'yang pagmumukha mo bukas!" Asik ni Natalia na halatang naiinis na naman kay Nario.
"Maasahan mo! Sus gusto mo lang akong makita eh!" Pang-aasar ni Nario na ikinalukot ng mukha ni Natalia sa tabi n'ya.
"Ay walang gusto makakita sa mukha mo Nario buti naman kung kamukha mo si señor!" Si Natalia.
"Hindi ko kamukha si señor dahil magka-iba kami ng taglay na kagwapuhan!" Balik ulit ni Nario.
"Manahimik na nga kayong dalawa bakit hindi pa magsama!" Si mang Olen.
"Oo nga, baka kayo talaga ang para sa isa't-isa!" Si Archer na kadarating lang, kinindatan s'ya nito na ikinatawa n'ya.
"The more you hate, the more you love ika nga! Hahaha!" Panggagatong nila sa sinabi ni Archer.
"Ynah!" Pinalo ni Natalia ang balikat n'ya dahil natawa na rin s'ya sa pang-aasar ng mga magsasaka sa dalawa. Awtomatikong sinundan n'ya ng tingin ang balikat n'ya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na hinawakan s'ya ni Natalia, that's not also the first she had prove that like Four she doesn't react with her touch.
"Nakakainis!" Pag-aalburuto ni Natalia at inis na nauna na ito sa paglalakad.
"Malay n'yo kayo talaga ang magkatuluyan?! Hahaha!" They all laughed again. Naiiling na sinundan na lamang n'ya si Natalia.
"Tumigil ka na nga Archer!" Boses 'yon ni tata Selmo na hindi naman tunog seryoso. Umiling s'ya ulit at patakbong hinabol si Natalia.
"Talo ka na naman." Aniya sa kaibigan. Busangot ang mukhang binalingan s'ya nito.
"Hindi ah! Palaging nalang kasing kami ni Nario ang napagtutuunan ng asar!" Asik ni Natalia at umirap pa sa hangin.
"Baka kasi kayo nga talaga ang para sa isa't-isa." Walang halong pagbibirong aniya. Nanlaki ang mga mata ni Natalia sa sinabi n'ya, nahuli n'ya ang mabilis na pagdaan ng kislap sa mga mata ni Natalia at ang kaonting pamumula ng pisngi nito.
"A-Ano bang pinagsasabi mo!" Mahina s'yang natawa sa inasta ng kaibigan. Natalia sounds so defensive. Something's fishy huh?
"H'wag ako Ynah! Eh! Baka kasi kayo nga talaga ni Señor ang para sa isa't-isa! Haha!" She blushed. At ba't napunta sa kanya ang usapan! Ay naku jusko! Just hearing that made her blush a little.
"Ano?! Ano?! Hindi ka makasagot ngayon? 'Yan, 'yan ang napapala ng mga asar! Haha!"
"Natalia!" Suway n'ya rito, pero ang makulit na si Natalia pinagtawanan lamang s'ya at nang-aasar na tumakbo palayo.
Hinayaan na n'yang lumayo si Natalia dahil tumigil s'ya para hintayin ang iba.
"Nga pala, bakit wala si Señor?" Iyon agad ang narinig n'ya. Si Tristan? Alam n'ya kung nasaan ang binata pero wala s'yang balak sagutin ang tanong ni Mang Olen.
"Maghapon nga namang wala ang batang 'yon." Si aling Maring.
"Wala ba s'yang nabanggit sa inyo?" May ilang umiling at may ilang hindi kumibo. Katulad n'ya sa tahimik lang sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 4: Touch me, Kapitan-Señor
RomanceHot Politicians Series 4 Touch me, Kapitan-Señor Wearing a white long sleeves and tattered jeans paired with a high-cut brown boots, his hair danced with wind as he rode his horse expertly like a professional cowboy. Warning every woman's heart wit...