𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"M-mommy, bakit niyo po ako tinatago?" Natigil ako sa ginagawa ko ng magtanong ang anak ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
"B-baby—"
"Sabi niyo po m-mahal na mahal niyo ako, pero bakit niyo po ako tinatago?" humihikbing tanong niya, halatang pinipigilan niya ang pagluha.
"Anak-" pero hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli. At sa pagkakataong to ay hindi na niya napigilan ang paghagulgol habang nakatingin sa akin.
"'Di ba po pag love niyo ang isang tao, pinagmamalaki niyo dapat sa buong mundo? B-bakit ako tinatago mo?" she asked while tears streaming down her cheeks, I grabbed her ang hugged her tight.
"B-baby, I'm sorry, ginagawa lang naman 'to ni mommy para sa kaligtasan at sa ikakabuti mo. . . I'm sorry,"
Hindi siya tumahan mas lalo lang siyang umiyak nang umiyak.
"W-why? Why do you have to hide me? I don't understand, Mommy, please enlighten me!"
"A-anak, maiintindihan mo rin ako kapag malaki ka na, p-please," naiiyak ng sabi ko.
"Mommy, malaki na ako nine na ako, maiintindihan ko na ano man ang sasabihin mo. P-please, have mercy, Mommy, tell me I w-want to know." pagmamakaawa niya, parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko ang mukha niyang puno ng pagsusumamo.
Pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo, hindi pa ngayon.
Hindi ko pa kaya.
Nakatulogan na ng anak ko ang pag-iyak, dahan-dahan ko siyang pinahiga sa kama at kinumotan.
"Im sorry, baby, please forgive me," mahinang bulong ko. Hinalikan ko siya sa nuo bago ako lumabas ng kanyang kwarto.
"Angelie." Salubong na tawag sa akin ni Sister Gemma. "Aalis ka na ba?" tanong niya.
"Opo sister, nakatulog na po Ylaiza."
"Marami na siyang katanungan, Angelie, habang palaki siya nang palaki marami na siyang gustong malaman at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, naawa na ako sa bata ano ang balak mong gawin?"
Hindi ako nakasagot sa naging tanong ni sister Gemma dahil ako mismo ay hindi ko alam ang isasagot ko hindi ko alam ang gagawin ko.
"Pag-isipan mong mabuti, Angelie, hindi mo habangbuhay maitatago ang anak mo. Maghahanap at maghahanap siya ng ama, sa ngayon ay hindi ka pa niya napipilit tumugon sa mga tanong niya, paano kung isang araw wala ka ng ibang pagpipilian kundi sagutin ang mga katanungan niya, kaya sana hanggat maaga pa pag-isipan mong mabuti huwag mong hayaang lumayo ang loob ng anak mo sa 'yo." mahabang wika ni Sister Gemma.
Pinahid ko ang mga luhang kumawala sa mata ko habang nagsasalita siya.
Honestly I don't know what I'm going to do.
Sister Gemma tapped my shoulder before she turned her back at me.
Nanghihina akong napasandal sa pader.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎)
General FictionIsang gabi ng karupokan. Isang gabing pinagsaluhan nila ng isang lalaki na ang pangalan lang ang kanyang alam. Isang gabi ng pagsasalo ng init at tawag ng laman. Isang gabing agad na nagbunga. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon ay...