𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

11.1K 229 7
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Flashback. . .

"Holdap to 'wag kang gagalaw."
Habang naglakakad ako palabas sa iskinita ay hinarang ako ng apat na tao. Nakasuot sila ng mga itim na damit at may bonet din silang suot na tumatakip sa buong mukha nila. Ang mga boses nila ay halatang bata pa. Halatang may sipon pa ang mga 'to.

Imbes na kabahan ay nakaramdam ako ng inis. Dahil ngayon pa talaga nila naisipang harangin ako kung kailan sumasakit na ang tiyan ko! Gusto ko tuloy silang pagkukurutin.

Hintayin niyong makapanganak ako babalikan ko kayo at pagkukuritin mga lintik na mga batang 'to!

"H'wag niyo kong maharang-harang ngayong sumasakit na ang tiyan ko baka samain kayo sa akin," mariing sambit ko. Napapangiwi ako habang nagsasalita nanginginig na ang tuhod ko ang sakit-sakit ng balakang ko. Natukod ko ang aking isang kamay sa dingding at ang isang kamay ay nakahawak sa ilalim ng tiyan ko pakiramdam ko kasi ano mang oras ay malalaglag iyon.

"Hala! Manganganak na ata siya Baldo!" I heard one of the holdaper said.

"Ahh!" naminilipit sa sakit na sigaw ko.

"Ma'am, dalhin ka na po namin sa hospital!" ani ng isa inalalayan ako ng dalawa.

"Tumawag ka ng tulong, Badong!"

"Bruno, alalayan mo ng maayos baka matumba si Ma'am."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga sigawan nila.

Kani-kanina lang ay gusto nila akong holdapin ngunit ngayon ito sila at tinutulongan ako at inaalalayan palabas ng iskinita.

"Brunson, takbuhin mo na ang labasan at magtawag ka na ng taxi!" utos ng isa. Hindi ko na napagmasdan ang mga mukha nila dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan.

Nang makarating sa labasan ay may taxi ng naka-abang nakatayo ang isang binatilyo sa tapat ng nakabukas ng taxi. Nilingon ko ang mga umalalay sa akin lahat sila ay mga binatilyo wala ng takip ang mga mukha nila. Mababanaag sa mga mukha nila ang matinding pag-aalala.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon