𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

12.6K 259 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜




"Wait, Dyosa!" tawag ni Juan sa akin bago pa man ako makatapak sa unang baitang ng hagdan. Huminto ako nagpakawala ako ng buntong-hininga bago siya nilingon.

"I told you not to call me Dyosa." Seryosong  sabi ko.

Napakamot siya sa batok at bahagyang napangiwi. Nagtataka ko siyang tiningnan.

Bakit ganito siya kung umakto?

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.

"What do you want?" I asked binaliwala ko ang pagtataka ko sa inakto niya. Kailangan ko ng magmadali dahil kanina pa naghihintay si Drake at Ylaiza sa akin kailangan ko rin kasing daanan si Kristine.

"Where are you going?" he asked. Tumaas ang kilay ko. Bakit naging marami ata ang tanong ng lalaking 'to?

"Why are you asking?"

"Uuwi ka ba agad?" tanong niya binaliwala niya ang tanong ko.

My forehead furrowed.

"I don't know," Kahit nagugulohan sa inaakto ni Juan ay tinugon ko pa rin siya. "Pupuntahan ko si Drake." dagdag ko.

"Drake?"

"Yes."

"Your boyfriend?"

Kumunot lalo ang nuo ko sa tanong niya.

"He's my fiancee." tugon ko. "Why are you acting like this? Kilala mo si Drake."

"Makakalimutin kasi ako basta hindi importanteng tao, nakalimutan ko lang siguro."

Nagulat ako sa  naging tugon niya pero hindi ko iyon pinahalata. Nakaramdam ako ng kunting hapdi.

Kaya siguro nakalimutan niya rin ako noon. Dahil hindi ako importante. Sino ba naman ang magiging importante 'di ba? Kung nakilala mo lang sa isang bar at nakuha mo agad? Siguro iniisip niyang napakapakawala kong babae kaya agad akong bumukaka sa kanya noong gabing 'yon. Naikuyom ko ang kamao ko sa naisip. Binaling ko sa iba ang mukha ko dahil nararamdaman kong maiiyak na naman ako. Napaka-iyakin ko talaga sa tuwing naalala ko ang nakaraan.

"Kaya pala nakalimutan mo ako pagkatapos ng gabing 'yon." bulong ko. Nakaramdam ako ng hapdi may parang karayom na tumutusot-tusok sa puso ko.

"What?"

Naibalik ko ang atensyon ko sa kanya ng marinig ang tanong niya.

"Nothing . . . call me when mom needs me."

"I don't have your number." he said.

"You don't have?" nagtatakang tanong kamakailan lang ay tinawagan niya ako. Mas lalong nangunot ang nuo ko.

"Tinawagan mo ako noong nakaraan." kunot nuong sabi ko.

"I lost my phone." Mabilis na tugon niya.

"Okay, give me your  new phone." sabi ko inilahad ko sa harap niya ang kamay ko. Kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone niya at iniabot sa akin.

Binuksan ko iyon pero may pincode..

"Pincode mo?"

"42515191"

Inilagay ko ang pincode na sinabi niya. Pagkatapos at nagtungo ako sa phone inilagay ko ang numero ko. Ibinalik ko sa kanya ang phone.

"Angelie." sambit niya. Binasa niya ang nakalagay na pangalan sa numero ko, binasa niya iyon na para bang manghang-mangha siya sa pangalan ko. Napaka weird niya. Epekto ba 'to ng lagnat niya noong nakaraan?

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon