𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

10.3K 203 12
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Nakatulogan ko ang pag-iyak. Nagising ako umaga na at wala na si Juan sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo.

Siguro ay bumalik si Juan sa Hospital.

Pagkatapos maligo ay binalot ko ang buhok ng tuwalya at nagsuot ako ng Robe.

"Morning." Bahagya akong natigilan ng paglabas ko ay nakaabang na si Juan sa akin sa pintuan.

"Morning." Tugon ko. Inilahad niya ang kamay niya at inalalayan niya ako. Humakbang naman ako ng tuluyan palabas ng banyo.

Napatingala ako ng nasa harapan na niya ako. Napa-pikit ako ng halikan niya ang n𝐮o ko. Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang sunod na naramdaman ko ay ang paghalik niya sa magkabilang mata ko at sa pisngi ko, sa tuktok ng ilong ko at ang panghuli ay sa labi ko.

"I love you, langga." Bulong niya.

Niyakap niya ako at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon.

"Nagdala ako agahan mo," aniya kalaunan. Nilinga ko ang bedside table. Doon niya ipinatong ang tray na may lamang pancakes, milk and fruits.

"Thank you, magbibihis lang ako."

He nodded.

Tumungo na ako sa closet ko at naghanap ng masusuot.

Nang may makitang puting maternity Dress ay 'yon na ang sinuot ko. Wala pa akong masyadong maternity dress. Noong nakaraan ay nagpadeliver lang ako kay Ronalyn ng tatlo. Tatawagan ko siya later para magpadala ng mas marami pa. I also need new underwears. Tumataba at lumalaki na ang tiyan ko nasisikipan na ako sa panty ko. Makati na rin siya sa singit dahil maliit na nga. I don't worry na nagkalaman ako. Ganyan naman talaga ako kapag nagbubuntis pero after kong manganak bumabalik din naman sa dati ang katawan ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako bitbit ko ang towel at ang robe. Kinuha iyon ni Juan mula sa akin at siya na ang naglagay sa loob ng banyo. Naupo ako sa harapan ng vanity mirror at kinuha ang blower. Bubuksan ko na sana iyon ng kunin iyon ni Juan sa kamay ko.

"Let me do it for you, langga." Nakangiting aniya.

Pinagmasdan ko siya mula sa repleksyon niya sa salamin. Halata ang pamamaga ng mata niya. Halatang umiyak rin siya kagabi. He didn't mention about last night. It's a good thing dahil ayaw ko rin pag-usapan. Pareho lang kaming masasaktan.

"What?" nakangiting tanong niya sa akin ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

Pinatay niya ang blower at nakipagtitigan sa akin.

May gusto akong sabihin sa kanya. Ito 'yong mag salitang lagi niyang sinasabi sa akin no'ng nakaraan.

"Gihigugma sad teka, Juan Luis." Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasambit ko.

No'ng nakaraan ko pa tiningnan sa google ang mga ibig sabihin ng mga sinabi ni Juan. Sa kagustohan kong malaman at maintindihan ang mga sinabi niya sa akin ay napa-search ako sa google. Nang malaman ang translation ng mga sinabi niya ay hindi na magka-mayaw ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nakita ko paano umawang ang bibig ni Juan at ang unti-unting panlalaki ng mata nito.

"H-huh?" Utal na tanong nito. Namula ang mukha niya pababa sa leeg niya. He look so speechless.

"Gihigugma sad teka, Langga." Ulit ko sa sinabi ko pero sa pagkakataong ito ay hindi na Juan ang idinugtong ko kundi langga ang endearment niya sa akin.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon