𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘

10.4K 233 9
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Felip, hindi mo sasabihin kay Kristine kung sino ka talaga, okay? Ang sasabihin mo lang ay iyong mga itinuro ni Desvaro sa 'yo, nakausap na namin ang mga crew sa loob ng restaurant kunwari ay paalisin ka nila kapag lumapit ka kay Kristine at Zachary."

"Opo, ate." Magalang na saad niya.

Napangiwi ako sa tinawag niya sa akin.

"Sa ngayon okay lang na ate ang tawag mo sa akin pero kapag na kay Kristine ka na, pwede mo na akong tawaging tita, okay?"

"Okay po, Ate tita." Natawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Hihintayin ka naming makapasok sa loob, okay? Kasi kung hindi ka kukunin ni Kristine kunwari ako kukuha sa 'yo at kunwari ako mag-aampon sa 'yo."

Tumango siya.

"Pero sana po kunin niya ako sila ni Tatay." Napanguso siya. Kawawa naman.

"Ipagdasal natin 'yan okay? Sige na pwede ka nang pumasok sa loob, tandaan mo iyong mga sinabi ko at sinabi ni Desvaro. Huwag kang mag-ingles." Muli siyang tumango bago lumabas ng sasakyan. Nakita kong sinalubong si Felip ng crew na kakuntsaba namin ni Desvaro kinasuap saglit bago inalalayang pumasok.

Nagpost ako sa IG. Kunwari ay nasa sasakyan ako ni Drake pero ang totoo'y nasa sasakyan ako ni Desvaro na katulad ng kay Drake. Itinago ko kay Drake ang post na iyon tanging si Kristine lang ang nakakakita at iba pang naka-follow sa akin.

Sunod-sunod din kunwari ang chat ko kay Kristine.

I also messaged her sa planong pagtanggal ng hangin sa gulong niya. Sinabi kong kukuha ako tambay na magtatanggal ng hangin sa gulong niya pero ang totoo'y kasama ko na ang mga tambay friends ko. Pinatanggal ko sa mga ito ng hangin ang dalawang gulong ng sasakyan ni Kristine.

"Sa palagay ko ay successful ang plano." Narinig kong ani ni Desvaro nasa tabi ko siya sa Drivers seat nakatingin siya sa kung saan sina Kristine. Nakikita kasi namin sila mula sa kinaroroonan namin dahil nasa pinakagilid sila. Salamin kasi ang dingding ng resto.

Madali lang pala namin silang nasundan dahil naglagay ako ng tracker sa suot na damit ni Kristine.


Napangiti ako.

"Ang kulang na lang ay ang makomperma nating anak ni Kristine si Catherine, excited na akong dumating ang resulta ng DNA test at sa oras na malaman kong anak ni Kristine si Catherine, kakalbuhin ko ang malanding si Stella na 'yon!" Nangigigil na saad ko. Natawa naman si Desvaro.

Naging matagumpay ang plano. Dinala ni Kristine si Felip kaya ang sunod kong ginawa ay ipinasok sa Agency si Aira para siya ang makuhang katulong ni Kristine sa pag-aalaga kay Felip at para na rin may magsasabi sa akin sa mga kaganapan kay Zachary at Kristine.

Lumipas ang mga araw ay maayos naman daw si Zachary at Kristine lagi daw lumalabas ani ni Aira.

"Oh ano na naman, Atty?" bungad na tanong ko kay Desvaro ng tumawag na naman siya makalipas ang ilang linggo.

"Edelyn wants to tell us everything,"

"Tang ina, talaga?!"

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon