𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Juan ng pagbukas ko ng pintuan ng aking kwarto ay bumungad siya.
Wala si mommy dahil sinundo siya ni ninong Macky ang kaibigan ni mommy na bakla. Pinayagan na siyang maglakad-lakad ng doctor because her pregnancy is doing good now. 6 months na ang tiyan ni mommy at may kalakihan na iyon.
Walang naging maraming tanong si mommy sa akin sa akin noong nakaraan nag-iyakan lang kami at nagyakapan. Hindi niya ako pinagpaliwanag dahil kahit mangyari man iyon ay hindi ko rin magagawang sabihin sa kanya. Hindi pa sa ngayon.
"Let's talk," aniya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ako si Boy Abunda." nangunot ang nuo niya dahil sa sinabi ko.
"Boy Abunda?"
"Gusto mong makipag-usap 'di ba? Doon ka sa talk show ni Boy Abunda mag-fast talk kayo." sabi ko. Malakas na isinara ko ang pintuan ngunit hinarangan niya iyon ng kamay niya at dahil do'n ay naipit ang ang daliri niya.
Nanlaki ang mata ko nang makitang namilipit siya sa sakit.
Malakas ang pagkakasara ko sa pintuan! Tang ina!
"Fuck!" daing niya.
"Shit! Bakit mo naman kasi hinarangan?! Tang ina ang tanga mo!" Singhal ko sa kanya.
Ini-angat niya ang mukha sa akin. Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan.
Hinila ko siya papasok ng aking kwarto at pina-upo sa aking kama.
Pumasok ako sa banyo at kinuha ang first aid kit. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang sapu-sapo niyang daliri niyang naipit ng pintuan.
Nasugatan iyon at dumugo na. Kumuha ako ng wet wipes binalot ko ang may sugatan niyang daliri. Napapaiktad siya,sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya. Pagkatapos ay kumuha ako uli ng wet wipes at inasikaso ang isang kamay niya.
"Tang ina kasi kung hindi ba naman tanga alam ng isasara na ang pintuan pinipigilan pa. . ." talak ko habang pinupunasan ang dugo sa kamay niyang pinangsapo niya sa daliring nasugatan. "Paano kapag naputol ito? Sisihin mo pa ako! Tanga ka!" Naiinis na saad ko.
Tiningala ko siya. Nakatingin din pala siya sa akin.
"Oh gandang-ganda ka na sa akin? Makatitig ka diyan, tusukin ko mata mo, e." inirapan ko siya pagkatapos.
Nawala na ata ang sakit sa kamay niya dahil naaliw na niya akong tiningnan.
Inirapan ko uli siya.
"Ano ba kasing gusto mong pag-usapan natin? May taning na ba ang buhay mo? At gusto mo ng magpaalam? O baka naman gusto mong ako pa bumili ng kabaong mo? Swerte mo naman!" Talak ko habang inaasikaso ang sugat niya.
Hindi siya tumugon kaya nilinga ko siya.
Mariin siyang nakatitig sa akin.
"Bakit ka ba titig nang titig diyan?"
"Gwapa kaayo ka, Langga, dili ko kapuyon ug tutok nimo." nangunot ang nuo ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎)
General FictionIsang gabi ng karupokan. Isang gabing pinagsaluhan nila ng isang lalaki na ang pangalan lang ang kanyang alam. Isang gabi ng pagsasalo ng init at tawag ng laman. Isang gabing agad na nagbunga. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon ay...