𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜
"I'm Juan Luis Arias." Tugon ni Juan sa tanong ni Mom na halatang nagugulohan.
"W-what?!" Nanlalaki ang matang tanong ni Mom. Umawang ang bibig niya ay inilipat-lipat sa aming tatlo ang tingin.
"Mom, siya po si Juan Luis at ito po si Juan Lawrenciou." Sabat ko at itinuro si Law. Mas lalo namang nagulohan si Mom. "Nasa America po si Lucas."
"America?! What is he doing there?!" Nilingon ko ang dalawang Juan upang itanong kung dapat ko na bang sabihin kay Mommy ang totoo, naintidihan naman agad nila kung bakit ako lumingon sa kanila, pareho silang tumango kaya muli kong nilingon si Mom at hinawakan ang magkabilang kamay niya at marahan iyong pinisil.
"Mom, nasa america po si Lucas, may sakit po sa puso ang asawa mo."
"M-may sakit sa puso? Bakit hindi ko alam? Kailan pa siya umalis?!" Sunod-sunod na nanlalaking matang tanong ni Mom sa dalawa. Nanginginig ang kalamnan niya.
"Few months ago." Si Luis ang tumugon. Buhat sa tinugon ni Luis ay wala ng pigil sa pag-iyak si mommy. Hinimatay pa siya kakaiyak buti na lang at nasalo namin siya.
After malaman ni Mom na nasa America si Lucas ay inayos niya agad ang Visa nila ni Thomas. Mabilis lang ang pag-aayos nila ng mga papel sa tulong na rin ng mga connection ng mga Arias.
Ngayon nga ay magdadalawang buwan na sila sa America. Tumawag si mommy sa akin kahapon at sinabing mag-i-extend pa daw uli sila doon nang ilang buwan ayaw pa kasi siya pauwiin ng grand parents niya.
Nagbati na rin daw sila ng parents niya. Galit kasi parents niya ng pinagbuntis niya ako maaga. Itinakwil siya buti na lang at nandyan ang grandparents niya inalagaan at pinag-aral pa rin siya kahit na may anak na siya. Hindi ko pa nakita parents ni mommy in person pati sa akin noon ay galit din ata siya.
"Mommy, sabi ni Felip papakasalan daw talaga niya ako paglaki namin!" Tumatakbong sumbong ni Ylaiza.
"Look oh he gave me a ring!" Dagdag niya sabay pakita ng singsing na nasa palasingsingan niya. Isa iyong plastic na singsing. Free ata iyon ng candy na bobot.Nilingon ko si Kristine. Nginisihan ko siya inirapan naman niya ako.
Dalawang pagitan lang ang bakuran namin mula sa bahay ni Kristine. Actually si Zach pa lang ang nakatira now sa bahay nila. Ewan ko ba kasi sa dalawang 'to bakit hindi pa nagsasama, grabe nga ang naging tawa ko noong sinabi niya sa akin na mag-boyfriends/girlfriends na lang muna daw sila ni Zachary.
"Parang magiging magkumare talaga tayo, beshy!" Pang aasar ko sa kanya.
Inirapan niya uli ako. Tinawanan ko lang siya. Naglaro ulit si Ylaiza at Felip. Samantalang si Catherine ay tahimik lang sa isang gilid naglalaro ito sa iPad nito.
"Hindi ba masama sa bata ang gadgets, Tin?" Tanong ko kay Kristine habang na kay Catherine ang atensyon.
Sinundan niya ang tingin ko.
"Ngayon lang naman siya naglaro sa IPad niya, tinatamad atang makipaglaro sa dalawa."
"Siguro nga. . . by the way, wala pa ba kayong balak magsama ni Zachary?"
BINABASA MO ANG
𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎)
General FictionIsang gabi ng karupokan. Isang gabing pinagsaluhan nila ng isang lalaki na ang pangalan lang ang kanyang alam. Isang gabi ng pagsasalo ng init at tawag ng laman. Isang gabing agad na nagbunga. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon ay...