𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

10.9K 247 13
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Mabilis ang paglipas ng araw. Juan bought a house sa tabi ng bahay ni Kristine at Zachary. Masyadong maganda ang bahay kaya wala na kaming pinabago maliban na lang sa isang kwarto na pinagawa ni Juan na library ni Ylaiza.

Sobrang maalaga ni Juan sa amin ni Ylaiza. Lahat ng gusto o kahit 'yong hindi namin gusto ay binibili niya. Ini-spoil niya si Ylaiza ng mga gusto nitong books. Hindi kasi mahilig sa laruan si Ylaiza kaya books ang pinapabili niya. 

May isang kwartong pinagawa niya para kay Yvo. Bumili kami ng mga gamit for Yvo. May nursery room para sa baby sa tiyan ko.  May kwarto din para sa apat. Doon na si Ylaiza nakatira kasama ang parents ni Luis. Gusto nilang makasama si Ylaiza. Last month sinabi namin sa kanila ang tungkol kay Yvo. Sobrang umiyak ang mama ni Juan sinisi niya ang sarili niya sa mga nangyari. Kahit na anong sabi namin na wala siyang kasalanan ay na kokonsensya pa rin daw siya. Lagi niyang sinasabi kong hindi daw niya pinilit si Juan Luis na pakasalan si Ysabelle ay hindi mangyayari ang mga nangyari. Tumigil lang siya kakasisi sa sarili niya ng sabihin ng papa ni Juan na gagawa ito ng paraan para pagbayaran ni Stella ang ginagawa kay Yvo.

Speaking of Stella sinabi sa akin ni Desvaro na ibinalik din nila sa kulungan ang babae no'ng gabi ding iyon. May binayaran nga si Sonnet sa loob ng kulungan para mailabas si Stella. Lahat na lang talaga ngayon kayang bayaran ng pera. Kahit ang hustisya ay mababayaran na ng pera.

Nagkausap na kami ni Drake pumunta ako sa bahay niya. Humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya. Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng sorry. Syempre hindi ko tinanggap ang sorry niya nag-thank you pa nga ako sa kanya because he was there for me sa mga panahong sinubok ako ng panahon.

Nakita ko pa rin sa bahay niya si Honey. I talked to her sinabi ko sa kanyang sabihin kay Drake ang totoo pero ayaw niya. I told her I will tell Drake but she begged me not to tell. Sasabihin naman daw niya kay Drake but he will wait for the right time. Hindi ko alam kong ano pang right time ang hinihintay ni Honey. Nasasaktan lang sila pareho ni Drake.

Nabatukan ko pa nga si Drake noong nakaraan kasi sinigawan niya si Honey. Taratantadong 'yon pag iyon umiyak-iyak kapag nalaman ang totoo babatukan ko siya ng sampung libong beses.

Sa bahay pa rin ako nakatira, tinutulongan ko kasi si Mommy na alagaan si baby Thomas. Si Juan naman ay minsan nakipagpalitan kay Law kapag gusto niya akong makasama.

Tapos na ang operasyon ni Lucas ang sabi ng magpipinsan ay sa susunod na buwan ay makakauwi na ito.

Panay na reklamo si Law. Hindi na daw niya magawang makipag-date dahil sa pagpapanggap niya. Marami na daw babae ang umiiyak sa gabi dahil hindi niya nakakasama. Ang hangin niya sobra. Kaya pala walang tiwala sa kanya si Luis dahil babaero pala talaga siya at pakboy pa.

Si Juan Luis ay may pinagkakaabalahan nitong mga nakalipas na linggo. Ang sabi niya ay tungkol sa trabaho.

Nandito ako ngayon sa bahay. Hindi na ako pinayagan ni Juan mag maneho. 7 months na kasi ang tiyan ko medyo malaki na. Masyadong oa si Juan halos ayaw niya akong pagalawin kapag naandyan siya.

Minsan nga natatakot akong baka makita kami ni mommy kapag nakikipagpalit siya kay Law. Kasi naman hindi pa alam ni mommy na hindi si Juan Lucas si Juan Luis o Juan Lawrenciou.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon