𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 (𝐘𝐥𝐚𝐢𝐳𝐚)

12.4K 217 35
                                    

FUCK ME HARDER,
KUYA ( Soon)

Ylaiza Louisa Arias

"Hoy!" Sigaw ko ng maabotan ko ang mga kapatid kong pinagtutulongang bugbogin ang isa ko pang kapatid na si Yvoc. "Anak ng-Bakit niyo binubogbog ang kuya Yvoc niyo?!"

Nagtawanan ang tatlo umalis sila sa pagkakadagan kay Yvoc at tumakbo patungo sa kusina.

Inalalayan kong bumangon si Yvoc at inayos ko ang kanyang eyeglasses na nagkaroon ng kunting basag. Malabo kasi mga mata niya kaya need niya ng eyeglasses.

"Bakit mo hinayaang bugbogin ka ng mga bubwit na yan? Nagkabangas ka tuloy."

Ngumiti lang siya at pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi niya.

"We're just playing, ate." Mahinahong saad niy.

"Playing? Napuno ng pasa ang mukha mo! Ginawa kang punching bag nang tatlo!"

Natawa siya pero agad ding napangiwi.

"Naglalaro lang talaga kami, ate."

Napabuntong hininga ako at ginulo ko ng marahan ang buhok niya. Sa lahat ng kapatid ko ay siya ang pinakamatino. Tahimik lang kasi ito, hindi tulad no'ng tatlo na pinaglihi ni mommy sa butiti kaya hindi mapermi.

Noong naglilihi si mommy ay hindi niya pinapatabi si daddy sa kanya hanggat walang dalang butiti pag-uwi. Ginawa niyang pets ang mga butiti, ilang garapon ang naipon niya. Kapag mamatay ang mga butiti ay aatungal siya na para bang namatayan siya ng anak.

Magkukulong siya sa kwarto at buong araw na iiyak. Sa likod bahay ay ginawan niya ng sementeryo ang mga butiti niya at dapat nakalagay sa ataol ang mga patay na butiti dahil kung hindi iiyak siya nang iiyak. Kaya ang apat kong mga kuya at si Daddy nag-effort na gumawa ng maliliit na ataol. May maliliit ding lapeda ang mga ito at may mga nakalagay ding pangalan at date ng birthday at date ng pagkamatay ng mga ito. My mom is the craziest but I love her so much.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina naabutan ko doon ang tatlo nakaupo na at may hawak-hawak na tinidor at kumakain ng hotdog.

Nilapitan ko sila at isa isang pinisil ang mga pisngi nila pare-pareho naman silang nagre-reklamo.

"Kayong tatlo huwag niyo na uulitin iyong ginawa niyo kay Yvoc, naiintindihan niyo?"

Sabay silang tatlong ngumisi.

"Luis, Angelo at Louie, are you listening?"

Humagikhik lang ang tatlo napasapo ako sa aking nuo. Gosh! Maaga ata akong tatanda dahil sa mga kapatid ko. Napakakulit ng triplets at napakapasaway rin.

"Stress na stress ka na naman sa mga bubwit na ito."

"Sino ba namang hindi maiistress sa mga bubwit na 'to binugbog nila si Yvoc, kuya."

"Nagdula rami!" Sabay na rason nila. Naglalaro lang kami.

"Ate, don't be upset with them, it's true that we're just playing." Naupo si Yvoc sa bakanteng upuan. Tulad sa akin naglagay din ng plato at pagkain si Kuya Alaric sa harapan niya."Thank you, Kuya."

Ginulo ni Kuya ang buhok niya.

"I know but look at your face, Yvoc!"

Ngumiti lang siya.

Sinamaan ko ng tingin ang tatlo ng marinig ko silang humagikhik.
Ang sakit nila sa bangs. Ang kukulit at ang pipilyo.

"Just eat, Ylai, sasakit lang ang ulo mo sa mga bubwit na ito." Ani kuya at naupo siya sa isang bakanteng upuan at nagsimula ng kumain.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon