𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄

11.1K 239 9
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Dyo—"

Sinamaan ko siya ng tingin, ilang ulit ko bang dapat sabihin sa kanya na 'wag niya akong tawaging Dyosa? Naiirita ako sa tuwing naririnig ko iyong lumalabas sa bibig niya.

Mas lalo pa akong naiinis sa tuwing naalala ko ang picture na pinasa sa akin ni Drake kanina. Sobrang dami ng katanungan ko pero ni isa ay wala akong makuhang sagot.

"I bought you clothes," aniya at may pinakitang paper bags sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at sinipat ang pangalan ng paper bag na pinapakita niya.

Nanadya ba talaga tong lalaking 'to? Bakit naman Channel? Paano ko 'to tatangihan ngayon! May isa ring paper bag na sure akong Victoria Secret ang brand dahil sa kulay pink at itim ito.

"Akin na, hindi ko 'to gusto pero wala akong choice kaya susuotin ko to!" Ani ko sabay hablot ng paper bags. "Oh ano? Labas na magbibihis na ako." pagtataboy ko sa kanya. Nakatayo pa rin kasi siya at nakatingin sa akin.

"Okay." Aniya pagkatapos ng ilang sandali, lumabas na ng kwartong tinuloyan ko.

Pagkatapos naming kumain kanina ay dinala na ako ni Juan dito sa kwarto panay na kasi ako reklamo kanina na nanglalagkit na ako. Kanina ko pa talaga gustong magbihis. Akmang titingnan ko ang laman ng paper bags ng tumunog ang cellphone ko tumatawag si Renato .

"Juan Lawrenciou Arias, 30 years old, Single, CEO of Arias Company, only son of Juan Arthuro and Lawrence Arias. Juan Lawrenciou is the cousin of Juan Lucas Arias your mother's husband." bungad ni Renato ng sagutin ko ang kanyang tawag.

Kanina habang busy ang mga lalaki ay nagpadala ako ng mensahe kay Renato kalakip ng mensaheng 'yon ay ang litratong pinasa ni Drake sa akin.

"Ito lang ba ang nakalap mong information?" tanong ko kay Renato.

"I'll update you kapag may nalaman akong bago." tugon niya.

"Sige salamat."

"Walan ano mam alam mo naman pala sayo dadawin ko ang lahat—"

"Pwede bang mag-english ka na lang ang pangit mong magtagalog!" Putol ko sasabihin niya. Ang pangit kasi niyang magtagalog hindi ko maintindihan.

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakasimangot siya, isip bata pa din naman itong taong 'to kala mo hindi may-ari ng isang Security Agency.

"Noona! You told me I should learn how to speak tagalog and now you don't want me—"

"Hoy Renato, ate mo ako ipaalala ko lang sa 'yo 'wag mo akong masigaw-sigawan, ha!"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"A'ppa wants me to go home and he wants to see yo—" pinutol ko ang sasabihin niya alam ko na naman kasi ang kasunod. Paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin 'yan sa loob ng pitong taon at paulit-ulit ko na rin sinasabi sa kanyang ayaw ko.

I met Renato 7 years ago nagpakilala siyang kapatid ko sa ama mas bata siya sa akin ng tatlong taon, ang sabi niya'y matagal na niya akong hinahanap pati si mommy ngunit kahit anong gawin niyang paghahanap ay hindi niya kami makita tila daw may pumipigil na mahanap niya kami at noong time na susuko na sana siya kakahanap sa akin ay nakilala niya si Drake, siya ang tumulong kay Drake ng maaksindinte ang huli at dahil ako ang sa pangunahing contact sa Emergency ni Drake ako ang natawagan niya at pagdating nga sa hospital ay nagpakilala ako sa kanya at gano'n na lang ang gulat ko ng yakapin niya ako bigla at umiyak siya nang umiyak. Nasapak ko pa siya sa sobrang gulat ko nagka-black eye pa siya. Hindi ko pa napapakilala kay mommy si Renato, noong nalaman kasi nitong may asawa na si mommy ay bigla nalang nagbago ang isip nitong makilala si mommy ang pinipilit na lang niya lagi sa akin ay ang makilala ako ng ama namin na hindi ko naman pinagbigyan. Hindi pa ako handang makilala ito.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon