Chapter One

15 2 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

Matapos ng halos tatlong buwang taglamig, my favorite season is here.

Spring.

Sa buwan ng Marso nagsisimula ang tagsibol, hanggang sa buwan ng Mayo. Dito umuusbong ang iba't ibang klase ng mga naggagandahan at mahahalimuyak na mga bulaklak. Nagigising at bumabangon din ang mga hayop mula sa kanilang napakahabang tulog at umaalis sa munti ngunit mainit nilang tahanan upang silayan ang mundo.

Sadyang mahiwaga ang paligid tuwing tagsibol. Ang hangin ay mamasamasa na may halong lamig at lumbay mula sa nakaraang klima. Ngunit, sa oras na halikan nito ang iyong balat, kakaibang tuwa, ginhawa, at init ang dala nito. Isama mo pa ang mga iba't ibang hayop, lalo na ang mga ibon sa pagsapit ng unang silip ng araw sa umaga, na nag-aawitan.

"Straight from a fairy tale book. So... exquisite." Bulong ko.

Habang umaandar ang aming sinasakyang karwahe ay aking nasisilayan, mula sa bintana, ang kulay berde na mga damo at mga matatayog na puno na nakikisayaw sa bawat hampas ng banayad na hangin. Ang gilid-gilid ng kalsada rin ay punong-puno ng mga nagkalat na bulaklak, may kulay kahel, lila, at pula, na tila bumabati sa akin na may malawak na ngiti.

Bahagyang napaangat ang gilid ng labi ko sa tuwa dahil sa aking nasisilayan, sapagkat sa lungsod ay bihira ang ganitong nakakamanghang tanawin na tila galing sa mga kwentong aking nababasa sa silid-aklatan ni inay na Marie. Ang paligid tuwing tagsibol ay parang kumikinang at ang lahat ng masilayan ng aking mata ay sariwa.

"Tunay ngang napakaganda, aking anak." Ako ay napalingon kay itay na nasa aking harapan. Malawak ang ngiti ng kaniyang mga labi at mata.

Kitang-kita ang pananabik nito. Sapagkat sa loob ng sampung taon, ngayon na lamang muli siya makakatapak sa kanilang probinsiya, ang Prince Edward, na tahanan ng kaniyang mga ninuno at siya. Samantalang ako ay ngayon lamang makakapunta sa mahiwagang lugar na ito. This is the first time I've ever seen such beauty in my 20 years of existence in this glorious land.

"It's unfortunate that your mom and sister aren't here with us," father said, with a hint of gloominess in his voice.

Ako ay napabalik ng tingin sa labas at ngumiti na may bahid ng lungkot dahil hindi namin sila kasama ngayon.

Marie is my stepmother and Tenecie is my stepsister. Pero kahit ganoon ay hindi sila naging masama sa akin gaya ng nabasa kong isang kwento. Si Cinderella.

Ang tunay kong ina, si Josephina Fleridad Boston-Lardizabal, ay matagal nang sumakabilang buhay dahil sa sakit sa puso.

Mula sa halos limang oras na biyahe mula sa napakalawak na aniyong-tubig, gamit ang barko Veronica, at anim na oras na biyahe sa lupa gamit ang isang karwahe, kami ay nakarating na sa Hacienda dela Lardizabal, kung saan nakatira ang mga magulang ni itay, sina Duke Albert Lancaster-Lardizabal at Duchess Florencia Amiana Merila-Lardizabal, ang aking butihing lolo at lola.

Sila ang tagapangalaga ng Prince Edward. The duke and duchess of Prince Edward.

Pagkalabas ko sa karwahe, akin munang pinagpagan ang bestidang pambiyahe na suot ko. I wore a blue satin carriage short-neck dress that would go well with the springtime sky. Despite the fact that the sleeves and skirt are long to keep me covered, the fabric is light enough to keep me from perspiring with this kind of weather.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon