Chapter Six

8 1 0
                                    

Emilia Claudette Boston-Lardizabal

"Ako na po ang bahala sa dukesa kung masugatan man po ako. Huwag kayong mag-alala, Ginoong William." He looked at me, his eyes asking if I'm sure.

Tumango ako na may ngiti bilang sagot.

Sir William suggested na si Perseus na lang daw ang aking paliguan dahil hindi ito malikot. Sina Heracles at Achilles daw kasi talaga ay magulo sa tuwing pinapaliguan. However, I said that I will finish what I started.

"Kung gano'n ay tutulungan na kita, binibini." Hindi na ako umangal sapagkat hindi ko rin naman kakayanin nang mag-isa ang magpaligo sa asong mga ito na tila sampung tao ang lakas.

Mahigpit na hawak ni Ginoong William si Heracles, yakap niya ito upang hindi umiwas sa pagsasabon ko ang nilalang. Si Achilles at Perseus ay nakatali sa bakal na nasa kaliwa namin, himala silang nakahiga sa maputik na sahig na tila pinapanood kami. Ang tatlong binata ay umalis muna dahil tinawag sila upang magbuhat ng sako-sakong mais. Si Diana rin ay iniwan muna kami saglit dahil kailangan daw muli siya ng mayordoma sabi ng isang katulong na sumundo sa kaniya.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa ng ginoo. Kahit tapos na namin paliguan si Heracles ay wala pa ring nagtangkang magsalita sa amin. Akala ko ay muli niya akong tutuksuhin lalo na at kaming dalawa lang ang narito.

Ano kayang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon? Hindi ako sanay na tahimik ang ginoo.

Si Heracles ay ibinigay sa isang binatang trabahador na dumaan lang sa tabi namin. Hindi pa kasi bumabalik ang tatlong lalaki kanina, marahil ay nagbubuhat pa rin ng mga mais. Inutusan siya ni Ginoong William na ilakad ang aso upang matuyo rin agad. Sunod naming pinaliguan si Achilles.

Habang binabasa ang aso a question popped in my head.

Hindi ko hilig ang magtanong tungkol sa buhay ng isang tao ngunit ako ay nauusisa sa tila malapit niyang relasyon sa duke at dukesa.

"Bakit-"

"Bakit-"

Natigil kaming dalawa at nagkatinginan, sabay rin kaming dalawa na natawa. Ang sandaling katahimikan ay nawala na.

"Ikaw muna, Lady Emilia."

"Bakit tila yata napakamalapit mo sa duke at dukesa? Kaonti na lang ay tila apo ka na rin nila. Napansin ko kasi ang pakikipagbiruan mo sa aking lola na hindi naman nagagawa ng ibang nagtatrabaho rito sa hacienda. Tila yata ay espesyal ka." Walang kung anu-anong tanong ko.

He looked at me teasingly. "Mukhang mayroong nagseselos na apo."

Hindi ako nagseselos. Ako lamang ay naghahanap ng kasagutan sa aking tanong.

"Mali ka ng iniisip, Ginoong William-" he cut me off.

"Ayaw mo ba talaga akong tawaging 'William' na lang? Masiyadong nakakatanda pakinggan ang 'Ginoong William'." Umiling ako sa kaniyang sinabi. Nakita ko naman ang pagnguso ng ginoo.

"Kahit tawagin mo lang akong 'William' kapag tayong dalawa lang," he insisted.

Napakalaking bagay naman ata para sa kaniya ang tawagin ko siyang 'Ginoong William'. Umaasta pa siyang bata ngayong araw. Napapaisip tuloy ako kung sinong mas matanda sa aming dalawa.

Her First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon